Kung sakaling alam mo na bukas ay huling araw mo na sa earth…ano yung gagawin mo ngayung gabi at bakit? Kakagulat na tanong noh.hehehe, maraming ayaw pag usapan ang topic na ito pero kailangan e..kasi lahat tayo dyan ang punta…pero kung sakali lang…ano yung gusto mong gawin ngaun? Malamang iba iba ang sagot..kasi iba iba ang sitwasyon natin…at malamang eto yung mga sagot nila.
1. Makikipag bati sa lahat ng kagalit mo or yung naka samaan mo ng loob – may katotohan kasi napaka hirap kaya ng may kagalit, isipin mo nalang, iniisip mo siya ng di mo alam kung iniisip ka din…kasi gusto mo ilabas yung galit mo or yung sama ng loob mo…ang lakas kaya mag patanda nyan..lakas mag pa wrinkles..lakas mag pa panget… kasi mahirap may kagalit..kasi alam mo ba pag may galit ka, para kang may asido sa puso na gusto mo isaboy sa kagalit mo..kaso isipin mo ito..ang problema sa asidong yan, bago mo maisaboy sa kagalit mo..ikaw muna ang sisirain nyan…tama po ba? Di ba pag galit ka dami mo nagagawa na di naman dapat gawin..kapatid kaw din ang masisira…kaya nga sabi ni Lord “forgive those who hate you” (Mark 11:25), sabi pa nga nya..”Love your enemies”. (Luke 6:27)..ayaw ni Lord ng may kagalit ka or kasamaan ng loob..kasi alam nya ikaw din ang masisira,,,biro mo last day on earth mo na..yung kagalit mo pa naiisip mo..it’s either you want to reconcile or you want to get even..the problem nga lang with getting even is…you get the same as him…kaya mga kapatid if ever may kagalit ka or kasamaan ng loob..better get reconcile..pray to God and ask forgiveness..para kung last day mo sa earth wala kang iniisip na may kagalit ka na dapat balikan…
2. You will tell sa mga mahal mo sa buhay na mahal na mahal mo sila – most people malamang ito ang gagawin kung alam nilang last day mo na ngaun, mag papa alam ka sa mga love ones mo..you will tell them good memories at you will try na iaayos ang kinabukasan nila especially kung parents ka or head of the family ka..you will make a long list of bilins and habilins..para ma assure mo na magiging OK sila pag wala ka na..parang eksena pag nag aabroad noh..ang pinag ka iba nga lang..this time alam mo di ka na makakabalik pa… you will try to tell them to be strong at dito papasok yung term na.. “wag mo papabayaan ang sarili mo at lagi ka mag dadasal” --- in times like this, yun bang tough times, sad times..we always turn to God..bakit ganun? Sa bad times lang natin naaalala si God? Sana lang po wag na po natin intayin yung bad times to remember God..bagkus lets make it a habit to pray..(1st Thes 5:17)..at wag din natin intayin na mawawala na tayo sa mundong ibabaw bago natin ipakilala sa mga mahal natin sa buhay si Lord..lalo na sa mga anak natin or sa younger generation..Lets introduce Jesus sa kanila habang bata pa..alam mo ba na isa ito sa pinaka magandang bagay na maituturo mo sa kanila….ang makilala si Jesus…Amen..
3. Magsasaya all night long (party party, magwawala, maglalasing) – eto tingin ko may gagawa pa din kasi yung iba katwiran nila bago man lang sila mawala sa mundo, maranasan man lang nya lahat ng sarap na kayang ibigay ng mundo…alak, babae, sugal, drugs, at kung ano ano pang bawal…yun ang gagawin…- nakaka awa ang mga taong ganito, kasi sila yung mga taong ito di na nag iisip kung ano mangyayari sa kanila bukas..di na nila iniisip kung may langit or impyerno basta mahalaga masarapan sila ngaun at bahala na bukas,..tsk tsk tsk…lets pray walang ganito ang gagawin.
Ilan lang po yan sa mga sagot, lam ko madami pa..ang tanong lang naman e kung handa ka na? Buti kung alam mo kung kalian ka kukunin atleast pwede mo pag handaan..ang kaso hindi natin alam e..maaring matagal pa, maaring sa isang taon, maaring bukas…ang mahalaga lang siguro dapat alam natin kung san tayo pupunta…sa bible..dalawa lang naman yan e..sa langit or sa hell…at alam ko ayaw natin sa mainit..gusto natin sa langit..ngaun kung gusto mo duon mapunta..alam mo na ba dapat mong gawin? Meron mag sasabi, gagawa ng mabuti, magiging mapag bigay, lalakad ng paluhod, mag lilimos, tutulong sa mga nangangailangan…mag sisimba lagi…mag papaka bait…mag papako sa krus…at kung ano ano pa…ang mahirap nga lang lahat yan, hindi yan ang daan..sa bible kasi sabi si Jesus lang ang daan.. (John 3:16 \ John 14:7) kasi sabi pa sa Acts 4:12 “Salvation is found in no one else, for there is no other name under heaven given to men by which we must be saved." – Opo si Jesus lang ang daan sa langit..at ang kailangan mo lang gawin ay gawin siyang Diyos at tagapaglitas ng buhay mo..at pag siya na ang nasa puso mo..mag e-emulate yan sa kilos mo at mag kakaroon ka na ng Love, Joy at Peace… at even death po ay di natin kakatakutan..kasi alam mo you are save with Him…sa buhay na ito at sa susunod pa…at alam mo ba na pag kay Jesus mo sinuko ang buhay mo - sabi sa bibliya “Believe in the Lord Jesus, and you will be saved--you and your household." (Acts 16:31) – Opo di lang po ikaw kundi ang buo mong pamilya ay maliligtas…kaya kapatid kung di mo pa sinusuko sa kanya ang buhay mo..isip isip ka na..wag mo na intayin na maging huli ang lahat…..kung handa ka naman na isuko sa kanya..dasalin mo lang ang dasal na nasa ibaba at buong puso mo usalin at ang kaligtasan ay sasa iyo…
“Ama namin, salamat po sa buhay na ipinagkaloob mo sa akin..salamat din po sa buhay ng Paginoong Jesus na ipinangtubos para sa aking kaligtasan..Heavenly Father, patawarin mo po ako sa lahat ng nagawa kong kasalan mula nuon hanggang ngaun..at pina tatawad ko na din po ang lahat ng nag kasala sa akin..Panginoong Jesus, binubuksan ko po ang aking puso, buhay at pag katao at inaanyayahan kitang maging Diyos at tagpagligtas ng buhay ko mula ngaun. Paginoong Jesus, gawin nyo po akong nilalang na lumalakad ayun sa inyong kalooban at inaasahan ko pong sinulat mo na ang aking pangalan sa aklat ng buhay..Amen..
No comments:
Post a Comment