Saturday, February 11, 2017

Di ka ba makatulog?

Sa panahon ngayon ng teknolohiya, pati ata ang pagtulog ng mahimbing ay nagiging suliranin na..kaya imbes pilitin matulog nag facebook or nanonood nalang. Yung iba naman umiinom ng warm milk, kumakain ng saging or umiinom ng chamomile tea dahil etong mga nabanggit na food at drinks help us get a good night sleep. Yung iba naman nag exercise naman sa gabi para daw pagod, para madali makatulog..pero bakit nga ba hindi tayo makatulog agad sa gabi or makatulog ka man pagising gising ka naman..sa umaga tuloy masakit pa ang ulo mo..bakit nga ba?

Maraming dahilan kung bakit di tayo agad makatulog halimbawa:
1. Sa kinakain at ininom natin kasi meron itong mga sangkap na imbes na marelax tayo ay lalong ginigising ang kamalayan natin gaya ng softdrinks dahil sa caffeine (mountain dew po ang pinakamalakas sa caffeine), andyan din ang coffee lalo na po ang espresso. Ano pa ba, pizza, spicy foods, lahat ng may tomato sauce, processed foods, energy drinks, chocolate, ice cream, wine etc,..kaya iwasan po natin ang mga food and drinks na ito bago makatulog atleast 2 to 3 hours po. Sa Bibliya ang advisable food po alam nyo po ba kung ano? Green veggies, fruits and water lang po.. I’m sure if we do the Bible diet, we will become healthy at magkakaroon pa tayo ng good night sleep. (Daniel 1:12 \Gen 1:29)
2. Worries – isa po itong malakas hindi magpa dalaw ng antok alalahanin, dahil laging bukas ang isip natin sa mga pwedeng mangyari..kumbaga walang pang bukas nag aalala na tayo..ayun hindi tuloy makatulog..minsan kasi masyado tayong worried about everything, kaya yung utak natin isip ng isip at hindi mapahinga..para po kasing computer ang utak natin, the more we process data mas mabilis po ang takbo ng processor..kaya mas maraming iniisip mas hindi makatulog…kaya dapat po matuto tayong mag shutdown ng isip para maka pag pahinga otherwise gising ka lagi..sa Bibliya po Jesus said “Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more than food, and the body more than clothes? Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?” Matthew 6:25-26 – Ayan malinaw sabi ng Panginoong Hesus wag daw mag worry kasi siya ang bahala..kasi nga naman yung mga ibon na pagala gala nabubuhay ng walang nag aalaga, ikaw pa na greatest creation ni God, sa tingin mo pababayaan niya? So kapatid don’t worry po..God loves you…kaya sa gabi, pag higa instead of worries, think about God’s blessings sayo for that day and thank Him..magugulat ka nalang gigising ka ng payapa kinabukasan… 
3. Fears – eto pa isang malakas hindi magpatulog, takot…lam nyo ba na marami tayong takot sa buhay.., kaya minsan di tayo makatulog..andyan yung takot mag bukas kasi due date sa meralco, MWSS, credit card, 5/6, bumbay, loans etc..sabagay mahirap talaga walang pambayad..kaya pag nasa ganito kang sitwasyon talagang di ka makakatulog kasi daw walang pera..pero ito nakakatawa..lam nyo ba na kahit yung maraming pera hindi rin makatulog, pansinin nyo yung maraming pera malalaki ang bahay, matataas din ang pader, may bubog pa, may barbwire, may alagang police dog, may security guard, may CCTV pa..pero konting kaluskos lang di pa rin makatulog..kasi takot baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay.. pareho din ng walang pera..hindi pa rin makatulog..so hindi basis ang pera sa pagtulog kasi kahit meron or wala pareho lang..pareho ding takot..sa Bible “Fear not for I am with you” Isaiah 41:10 – sabi ni God whatever situation you has, do not fear for God is with you always..

Ilan po ang mga dahilang nabanggit for not getting a good night sleep but I guess the best thing to get a good night sleep is found in Psalms 4:8 sabi - “I will lie down and sleep in peace, for you alone, O LORD, make me dwell in safety.” –napakasarap po pag nasa Panginoon ka..masarap na ang tulog mo, safe ka pa…basta isuko mo lang lahat sa kanya..Ikaw kapatid, sinuko mo na ba sa kanya ang buhay mo? Baka naman hindi pa..kung hindi pa, kailan pa? kaya mo pa ba? Gusto mo ba ng kapayapaan? Just surrender it all to Jesus.. sabi nya “Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled and do not be afraid. (John 14:27)

No comments:

Post a Comment