Thursday, February 9, 2017

Fellowship

Bilang isang Kristiyano alam mo ba na naparaming pribileyo nito? Opo napakabuti ng Panginoon ng sinabi nyang Follow me, hindi nya sinabi ito para sa kanyang kapakanan kundi para sa atin. Loving & following God is one of the greatest thing we can do habang nabubuhay…kasi following Him means you will not die spiritually..Following Him means you will be living with Him eternally..
Pero di yan ang pag uusapan natin ngaun, ang pag uusapan natin ay ang mga benepisyo ng pagiging isang Kristiyano..napakarami po pero isa lang ang itatampok natin at yan ang Fellowship..Fellowship with your brothers and sisters.
Sabi sa Hebrews 10:25 ay “Let us not give up meeting together…”..Paul says this kasi being together with the brethren makes you stronger, peaceful, united & joyful..napakasarap po mga kapatid na nasa gawain kasi sa gawain we got energize and rejuvenated. Paano? Pansinin mo, pag nasa gawain ka di mo naiisip ang mga loans & credit cards mo, di mo naiisip ang kung may tampuhan kau ng partner mo, di mo naiisip kung saan ka kukuha ng ipapadala sa Pinas, di mo naiisip ang lungkot ng pag iisa, di mo naiisip ang sitwasyon mo..kasi sabi nga sa bible Matthew 18:20 –“ If there are two or three gathers in my name I am there “– sabi po yan ng Panginoong Jesus…kaya pag nasa gawain ka..pansinin mo ang saya mo..kasi the Joy from Jesus Christ is imparted to us…
Ngaun sasabihin mo naman, masaya ako pag nag iisa..OO tama yan..pag may problema ka..subukan mong magkulong sa kwarto at makinig ng mga sad songs..mag emote emote or mag magwala ka..naku kung ano ano na ang isasaksak ng kalaban sa ulo..gaya ng mag inom ka na, makipag chat ka kung kani kanino, andyan yung mag hahanap ka ng masasandalan…na kahit di mo naman sandalan gusto mong sandalan..ayun nakakalimot na tuloy..tapos sasabihin mo..problemado kasi ako at lasing nung mga araw na yun kaya nangyari yun…
Ganyan ang kalaban, he will deceived you kasi ayaw nyang makipag fellowship ka..Minsan naman nasa gawain ka na..pero sunod sunod ang pagsubok mo..sasabihin mo ayaw mo na kasi lalong dumami ang pagsubok mo..pero sabi sa James 1:2..magalak pag dumadanas ng pagsubok ..kaya kung kristiyano ka at dumadanak ka ng pagsubok dapat daw mas magalak dahil may pagpapalang kasunod yan…
Always be thankful to God kasi He gave us brethrens na nagiging extension ng kamay, yakap at pagmamahal nya..kaya’t pag may nagtext or tumatawag sau na kapatiran para sa gawain, magpasalamat dahil it means God loves you so much and He is reminding you that you should be there with Him in the fellowship..we are one in unity sabi nga ng kanta..kayat talagang napakasaya kung sama sama sa gawain..
Kaya nga magpasalamat tayo pag may gawain..it means it is another opportunity to be bless..another opportunity to be with the brethren..another opportunity to be with Jesus..
-Ubusin natin ang time natin sa pag gawa ng mabuti para wala na tayong gumawa ng masama..-


God bless us all!

No comments:

Post a Comment