Kagabi, napag usapan namin ang buhay nuon...nakakatuwang alalahanin..isipin mo nalang
paano mag sigang nuon e wala pang instant sinigang mix...wala pang instant gata
at kada mag gata ka kailangan mo pa mag pa kudkud at mag piga ng niyog..ngaun
napakadali magluto...puro instant na..minsan nga ayaw mo na din magluto kaya
instant na din pagkain mo gaya ng cup soup kaya mainit na tubig nalang ay ayos
na..meron na din rice in a box na may ulam na may kanin pa...ano pat napakadali
na talaga...
Hindi lang sa pagluluto napadali halos lahat
ata ng bagay dahil sa technology..nuon pag may research kayo kailangan mo
talaga pumunta sa library at mag pa xerox ng book tapos i type mo pa ulit gamit
ang typewriter...pano kung nagkamali ka tapos 3 copies pala na may carbon
paper....hehehe isa isa mo itong lalagyan ng liquid paper para mabura at tapos
hihipan para matuyo..ngaun napaka dali na kasi meron na wiki pedia sa
internet...copy paste nalang then konting format para sa header tapos
print...Presto meron ka ng term paper or research work....galing di po ba....
Ano pa ba, nuon wala pang cellphone kaya nag
tyatyaga tayo pumila sa tindahan para makatawag or duon tayo sa pay phone na
kulay pula at kailangan lang natin ng tatlong beinte singko para
makatawag...pwede pa nga telebabad e...hehehe...pero ngaun napakadali na
dahil may cellphone na...wala kang load pang tawag pwede namang text lang
at ok na..ngaun meron pang mga email, skype, yahoo at kung ano ano pa kaya
lalong madali ang communication
sabi nga...malayo man malapit din dahil sa
communication...
sa transportation naman, napakadali na mag
travel kasi meron ng metro, ferry at mga eroplano na di tulad nuon na
napakahirap mag byahe...napakaraming bagay na naimbento para dumali ang
pamumuhay...
Lahat ng ito ay galing sa ating Diyos para
mapadali ang ating pamumuhay..ang tanong nga lang...are we using this
technology para Glory ng ating Panginoon?
San ba natin ginagamit ang technology
na ito? para sa ating kapakinabangan lang ba? I guess God has allowed
technological advancement is first to make our lives easier and secondly to use
it as a medium of propagating His word....pag nag facebook, nag chat ka or nag
text ka..na i share mo na ba ang word nya or puro wordly lang ang pinagagamitan
mo? Have you forwarded God`s Word dahil sabi sa email may sumpa or blessing or
you forwarded it kasi gusto mo i bless si Lord? Kapatid this is just a
reminder that whatever God had given us..technology man yan..let`s use it for God`s
glory...kasi this blessing are not only given to us para lang sa atin but to be
a blessing also...Amen...Kapatid..let`s be a blessing today by sharing Gods word...
“So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God.” – 1st Cor 10:31
“So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God.” – 1st Cor 10:31
No comments:
Post a Comment