May isang kwento akong narinig sa isang elder namin sa
church tungkol sa isang mayaman..ganito daw yun..
May isang mayaman na papauwi sa kanyang bahay, along the way
naka kita siya ng isang pamilya na kumakain ng damo…sa pagtataka nya, siya’y
huminto at bumaba ng sasakyan at tinanong ang pamilyang ito..sabi nya,”bakit
nyo kinakain ang damo dyan?” sagot ng pamilya “wala na po kaming makain kaya
eto nalang po ang kinakain namin”…ganun ba..eto naman ang sabi ng mayaman…sabi
pa ng mayaman..tara sumakay kayo sa aking sasakyan at dadalhin ko kayo sa aming
tahanan ng makakain kayo..tuwang tuwa naman pamilya at dali dali silang sumakay
sa sasakyan…sa isip isip nila ay mabait itong mayaman na ito at naawa sa
kanila…habang daan iniisip na nila kung ano ang kanilang kakainin..ano pa’t
tuwang tuwa sila…pagkaraan ng ilang sandali narating na nila ang bahay ng
mayaman at namangha sila sa laki ng bakuran nito..napakalaki pala ng bahay nyo
sabi nila at napaka ganda pa…kaya’t lalo silang nasabik dahil sa isip isip nila
napaka sarap ng kakainin nila..
Pina baba na sila sa sasakyan at sinabi ng mayaman…dito na
kayo kumain…..MALALAKI NA KASI DAMO SA BAKURAN KO…..ano pat nanlumo ang
pamilyang ito dahil akala nila..pagkain na talaga ang kakainin nila…
Ganito po tayo nalilinlang ng kalaban, especially when we
are facing problems sometimes there are way out na akala natin ay blessing yun
pala ay hindi..isa isahin po natin..
Minsan pag malungkot tayo, what we do is to cling on someone
for comfort and companionship, lalo na pag nasa abroad ka at first time mo..na
ho homesick po tayo..ang nangyayari po minsan ay naghahanap po tayo ng
pagmamahal, yun nga lang po ay sa maling paraan…nagkakaroon po tayo ng mga ka
relasyon na di naman dapat, kasi minsan married na po tayo or married po yung
nakukuha nating partner. Sa umpisa masarap kasi para kayong nagsisimula ng bagong
bahay pero pag tumagal malalaman mo na mas mahirap pala ang napasok mong
pamumuhay…ang masakit marami ang masasaktan, ituloy mo man ito or hindi…bawal
na relasyon, wala ka talagang mapapala dito..
Minsan naman, pag kapos ka, ang kadalasan nating ginagawa ay
umutang or mag credit card, sa umpisa masarap pero pag bayaran na masakit na sa
ulo..at pag tatagal tagal pa at di ka na nakaka bayad…kulong ka pa..napakarami
na pong nagulo ang buhay dahil sa credit card..madali at masarap talagang mag
kaskas ika nga..pero ang huli..rehas pala ang iyong mahihimas…
Minsan naman, gusto nating makalimot dahil sa problema,
usually alak, sugal, panadaliang aliw or drugs po ang ating takbuhan pero sabi
nga, masarap lang sa una dahil pag lulong ka na…ospital, kulungan or sementeryo
ka pupulutin…
Naparami pa pong akala natin ay langit sa umpisa pero
impyerno pala ang hahantungan…ganyan po ang kalaban…He deceives us during our
weak times..sabi nga bible “the thief comes to
kill, steal and destroy” John 10:10….parang
yung kwento kanina..akala nila masarap na pagkain na yun pala damo pa din ang
bagsak nila…the devil kills us, he steals are joy and everything and even our
life at di pa siya masaya dun..he wants to destroy us….pero kapatid wag kang
malungkot dahil sabi ng Panginoong Jesus sa Matthew
11:28 “Come to me all of you who are tired and I will give you rest”…habang
ang kalaban ay gusto tayong guluhin at patayin, ang ating Panginoong Jesus ang
handog sa atin ay kapahingahan at buhay na walang hanggan…buhay di lamang dito,
kundi maging sa walang hanggan…sabi nga FOR LIFE…
Ikaw kapatid ano ba ang gusto mo, panadaliang aliw or habang
buhay na pag papala? Pagod ka na ba? Wala ka na bang matatakbuhan? Tinggin mo
ba sa sarili mo ay para kang maduming basahan? Kapatid hinihintay ka lang ni
Jesus…luhod, pagsuko at panalangin lang ang katapat nyan..Mahal ka nya
kapatid..ano pa man ang nangyari sau…Mahal na mahal ka pa din nya..at di siya
magbabago sau.. “Let us fix our eyes on
Jesus the author and perfecter of our Faith..Hebrews 12:2”
---sigurado kapatid di ka malilinlang kalian man…
No comments:
Post a Comment