Thursday, February 23, 2017

BAGYO

Ano ba ang pinag kaka pareho nina milenyo, ondoy, yolanda, falcon at Juaning? Tama!!! Lahat sila ay bagyo sa Pinas…
Sino ba naman ang di maka kaka alala kay ondoy at milenyo. Kay milenyo, halos ibagsak lahat ng billboard sa edsa at pinabaha ng ilang araw ang buong manila..Ganun din si Ondoy, halos inagos lahat ng bahay sa Marikina, Taguig at Pasig..pati Corinthian gardens na pader giniba at iniwan ang manila na walang kuryente sa loob ng ilang araw..ang hirap talaga pag may bagyo lalo na at malakas..kahit anong yaman mo, anong sikat mo di ka sasantuhin..naalala ko yung si Cristine Reyes na ni rescue ni Richard Guiterrez sa bubong ng bahay nila nuong bumaha..(showbiz..hehehe) kahit artista ka pa..di ka sasantuhin ng bagyo..…kaya mahirap talaga pag may bagyo..
Pero alam nyo ba meron din naman dinudulot na mabuti ang isang bagyo, ano po yun? 
Una, nalilinis ang hangin dahil tinatangay nito ang polluted air at nag iiwan ng sariwang hangin, pansinin nyo kung nasa mataas at safe na lugar ang bahay mo, kahit siguro walang kuryente at talbos at bagoong lang ang ulam mo ang sarap matulog at kumain..kasi presko ang hangin..bakit presko? Kasi sariwang oxygen po ang dala ng bagyo..tinanggal nito ang polusyon at lason na nasa hangin..at kung oxygen yan…yan po ang kailangang hangin ng katawan natin..isa sa pag aaral sa syensya..sabi, kaya daw tumagal ng hanggang 960 years old ang idad ng mga tao nung bata pa ang mundo ay dahil pure oxygen pa ang nasa atmosphere..ngaun po kasi napaka baba ng percentage ng oxygen sa hangin..dahil sa sari saring chemical at pollution ng kapaligiran.. Ano pa ba ang maganda sa bagyo?, nalilinis po ang basura sa ilog, inaanod po sa gitnang parte nito..minsan nga pati bubong ng bahay natin malinis na e.., wala na yung mga dumi ng pusa..(hehehe) ano pa ba..sa mga halaman naman, nabubunot na yung mga tuyo at patay na halaman at natitira yung matibay..ibig sabihin yung nutrients ng lupa napupunta sa  mas karapat dapat na halaman at hindi sa mga patay na halaman na..
Yan po ang bagyo,….sa ating buhay bagyo din ang tawag natin sa problema, pagsubok at mga challenges ng buhay…minsan mahirap, minsan masakit, minsan nakaka matay pag nakalimot ka na, minsan nakaka ligalig talaga..may mag sasabi na simula sila pina nganak ay puro problema at pagsubok na..meron namang sa problema na umiikot ang buhay nila..at sa tingin ko, wala namang taong walang problema..laging meron nyan..iba iba lang ang anyo hugis at kulay..pero sa dulo..pare parehong problema pa din..sabi nga… bagyo pa din…
Pero bakit nga ba may bagyo sa buhay? Bakit di nalang puro saya at walang paghihirap..yun bang walang problema..bakit hindi ganun ang buhay? Mahirap din kaya yun..boring..kasi pag nasanay ka na sa isang bagay na kahit gano kaganda..mag sasawa ka na..kaya may bagyo..para maiba naman…
Para sa akin, problems are part of the cycle of life, parang physical na bagyo di pwedeng wala…kasama ito sa grand design ni Lord…at kahit sa disyerto..kailangan ding umulan at bumagyo..(opo umuulan din sa desert, may storm din…sand storm nga lang)..you see problems can either make or break us..may purpose lagi si Lord sa nangyayari sa buhay natin kasi nga mahal nya tayo..sa Physical storm..it balance the nature cycle..it gives us fresh air to breath…it cleans the surroundings..masakit nga lang minsan kasama bahay natin..pero kidding aside may benefit po talaga ang bagyo..sa buhay naman natin..problems strengthen us, can refine us, can guide us..and can bless us…at ang pinaka maganda..ano mang pagsubok yan di natin dadanasin yan kung hindi natin kaya.. kasi sabi sa 
“1st Cor. 10:13 – walang pagsubok na pinadala na di natin kaya” at kung sinabi ng bible yan..tutoo yan..sabi nga God cannot lie..kaya magalak ka kapatid kasi whatever difficulties, trials, problems, persecution na pinag dadaanan mo..kaya mo yan..kasi di mo makukuha yan ng di mo kaya..Ano pa? problems can be a blessing too..let’s just pray kung ano ang gustong ituro ni Lord sa atin…minsan kasi we are corrected sa mga ginagawa nating mali through problems..para maalala natin na may mali tayong ginawa or ginagawa..kasi gusto ni Lord maituwid ang isang bagay na baluktot sa buhay natin at ginagamit nya ang problema para maituwid ito..halimbawa may sakit ka sa bato,,yun pala di ka masyado umiinom ng tubig..minsan naman dala ng maluho ka pala masyado nag kautang ka tuloy..o kaya naman di maganda ang ugali mo..ayan tuloy wala kang friends..o kaya nakakalimot ka na kay Lord mag pray kaya ayan nung nagka problem puro pray na..may fasting pa…marami pa..God uses trials to correct wrong things in our life..
Ano pa ba? Minsan naman God is training us for a higher ministry or calling kaya He is training you sa difficulties in life para tumatag ka para sa mas mataas na mission sa buhay mo..pansinin mo yung mga sundalo na sobrang hirap ng training..pag naka pasa sila..ang pusisyon nila dun din sa mga critical missions…pag ordinary lang ang training mo..taga bantay ka lang ng kampo or taga type ka sa opisina..kaya magalak ka pag matindi ng trials mo..kasi God has a wonderful plan for you..sabi yan sa “Jeremiah 29:11 – my plans for you is to prosper you and not to harm you…” tamo..gusto ni Lord I bless us…kaya kahit ano pa yang pagsubok na yan..isipin natin blessing yan,,…sabi din yan sa “Romans 8:28 – all things work together for good for those  who love Him”..basta love mo si Lord lahat yan..blessing…Amen..
Lastly eto ang maganda..sabi sa “James 1:2-Consider it pure joy when you are on trials,…so that you may become complete” Sabi dito pag may pagsubok, magalak..ganun….opo..ganun nga..kasi sabi ng 
Bible..pure Joy pa nga e..kasi daw we will become complete..ganun pala yun…God wants us to be complete not lacking anything and He is doing it via problems..kasi nga naman pag may bagay kang pinag daanan or pagsubok na napag tagumpayan..you can teach it to others..lalo na sa mga kapatid, kaibigan at anak mo..di mo kasi pwedeng ituro sa iba ang isang bagay na di alam mo o pinag daanan..at ang mas maganda..mapupurihan mo si God kasi hindi ka nya papabayaan…sa galak or pagsubok mo..God is with us…Amen..kaya kahit anong pagsubok yan..dont worry..nauna na si God duon at alam na nya kung pano ka nya tutulungan..Just have faith and believe in Him..Amen..


No comments:

Post a Comment