Friday, February 3, 2017

TAPIK



Bakit tinatapik ang baby para makatulog samantalang pag grown up na..tinatapik naman para magising?

Nung isang araw may isang kapatiran na nagpa alaga ng kanilang baby sa amin..at habang pinapatulog ito  sabi ko sa anak ko tapik tapikin mo para makatulog…sabay tanong ng anak ko, bakit daw kailangan pa yun at pano siya makakatulog dun e tinatapik nga? Samantalang pag grown up ka na..tinatapik mo naman para magising…bigla na naman ako napa isip…sabay napa tanong kay God…Lord bakit nga po ba tinatapik ang baby para makatulog?

Sabi ko sa anak ko, para anak malaman nung baby na may kasama siya..para wag siyang mag worry kasi nandito lang tayo sa tabi nya at babantayan natin siya kaya sleep lang siya at wag matakot…

Sa buhay natin nung tayo ay mga bata pa, takot tayong mag isa…lagi tayong nasa tabi ng ating magulang at lagi nila tayong inaakay, ginagabayan, inaalagaan…I remember nuon di ako  makatulog pag madilim kasi takot ako sa mumo…pero pag alam ko na may kasama ako, lalo na andyan ang aking lolo, nakakatulog na ako…I can sleep at peace, knowing that there is somebody beside me that I could trust, somebody that could protect me..somebody beside me that I know who love me….
Parang sa buhay natin ngaun, sometimes merong mga tapik sa buhay na nakaka gising naman…minsan masakit na tapik…pag may problema…pag may sakit…pag may alalahanin…pero kagaya ng ating magulang na nagpapatulog sa atin before..minsan tapik ni Lord yan…bakit? Para malaman natin na andyan siya…andyan siya nagbabantay sa atin, andyan siya na kasama natin, andyan siya na nagmamahal sa atin…minsan kasi nakakalimot na tayo e…dahil masyado tayong busy sa buhay..para mag payaman..para maabot ang pangarap natin..para maka tulong..para maging somebody,,… kaso we end up forgetting Him…We forget our God who loves us…we forget our God who created us…we forget our God who die for us…kaya minsan may tapik…may tapik na nagpapa alala…may tapik na nagsasabi na mahal kita anak..andito lang ako…be in peace…I will never leave you nor forsake you…
Kaya mga kapatid..kung nakakaranas ka ng tapik sa buhay…Just pray…baka baka namimiss ka na ni Lord…kalian mo ba siya huling kinausap?…

No comments:

Post a Comment