Monday, February 27, 2017

HUMOR FROM THE PULPIT

I was inspired by our pastor to write something to Glorify God through Jokes from the pulpit..Truly if we allow the Holy spirit to move, everything can be use for God’s glory..Amen..Eto po yung una sa series ng Humor from the pulpit collection…

….isang barko ang nag lalayag sa dagat pasipiko ng walang ano ano ay isang ice berg ang kanilang nabangga..(sounds familiar..hehehe) ..napasama ang bangga kaya’t nag abiso na ang kapitan na abandon ship..lahat ay nagkagulo..kanya kanyang takbo…hanap ng life vest..life jacket..salbabida(ano po ang English ng salbabidang bilog)…takbo dito, takbo duon,..syempre panic to the max ang lahat….sa isang panig ng papalubog na barko,..isang babaeng pinoy ang nag dadasal ng malakas at nag sasabing..santa maria ina ng awa kaawaan mo kami..san jose de Labrador..tulungan mo kami..san pedrong matulungin kami’y saklolohan…san Mateo kami’y pag milagrohan…napansin ito ng kapitan at galit na nagsabing…ano kaba?...lulubog na nga tayo nagtatawag ka pa?!!!!!---hehehe---(gets po bah)…..

Kakatuwa di po ba,..but if we are to look at the story you would find a bit of reality..pag aralan po natin…
Ang barko po ay nag signify ng ating buhay na nag lalayag..kadalasan ay tahimik at payapa pero dumadating ng walang pasabi ang pagsubok..ang problema..kagaya ng barko na tumama sa isang iceberg..at syempre once problems came..we as humans has this tendency to react, react calmly or react aggressively..andyan yung naguguluhan at nag tatanong…karma ko ba ito??? Mabait naman ako..wala naman akong inargabyado..bakit nagkakaganito?....we as Christians are not exempted to this life's problems, trial at minsan persecution..ang maganda nga lang we have the Bible to look at kung ano ba ang dapat nating maging reaction when this things came..at sabi sa James 1:2 – consider it pure joy when you are under trials…ulitin po natin..consider it pure JOY…ang galing ano po..problemado ka na..but you have to be JOYFUL pa..that’s what the Bible says…be JOYFUL even when your in trial…pansinin po natin..di po sinabi na be HAPPY..but be JOYFUL..happiness po kasi is dependent on an event, a person or a thing..the sad part is all of this things fade kaya pag wala na yung object to be happy with malungkot ka na..while JOY po kasi is not the absence  of war, famine, problems, trials or persecution in our life but the presence of JESUS..kaya po JOY kasi it means Jesus On You..when Jesus is in us, we can face everything, even sad & troubles days with Joy in our heart..Amen…
Another reality on the above story is that when problems and trials came, we tend to call, relatives and friends..tao po ang una nating nilalapitan..tawag kay mama, kay papa kaya tito, kay tita, kay brother or sister para humingi ng tulong..it is not bad but it is also not good because this are also people…kagaya nung storya sa taas..kung sino sinong santo na ang tinawag…minsan ganun po tayo..yung iba nga literal na santo na ang tinatawag…pero naisip ko lang? halos lahat ng santong nabanggit ay taga Israel at ang salita nila ay Hebrew..sa tingnin nyo po ba ay maiintindihan kau nyan? Di po sila all powerful na kagaya na ating Panginoong Jesus..at kung di po nila kau naiintindihan..sino po kaya ang nakaka intindi…please be reminded that this so called saints are also persons…and that there is nowhere in the bible saying na pwede silang dasalan..at isa pang truth are that these saints are already dead..at sabi Deutoronomy 18:10-12  Let no one be found among you who sacrifices their son or daughter in the fire, who practices divination or sorcery, interprets omens, engages in witchcraft,  or casts spells, or who is a medium or spiritist or who consults the dead.  Anyone who does these things is detestable to the LORD; because of these same detestable practices the LORD your God will drive out those nations before you…masakit mang sabihin but God is not pleased when you talk to dead people, praying pa kaya?..kaya when you know somebody who prays to this saints remind them of this verse…

Pero sabi din po ni God sa psalms 50:15 call me in your days of trouble, so I can rescue you and you can give me glory…yan po ang tama..Let’s call God..Bible po ang nagsabi nyan..call Him on your days of trouble for He cares for you…so whenever we are on a distress or in a problem,,..let’s call God..yan po ang tamang gawin..maging sa problema, gusto ni God una pa din siya..nakasunod na po tayo sa commandment nya, na glorify pa po natin siya...at hindi po kung sino sino ang inuuna natin…remember 1st Cor 10:31 So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God.


Friday, February 24, 2017

PEACE

Ano daw ba maganda? Magulo or tahimik? E kaso may sumagot..Magulo daw giyera..ang tahimik naman daw ay patay..hehehe..parang wala kang mapili..parang parehong talo..sige para madali..ano nga ba ang kapayapaan?
Iba ibang tao, iba iba ang ibig sabihin nito..Sabi nga ng dictionary, peace is the absence of war, a state of harmony and tranquility. A place without oppression or hostilities.
Yan daw ang kapayapaan, walang away, walang gulo, walang gyera, may pag kakasundo sundo, may pag kakaisa, walang naargabyado at may pag mamahalan..yan daw ang kapayapaan. Tanong..meron bang ganyan? Kung meron saan? Sa kasaysayan ng mundo, man’s greatest struggle is to have peace. Pansinin mo, ang mundo ay pinanday ng gulo, gyera at digmaan..tignan mo sa history..ang Pilipinas ba, ilang bansa ang sumakop? Ilang digmaan ba ang dumaan? Ilang bata ang nangulila? Ilang bahay ang nawasak? Ilang tao ba ang namatay? Kung kapayapaan ang hangarin nuon pa, bakit ganun? Bakit laging magulo? Nung tayo ay naging malaya, tayo ba ay naging payapa? Naranasan na ba natin ang kapayapaan? Nawala man ang digmaan, meron paring kaguluhang nangyayari sa ating bansa. Nag karuon ng maka kaliwa, maka kanan..at bawat isa ang sigaw ay kapayapaan..pero ayaw naman mag kasundo..ayaw patalo sa isa’t isa…gusto lagi mag sarili…yun ba ang kapayapaan?
Sa ngaun, payapa ba ang bansa? Nakakalabas ka ba sa bahay ng walang takot? Nakaka alis ka ba sa bahay ng hindi nag aalala na baka ka manakawan..pag minalas..baka mapatay pa…malungkot pero yan ang totoo..wala pa ring kapayapaan..kahit wala ng gyera, kahit wala ng digmaan..pero wala pa ring kapayapaan…
Yan po ay halimbawa ng kapayapaang pan labas na lagi nating inaasam…asan na ba? Nakamit ba natin ang kapayapaang hangad?
May isang klase pa ng kapayapaan..ang kapayapaang pan loob..eto yung peace sa ating loob…sabi sa wikang English..peace of mind…
Kagaya ng external peace, pano ba ma achive ito…sabi ng iba, pag may pinag aralan ka, may maganda ka work, pag may pera ka, pag wala kang sakit or pag wala kang utang, duon mo daw ma achieve ang peace of mind..yun bang wala kang problema….tanong ulit..meron bang ganito…meron bang may peace of mind?
Maraming may pinag aralan, may pera, walang utang, at walang sakit..pero payapa ba sila? Kuntento ba sila? Yung iba..sasabihin kuntento na sila…pero deep inside nag hahanap pa din..bihirang tao ang magsasabing Masaya na sila sa sahod or kita nila..lagi sasabihin kulang…meron may pinag aralan na gusto pa din mag aral or gusto nya yung pinag aralan ng iba, meron namang walang sakit pero feeling nila may sakit sila..truly the search for peace whether external or internal ay talagang mailap…
For us Christians peace doesn’t come from what we have, what we feel or what we achieved. Hindi rin ito naka base kung san tayo nakatira, may sakit tayo or wala, may utang tayo or wala..may kaibigan tayo or wala..mapalad ang mga Kristiyano kasi when we accepted Jesus Christ as our Lord and savior kasama na agad yan..sabi nga peace is not the absence of war, problem or trials in our life but the presence of Jesus..Yap mga kapatid yun po ang sikreto ng peace of mind & a peaceful living..peaceful living in a sense na di ka mapapa away sa mga nag iinuman kasi di ka naman iinom ng alcoholic drinks kaya di ka malalasing at di ka pupunta sa mga lugar na ganun ang tema kaya iwas gulo ka..yun bang kahit anong mangyari alam mong may masasandigan ka, yun bang kahit san ka mapunta alam mong mayroon kang kasama. Yun bang alam mong kahit marami kang kailangan pero di ka magkukulang..bakit? sabi kasi ng ating Panginoon…at hindi lang basta sinabi..pinangako at sinulat pa..saan? syempre sa BIBLE..andaming verse unang una..sabi sa John 14:27” Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled and do not be afraid.”..ayan, malinaw na ang iniwan sa atin ng Panginoong Jesus ang kapayapaan..at ito daw ay di tulad ng mundo…kaya..wag daw matakot….asan pa? Hebrews 13:5”I will never leave you nor forsake you”..di daw tayo iiwan o papabayaan…ang sarap di ba..yun bang kahit san ka mapunta alam mo may kasama ka, kahit ano mangyari sau andyan siya..at ang masarap..365 days a year at 24/7 yan..sa pangangailangan naman..madalas iniisip natin ang ating kakainin..pero ano sabi ni Lord sa Matthew 6:31-32 “So do not worry, saying, ‘What shall we eat?’ or ‘What shall we drink?’ or ‘What shall we wear?’ For the pagans run after all these things, and your heavenly Father knows that you need them.” Amen..alam daw ni Lord lahat yan..at kung alam nya maniwala ka na ibibigay nya..ano pa? pag may pangangailangan ka..ano sabi sa Philippians 4:19 “And my God will meet all your needs according to his glorious riches in Christ Jesus.” Lahat daw..AS IN lahat daw ibibigay nya..e ano pa iniisip natin? Ano pa ba? Huuuummm? Psalm 23:4 “Even though I walk through the darkest valley, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.” Amen..sarap ano po..that kahit anong sitwasyon andun sya..to guide us, to protect us..to be with us..sabi nga dyan..eventhough I walk to the darkest valley..I will fear no evil..kasi God is with me, sabi sa Roman 8:31 “if God is for us, who can be against us?” Amen….
Para sa akin, we can only find PEACE only in Christ Jesus..for It is not by our might, nor by our power but by the spirit of the Living God..”Peace comes from:
Prayer, Evangelizing, Active in the Ministry, Christian life living & Empowered by the Holy spirit…

-Glory to God only-

Thursday, February 23, 2017

BAGYO

Ano ba ang pinag kaka pareho nina milenyo, ondoy, yolanda, falcon at Juaning? Tama!!! Lahat sila ay bagyo sa Pinas…
Sino ba naman ang di maka kaka alala kay ondoy at milenyo. Kay milenyo, halos ibagsak lahat ng billboard sa edsa at pinabaha ng ilang araw ang buong manila..Ganun din si Ondoy, halos inagos lahat ng bahay sa Marikina, Taguig at Pasig..pati Corinthian gardens na pader giniba at iniwan ang manila na walang kuryente sa loob ng ilang araw..ang hirap talaga pag may bagyo lalo na at malakas..kahit anong yaman mo, anong sikat mo di ka sasantuhin..naalala ko yung si Cristine Reyes na ni rescue ni Richard Guiterrez sa bubong ng bahay nila nuong bumaha..(showbiz..hehehe) kahit artista ka pa..di ka sasantuhin ng bagyo..…kaya mahirap talaga pag may bagyo..
Pero alam nyo ba meron din naman dinudulot na mabuti ang isang bagyo, ano po yun? 
Una, nalilinis ang hangin dahil tinatangay nito ang polluted air at nag iiwan ng sariwang hangin, pansinin nyo kung nasa mataas at safe na lugar ang bahay mo, kahit siguro walang kuryente at talbos at bagoong lang ang ulam mo ang sarap matulog at kumain..kasi presko ang hangin..bakit presko? Kasi sariwang oxygen po ang dala ng bagyo..tinanggal nito ang polusyon at lason na nasa hangin..at kung oxygen yan…yan po ang kailangang hangin ng katawan natin..isa sa pag aaral sa syensya..sabi, kaya daw tumagal ng hanggang 960 years old ang idad ng mga tao nung bata pa ang mundo ay dahil pure oxygen pa ang nasa atmosphere..ngaun po kasi napaka baba ng percentage ng oxygen sa hangin..dahil sa sari saring chemical at pollution ng kapaligiran.. Ano pa ba ang maganda sa bagyo?, nalilinis po ang basura sa ilog, inaanod po sa gitnang parte nito..minsan nga pati bubong ng bahay natin malinis na e.., wala na yung mga dumi ng pusa..(hehehe) ano pa ba..sa mga halaman naman, nabubunot na yung mga tuyo at patay na halaman at natitira yung matibay..ibig sabihin yung nutrients ng lupa napupunta sa  mas karapat dapat na halaman at hindi sa mga patay na halaman na..
Yan po ang bagyo,….sa ating buhay bagyo din ang tawag natin sa problema, pagsubok at mga challenges ng buhay…minsan mahirap, minsan masakit, minsan nakaka matay pag nakalimot ka na, minsan nakaka ligalig talaga..may mag sasabi na simula sila pina nganak ay puro problema at pagsubok na..meron namang sa problema na umiikot ang buhay nila..at sa tingin ko, wala namang taong walang problema..laging meron nyan..iba iba lang ang anyo hugis at kulay..pero sa dulo..pare parehong problema pa din..sabi nga… bagyo pa din…
Pero bakit nga ba may bagyo sa buhay? Bakit di nalang puro saya at walang paghihirap..yun bang walang problema..bakit hindi ganun ang buhay? Mahirap din kaya yun..boring..kasi pag nasanay ka na sa isang bagay na kahit gano kaganda..mag sasawa ka na..kaya may bagyo..para maiba naman…
Para sa akin, problems are part of the cycle of life, parang physical na bagyo di pwedeng wala…kasama ito sa grand design ni Lord…at kahit sa disyerto..kailangan ding umulan at bumagyo..(opo umuulan din sa desert, may storm din…sand storm nga lang)..you see problems can either make or break us..may purpose lagi si Lord sa nangyayari sa buhay natin kasi nga mahal nya tayo..sa Physical storm..it balance the nature cycle..it gives us fresh air to breath…it cleans the surroundings..masakit nga lang minsan kasama bahay natin..pero kidding aside may benefit po talaga ang bagyo..sa buhay naman natin..problems strengthen us, can refine us, can guide us..and can bless us…at ang pinaka maganda..ano mang pagsubok yan di natin dadanasin yan kung hindi natin kaya.. kasi sabi sa 
“1st Cor. 10:13 – walang pagsubok na pinadala na di natin kaya” at kung sinabi ng bible yan..tutoo yan..sabi nga God cannot lie..kaya magalak ka kapatid kasi whatever difficulties, trials, problems, persecution na pinag dadaanan mo..kaya mo yan..kasi di mo makukuha yan ng di mo kaya..Ano pa? problems can be a blessing too..let’s just pray kung ano ang gustong ituro ni Lord sa atin…minsan kasi we are corrected sa mga ginagawa nating mali through problems..para maalala natin na may mali tayong ginawa or ginagawa..kasi gusto ni Lord maituwid ang isang bagay na baluktot sa buhay natin at ginagamit nya ang problema para maituwid ito..halimbawa may sakit ka sa bato,,yun pala di ka masyado umiinom ng tubig..minsan naman dala ng maluho ka pala masyado nag kautang ka tuloy..o kaya naman di maganda ang ugali mo..ayan tuloy wala kang friends..o kaya nakakalimot ka na kay Lord mag pray kaya ayan nung nagka problem puro pray na..may fasting pa…marami pa..God uses trials to correct wrong things in our life..
Ano pa ba? Minsan naman God is training us for a higher ministry or calling kaya He is training you sa difficulties in life para tumatag ka para sa mas mataas na mission sa buhay mo..pansinin mo yung mga sundalo na sobrang hirap ng training..pag naka pasa sila..ang pusisyon nila dun din sa mga critical missions…pag ordinary lang ang training mo..taga bantay ka lang ng kampo or taga type ka sa opisina..kaya magalak ka pag matindi ng trials mo..kasi God has a wonderful plan for you..sabi yan sa “Jeremiah 29:11 – my plans for you is to prosper you and not to harm you…” tamo..gusto ni Lord I bless us…kaya kahit ano pa yang pagsubok na yan..isipin natin blessing yan,,…sabi din yan sa “Romans 8:28 – all things work together for good for those  who love Him”..basta love mo si Lord lahat yan..blessing…Amen..
Lastly eto ang maganda..sabi sa “James 1:2-Consider it pure joy when you are on trials,…so that you may become complete” Sabi dito pag may pagsubok, magalak..ganun….opo..ganun nga..kasi sabi ng 
Bible..pure Joy pa nga e..kasi daw we will become complete..ganun pala yun…God wants us to be complete not lacking anything and He is doing it via problems..kasi nga naman pag may bagay kang pinag daanan or pagsubok na napag tagumpayan..you can teach it to others..lalo na sa mga kapatid, kaibigan at anak mo..di mo kasi pwedeng ituro sa iba ang isang bagay na di alam mo o pinag daanan..at ang mas maganda..mapupurihan mo si God kasi hindi ka nya papabayaan…sa galak or pagsubok mo..God is with us…Amen..kaya kahit anong pagsubok yan..dont worry..nauna na si God duon at alam na nya kung pano ka nya tutulungan..Just have faith and believe in Him..Amen..


Wednesday, February 22, 2017

BE A BLESSING

Nung bata ka pa ano gusto mo maging pag laki? 
Yan yung tanong sa atin nung bata pa tayo ng halos sinong tao pag una tayong nakita.., andyan yung gusto ko maging pilot, maging engineer, maging doctor, minsan pa nga ang sagot e..gusto kong maging presidente…kakatuwa ano po….we aspire for fame and power pag bata pa, kasi yun ang natatak sa ating murang kaisipan..ang yumaman, maging successful at maging sikat…sabagay wala naman pong masama..sino ba naman ang ayaw ng kasaganahan at kasikatan… 
Tanong, na achive po ba natin ito?
Maaaring oo, maaaring hindi..iba na po kasi minsan ang nangyayari habang tayo ay lumalaki..dahil sa iba’t ibang kadahilanan.. meron pa nga po na nag exceed ang kinalalagyan dun sa gusto nyang pangarap..halimbawa, gusto nya maging doctor lang ay naging espesialista pa siya..meron ang gusto ordinaryong piloto lang pero sa angking galing ay naging Head pilot pa…galing ano po…pero minsan meron din na di nila naabot ang kanyang pangarap..sabi ko nga po dahil sa ibat ibang kadahilanan…pero para sa akin, whatever we become when we grew up..we need to be thankful..bakit? kasi yung iba hindi na lumalaki at sumaka bilang buhay na..atleast tayo buhay pa….at sabi nga habang buhay pa may pag asa…and that is something that we should thank God about..yun bang buhay tayo at may chance pa tayo na ituwid kung may mali man tayo na nagawa, or meron pa tayong dapat or gustong gawin sa buhay natin at isa po sigurong magandang gawin habang buhay pa ay maging pagpapala..
Ano maging pagpapala? 
Opo tama po…maging pagpapala…
Teka teka paano ako magiging pag papala e sarili ko nga di ko matulungan..pano ko magiging pag papala..(maaring itanong mo)
Kapatid, we can be a blessing to others in a lot a ways..di lang naman sa pera tayo pwede maging blessings..simpleng pag ngiti, simpleng pagtulong, maging tapat na kaibigan, wag maging negative at maging toxic ika nga wag maging bad influence or kinaiinisan ng iba, bagkus dapat maging kalakasan ng iba..I guess blessing na tayo..kasi sa araw araw na dumadaan sa buhay natin at sa dinami dami ng nakakasalamuha natin, di natin alam ang pinag dadaanan nila at ang pagiging positibo mo lang or pag ngiti mo lang ay sapat na para maging pag papala sa iba..malay mo meron gustong gumawa ng di maganda dahil sa hirap tapos nakita ka na negative din at puro reklamo sa buhay ayun imbes na mabuhayan e lalong nanghina…
Remember, kahit sino man tayo at ano man ang estado natin sa buhay, we can be a blessing or a problem to another..siguro po mas maganda na maging pag papala nalang and we can glorify God pa. Kaya everytime na haharap tayo sa salamin sabihin natin “be a blessing”. Lets pray and aspire for that daily. Amen.

“In the same way, let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven.” – Matthew 5:16

Tuesday, February 21, 2017

The Devil & the Duck

The Devil & the Duck
There was a little boy visiting his grandparents on their farm.

He was given a slingshot to play with out in the woods.

He practiced in the woods; but he could never hit the target.

Getting a little discouraged, he headed back for dinner.
 
As he was walking back he saw Grandma's pet duck.
Just out of impulse, he let the slingshot fly, hit the duck square in the head and killed it. He was shocked and grieved!

In a panic, he hid the dead duck in the wood pile; only to see his
Sister watching! Sally had seen it all, but she said nothing.
After lunch the next day Grandma said, 'Sally, let's wash the dishes'

But Sally said, 'Grandma, Johnny told me he wanted to help in the kitchen.'

Then she whispered to him, "Remember the duck?'

So Johnny did the dishes.

Later that day, Grandpa asked if the children wanted to go fishing and Grandma said, 'I'm sorry but I need Sally to help make supper.'

Sally just smiled and said, 'well that's all right because Johnny told me he wanted to help?

She whispered again, 'Remember the duck?' So Sally went fishing and Johnny stayed to help.

After several days of Johnny doing both his chores and Sally's; he
finally couldn't stand it any longer.

He came to Grandma and confessed that he had killed the duck.

Grandma knelt down, gave him a hug and said, 'Sweetheart, I know.. You see, I was standing at the window and I saw the whole thing, but because I love you, I forgave you. I was just wondering how long you would let Sally make a slave of you.'


Thought for the day and every day thereafter:

Whatever is in your past, whatever you have done... And the devil keeps throwing it up in your face (lying, cheating, debt, fear, bad habits, hatred, anger, bitterness, etc.)...whatever it is...You need to know that:

God was standing at the window and He saw the whole thing.

He has seen your whole life.... He wants you to know that He loves you and that you are forgiven. He's just wondering how long you will let the devil make a slave of you.

The great thing about God is that when you ask for forgiveness; He not only forgives you, but He forgets.

It is by God's grace and mercy that we are saved.

Go ahead and make the difference in someone's life today.

Share this with a friend and always remember:

God is at the window!

cid:7.153137082@web32603.mail.mud.yahoo.com

When Jesus died on the cross; he was thinking of you!

Sunday, February 19, 2017

DECEPTION

May isang kwento akong narinig sa isang elder namin sa church tungkol sa isang mayaman..ganito daw yun..

May isang mayaman na papauwi sa kanyang bahay, along the way naka kita siya ng isang pamilya na kumakain ng damo…sa pagtataka nya, siya’y huminto at bumaba ng sasakyan at tinanong ang pamilyang ito..sabi nya,”bakit nyo kinakain ang damo dyan?” sagot ng pamilya “wala na po kaming makain kaya eto nalang po ang kinakain namin”…ganun ba..eto naman ang sabi ng mayaman…sabi pa ng mayaman..tara sumakay kayo sa aking sasakyan at dadalhin ko kayo sa aming tahanan ng makakain kayo..tuwang tuwa naman pamilya at dali dali silang sumakay sa sasakyan…sa isip isip nila ay mabait itong mayaman na ito at naawa sa kanila…habang daan iniisip na nila kung ano ang kanilang kakainin..ano pa’t tuwang tuwa sila…pagkaraan ng ilang sandali narating na nila ang bahay ng mayaman at namangha sila sa laki ng bakuran nito..napakalaki pala ng bahay nyo sabi nila at napaka ganda pa…kaya’t lalo silang nasabik dahil sa isip isip nila napaka sarap ng kakainin nila..
Pina baba na sila sa sasakyan at sinabi ng mayaman…dito na kayo kumain…..MALALAKI NA KASI DAMO SA BAKURAN KO…..ano pat nanlumo ang pamilyang ito dahil akala nila..pagkain na talaga ang kakainin nila…

Ganito po tayo nalilinlang ng kalaban, especially when we are facing problems sometimes there are way out na akala natin ay blessing yun pala ay hindi..isa isahin po natin..
Minsan pag malungkot tayo, what we do is to cling on someone for comfort and companionship, lalo na pag nasa abroad ka at first time mo..na ho homesick po tayo..ang nangyayari po minsan ay naghahanap po tayo ng pagmamahal, yun nga lang po ay sa maling paraan…nagkakaroon po tayo ng mga ka relasyon na di naman dapat, kasi minsan married na po tayo or married po yung nakukuha nating partner. Sa umpisa masarap kasi para kayong nagsisimula ng bagong bahay pero pag tumagal malalaman mo na mas mahirap pala ang napasok mong pamumuhay…ang masakit marami ang masasaktan, ituloy mo man ito or hindi…bawal na relasyon, wala ka talagang mapapala dito..

Minsan naman, pag kapos ka, ang kadalasan nating ginagawa ay umutang or mag credit card, sa umpisa masarap pero pag bayaran na masakit na sa ulo..at pag tatagal tagal pa at di ka na nakaka bayad…kulong ka pa..napakarami na pong nagulo ang buhay dahil sa credit card..madali at masarap talagang mag kaskas ika nga..pero ang huli..rehas pala ang iyong mahihimas…

Minsan naman, gusto nating makalimot dahil sa problema, usually alak, sugal, panadaliang aliw or drugs po ang ating takbuhan pero sabi nga, masarap lang sa una dahil pag lulong ka na…ospital, kulungan or sementeryo ka pupulutin…  

Naparami pa pong akala natin ay langit sa umpisa pero impyerno pala ang hahantungan…ganyan po ang kalaban…He deceives us during our weak times..sabi nga bible “the thief comes to kill, steal and destroy” John 10:10….parang yung kwento kanina..akala nila masarap na pagkain na yun pala damo pa din ang bagsak nila…the devil kills us, he steals are joy and everything and even our life at di pa siya masaya dun..he wants to destroy us….pero kapatid wag kang malungkot dahil sabi ng Panginoong Jesus sa Matthew 11:28 “Come to me all of you who are tired and I will give you rest”…habang ang kalaban ay gusto tayong guluhin at patayin, ang ating Panginoong Jesus ang handog sa atin ay kapahingahan at buhay na walang hanggan…buhay di lamang dito, kundi maging sa walang hanggan…sabi nga FOR LIFE…

Ikaw kapatid ano ba ang gusto mo, panadaliang aliw or habang buhay na pag papala? Pagod ka na ba? Wala ka na bang matatakbuhan? Tinggin mo ba sa sarili mo ay para kang maduming basahan? Kapatid hinihintay ka lang ni Jesus…luhod, pagsuko at panalangin lang ang katapat nyan..Mahal ka nya kapatid..ano pa man ang nangyari sau…Mahal na mahal ka pa din nya..at di siya magbabago sau..  “Let us fix our eyes on Jesus the author and perfecter of our Faith..Hebrews 12:2” ---sigurado kapatid di ka malilinlang kalian man…


Wednesday, February 15, 2017

Road Trip ng buhay

We went  to Al Ain the other day and going there we took a different route, alam nyo ba ang nangyari? Napalayo kami at muntik ng maligaw, dati mga 1 ½hours lang ang travel time, kanina since we took a different route it took us 2 hours mahigit. Minsan talaga alam mo na ang tamang daan e nakaka isip ka pa din sumubok ng ibang daan..minsan napapadali pero paano kung lalo kang mapalayo gaya ng nangyari sa amin? Pano na? Kanina nung medyo naliligaw na kami parang nakakatakot na..sabi nga nung kasama ko..I don’t like this road, I’m not familiar with this places..it’s kinda scary..totoo po yan once you went out of the right road, you will feel alone, feel worried and feel afraid…
Thanks to those sign boards, we finally got back on the right track..I guess we learn our lesson..we will never going to do that again..
Parang sa ating buhay, we know the  right way but we often times we try to take the other way..some are doing it out of curiosity, some are getting tired of the right way and yet some are forced to take the wrong way..Ano man ang dahilan ng pag liko, I will always praise God kasi parang sa amin ,,.He send this signs for us to get back on track..It was His signs that save us..
Sa buhay natin, God is also sending different signs para makabalik tayo..merong parang humps and rough roads..bumpy, nakaka alog, nakaka ligalig..pero at the end you will realize that God is only waking you up at baka kung saan ka na mapunta or maybe you are driving very fast that your are already forgetting Him..sa atin mga simpleng tapik ng buhay para tayo magising at makabalik sa tamang daan.`
Minsan naman, He is sending stop lights to pause and stop for a while..Like what He is instructing us..6 days you will labor and 1 day you will rest..buti pa nga si God He commanded us to work and also commanded us to rest..di tulad ng ibang employer..work, work at work lang ang pinapa alala..ganun kabuti si Lord that He also commanded us to take a rest..kasi parang stop light He wants us to stop and pause for a while, bakit? To rest, to appreciate kung asan ka na sa buhay mo, to appreciate Gods guidance sa buong isang linggo..and syempre to thank God for giving you a safe trip on these 6 days that He had given you..Amen..                
God is also putting speed limits and radars on the road, parang sa highway driving meron lang limit ang speed..enough to reach your place on time, and a proper speed limit baka naman sobrang bagal mo na at baka nagiging sagabal ka na sa dinadaanan ng iba..at syempre pag sobrang bilis ka na, meron ding radar to check and penalize us that we are really going fast…parang sakit sa katawan, pag di ka na kumakain on time, di ka nag eexercise, or wala ka na time to relax nagiging stress out ka na or worse we got sick..parang radar ito na  nagsasabi..masyado mo ng pinabayaan ang sarili mo at masyado ka ng mabilis…hinay hinay lang…If God wants you to be in that place..He will certainly make sure that you will reach that place…
At syempre, let us not forget this filing stations that we refuel, re touch, get snacks and unwind for a little time to prepare us again sa ating road trip..God also designs re filling stations on our life..san yun? Syempre sa mga gawain, sa bible study, sa prayer meeting, sa church at sa iba’t iba pang church activity. God designs this gathering para tayo makapag refuel, recharge, to unwind at syempre to get snack..hindi nga lang snack e..full belly pa nga..san ka naka kita ng gawain na di ka nabusog? Busog ka na sa spiritual food busog ka pa sa physical food..sabi nga Hebrews 10:25 let us not stop on meeting together…because we are recharge sa presenya ng banal na spirito..
In this road trip of life lets thank God kasi He is always watching and monitoring us 24/7. Parang satellite..dahil pangako nya never will I leave you, never will I forsake you…(Hebrews 13:5)


Monday, February 13, 2017

Pag ibig..pag ibig na namatay para sayo...

"Pag ibig, hanap hanap kita..
uubusin ko ang aking oras matagpuan ka lang,
lahat ay aking gagawin,
lahat ay aking ibibigay,
at sa kabutihang palad ika'y matagpuan,
umasa kang di kita iiwan" - Andrew E.

Araw ng mga puso na naman, isang araw sa isang taon na hindi naman holiday pero asahan mo puno ang mga restaurant, mahal ang presyo ng bulaklak, malaki ang supply ng chocolates, stuff toys, couples shirt's at kung ano ano pang pwedeng ipang regalo sa asawa, kasintahan, kay crush, kay love, kay mommy, kay ate, kay Lola, kay auntie, kay mam at kung sino sino bang babae sa buhay na mahal natin. Bakit? kasi araw daw ito ng mga nag mamahal.
Maging sa mga nobela or pelikula, sangkapan mo ang  ito ng may halong pag ibig at lalo itong gaganda at magkaka kulay. Pansinin mo ang Titanic; sino ba ang makakalimot kay Jack at Rose. Somewhere in time, Spiderman, Armageddon, Ghost, The Wedding singer...Mga block buster ang mga movie na ito bakit? Ito ay mga istorya ng pag ibig. Sabi nga..it's love that makes the world go round.
Sa panahon ngayon, bilang Pinoy, ano ba ang uso? Hugot lines..lalo na kung may temang pag ibig. Kahit minsan...di na pala ito happy ending...
Dito mo maaalala ang pelikula ni Toni Gonzaga na may pamagat na "My Amnesia girl" dito yata ako unang nakarinig ng hugot lines at pinauso naman ng Bubble Gang sa Boy Pickup segment. Ano bat usong uso pa din ito hanggang ngayon na maging mga malalaking brand ay ginagamit ito sa kanilang ads. Tignan mo ang Jollibee, patok na patok at pinag uusapan ang kanilang mga bagong labas ng commercial. Tatlong istorya ng pag ibig. Pag ibig na pinagtagpo pero di tinadhana (The Vow). Istorya ng pag ibig na pinagtagpo,itinadhana pero pinutol agad ng tadhana (The Date) at ang Istorya ng pag ibig na pinagtagpo at itinadhana ( Crush).
Sana nga laging ganun ang love story, laging may happy ending. Laging may forever...Sana sana...pero pano pag hindi? Pano kung sasabihin mo; "Ang saya ng mahal mo....sa mahal nya...." or "Bakit ngayon ka lang" or "Andito nako, bakit tumitingin ka pa sa iba." or "Asa harap mo na ako, bulag ka lang talaga" or "Bakit ka ba unang pinanganak?' or Mahal kita, mahal mo siya, mahal nya ay iba? or...."Bakit ang hirap bitawan nung taong kahit hindi kayo pero siya ang taong nagpapasaya sa yo, taong kumukumpleto sa buhay mo..or Ang tagal mo siyang inintay...Ang tagal mong nag intay ng tamang pag ibig,,,pero laging maling panahon...or Tamang panahon pero laging maling pag ibig..ang pinakamasakit...Pano mo makikita yung para sayo kung ayaw mo naman bitiwan yung di naman pedeng maging kayo....ouch...

Hay..pag ibig; lubhang makapang yarihan...sabi nga ni Balagtas "O pag ibig pag pumasok sa puso nino man, hahamakin na lahat masunod ka lamang"
Bakit nga kasi ang sarap magmahal, magbigay, magparaya...kahit minsan walang kapalit...kaya tanong? Masaya kaya ang lahat pag araw ng mga puso? or meron ding malungkot kasi alone daw sila...physically apart from their love ones gaya ng mga OFW or emotionally apart kasi nag break na sila, nag hiwalay may MU or simply..wala pa talagang love life. Kaya sabi ng nung kanta ni Andrew E sa itaas...pag ibig..wer na u na...hehehe

Pero teka, ano nga ba talaga ang definition ng pag ibig? 
Sabi...Love is giving. Love is sacrifice, Love is thinking the other first, Love is blind, Love is a many splendored thing. Love is u & me..Love is who am I when I'm with you. Love is not what you have of yourself but what you have made of me....Love is giving all you got to make your love ones happy at napakarami pang definition. Pero ang isa sa pinaka magandang deifinition ay nasa Bible sa 1st Corinthians 13. It says "Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.  It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.  Love does not delight in evil but rejoices with the truth.  It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.
Love never fails."
Technically, it didn't pertain to love as romantic love but a selfless love for a brethren pero kung titignan mo, napakaganda ng mensahe. yan daw ang Real love..or True love....ang sarap ano pag merong isang tao na ganyan ang nararamdaman sayo at ginagawa sayo....
Magalak ka! Kasi meron nagmamahal sayo ng ganyan...hindi lang sa salita pero sa action din...sino pa? E di ang Panginoong Hesus....bakit?..He didn't just love you but He died for you in the cross of calvary...bakit? kasi nga love ka nya...And he want's you to be with Him eternally...Gusto kasi nya forever...May forever kapatid...yung pagmamahal ng Panginoong Hesus...Honestly He endured the cross because He just wanted you to be with Him in heaven. He loves you so much that He gave His life for you yet you were a sinner. Sang ka pa...Kaya kapatid if you felt, loveless, alone, abandoned, crushed, forgotten, worthless, unlovable, weary...Think of Jesus... He conquered death just to be with you. At ito ang maganda...if you would love Him back...nothing can separate you from His love...promise nya yan...May forever kapatid...May forever sa ating Panginoong Hesus! God bless

Sunday, February 12, 2017

Problema

Sa buhay na isang tao, wala atang di nakakaranas ng pagsubok. Sabi nga parte na ito ng buhay at parang abnormal ang buhay mo pag wala nito..sabagay sino nga ba ang walang dinadaanang pagsubok..Teka, ano nga ba ang pagsubok..?..sa wikang ingles, pag sinabing pagsubok pwede itong TRIALS, PERSECUTION or TEMPTATION..sa ating wika..in general na..isang salita nalang para sa tatlong nabanggit..Isa isahin po natin ang tatlo.

TRIALS – a test of faith, patience or stamina through subjection to suffering or temptation. \ Trying to put on proof
Ang trials daw ay ang pag daan sa isang paghihirap or isang pagsusulit sabi nga ni Webster..ibig sabihin pala when we face a trial, para itong dumadaan sa isang examination na pag natapos may grade..at kung ano man ang grade na makukuha natin ay base sa ating performance during the TRIALS..sabagay salita palang ibig sabihin ay trial..parang may binili ka sa isang tindahan..tapos ang tanong mo, may trial size ba nito…yun bang gusto mo munang subukan..at pag nagustuhan mo..bibili ka na at hindi na trial size nalang..Ganun pala ang trial..it is something that God has given us to weigh or sukatin ang ating character..usually faith, patience, obedience, endurance or love ang na tetest dito. Kaya pala sabi sa “James 1:2 – Consider it pure joy when you are in a trial…because it leads to perseverance”..ang galing talaga ni Lord..biro mo..para sa atin, mahirap pag dumadaan sa trials pero ang end result nito pala ay blessing..it might be a form of behavior blessing kasi  our level of faith goes higher or pwede ding ibang klaseng blessing  base sa pinag daanan nating trial..ang mahalaga, may blessing pa din sa huli..God is good talaga..

PERSECUTION – a condition of being harassed, persecuted or annoyed..
Eto ang medyo mahirap, kasi ang sabi ito yung mga na haharassed, mga ginugulo, kinukulit or may kumukutya..naranasan mo na ba ito? Nung unang panahon marami ang persecuted dahil sa pananampalataya nila or paniniwala..merong pinapahirapan at merong napapatay…kasama dito yung ating mga bayani at martir na binuwis ang buhay para sa bayan..mga mas ninais pang mamamatay para sa lupang sinilangan..pero di ba mas maganda kung ma persecute ka dahil sa pag mamahal mo sa Panginoong Jesus? Sabi nga ni apostle Pablo..to live is Christ and to die is gain – Philippians 1:21…iisa lang ang buhay natin and if we are to give this one life..let’s give it up to God..ang maganda if you give your life to God..you will have that eternal reward..habambuhay…habambuhay na pag papala…na glorify mo pa ang Panginoon..sabi yan sa Matthew 19:29 - And everyone who has left houses or brothers or sisters or father or mother or wife[a] or children or fields for my sake will receive a hundred times as much and will inherit eternal life. Tamo, may blessing na daw dito sa lupa na 100x meron pang eternal reward… Amen…

TEMPTATION – a state of being tempted or entice..
Eto naman yung mga dumadaan sa isang pag nanasa or something wordly…usually when you are tempted, it involves the 3 sins., lust of eyes, lust of the flesh or pride of life..eto naman ay sadyang gawa ng kalaban to deceived you..ang kadalasang ginagamit ng kalaban dito ay puro magaganda para matukso ka..pwedeng magandang buhay, kapalit ng panloloko or pag nanakaw..pwedeng pag mamataas at ayaw patalo para masabing magaling ka at matalino pero nakakasakit ka na pala..at pwedeng naaakit ka sa tawag ng laman..dito sa klase ng pagsubok na ito…kalaban mo dito mismo ang sarili mo kasi it involves your desire..kaya dapat we should be focus only on God para natin mapag labanan ang temptation..marami ang sumasablay dito pero if God is in our side..I know we can be victorious..sabi nga ng 1st Cor 10:13 – walang pagsubok na pinadala na hindi natin kaya..lagi daw may way out..and that way out is to focus on God and not our earthly desire..Amen.. 

Para sa akin, trials, persecution & temptation were sent to us para tayo patatagin sa buhay na ito to be a blessing. Just imagine a life without this..di mo malalaman ang worth mo kasi you were not put on an extreme situation. Parang diamond, it has to go to a pressurized hammering to reveal the diamond inside..parang Gold and silver na kailangang ng intense heat para lumabas yung pure metal..at sa atin when we go on trials, lumalabas yung talagang built natin..sabi ng isang commercial..we are built to last because God is with us ..isa pa, God loves us so much that wherever we go to this situation, we can always call Him…sabi yan sa Psalms 50:15 – call me in your days or trouble and I will rescue you and you will glorify me..
Ganyan kabuti si Lord..talagang andyan siya lagi,,to guide us, to comfort us, to mold us and to save us..kasi He loves us so much..and that even during trials..we can count on Him to rescue us…

Saturday, February 11, 2017

Di ka ba makatulog?

Sa panahon ngayon ng teknolohiya, pati ata ang pagtulog ng mahimbing ay nagiging suliranin na..kaya imbes pilitin matulog nag facebook or nanonood nalang. Yung iba naman umiinom ng warm milk, kumakain ng saging or umiinom ng chamomile tea dahil etong mga nabanggit na food at drinks help us get a good night sleep. Yung iba naman nag exercise naman sa gabi para daw pagod, para madali makatulog..pero bakit nga ba hindi tayo makatulog agad sa gabi or makatulog ka man pagising gising ka naman..sa umaga tuloy masakit pa ang ulo mo..bakit nga ba?

Maraming dahilan kung bakit di tayo agad makatulog halimbawa:
1. Sa kinakain at ininom natin kasi meron itong mga sangkap na imbes na marelax tayo ay lalong ginigising ang kamalayan natin gaya ng softdrinks dahil sa caffeine (mountain dew po ang pinakamalakas sa caffeine), andyan din ang coffee lalo na po ang espresso. Ano pa ba, pizza, spicy foods, lahat ng may tomato sauce, processed foods, energy drinks, chocolate, ice cream, wine etc,..kaya iwasan po natin ang mga food and drinks na ito bago makatulog atleast 2 to 3 hours po. Sa Bibliya ang advisable food po alam nyo po ba kung ano? Green veggies, fruits and water lang po.. I’m sure if we do the Bible diet, we will become healthy at magkakaroon pa tayo ng good night sleep. (Daniel 1:12 \Gen 1:29)
2. Worries – isa po itong malakas hindi magpa dalaw ng antok alalahanin, dahil laging bukas ang isip natin sa mga pwedeng mangyari..kumbaga walang pang bukas nag aalala na tayo..ayun hindi tuloy makatulog..minsan kasi masyado tayong worried about everything, kaya yung utak natin isip ng isip at hindi mapahinga..para po kasing computer ang utak natin, the more we process data mas mabilis po ang takbo ng processor..kaya mas maraming iniisip mas hindi makatulog…kaya dapat po matuto tayong mag shutdown ng isip para maka pag pahinga otherwise gising ka lagi..sa Bibliya po Jesus said “Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more than food, and the body more than clothes? Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?” Matthew 6:25-26 – Ayan malinaw sabi ng Panginoong Hesus wag daw mag worry kasi siya ang bahala..kasi nga naman yung mga ibon na pagala gala nabubuhay ng walang nag aalaga, ikaw pa na greatest creation ni God, sa tingin mo pababayaan niya? So kapatid don’t worry po..God loves you…kaya sa gabi, pag higa instead of worries, think about God’s blessings sayo for that day and thank Him..magugulat ka nalang gigising ka ng payapa kinabukasan… 
3. Fears – eto pa isang malakas hindi magpatulog, takot…lam nyo ba na marami tayong takot sa buhay.., kaya minsan di tayo makatulog..andyan yung takot mag bukas kasi due date sa meralco, MWSS, credit card, 5/6, bumbay, loans etc..sabagay mahirap talaga walang pambayad..kaya pag nasa ganito kang sitwasyon talagang di ka makakatulog kasi daw walang pera..pero ito nakakatawa..lam nyo ba na kahit yung maraming pera hindi rin makatulog, pansinin nyo yung maraming pera malalaki ang bahay, matataas din ang pader, may bubog pa, may barbwire, may alagang police dog, may security guard, may CCTV pa..pero konting kaluskos lang di pa rin makatulog..kasi takot baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay.. pareho din ng walang pera..hindi pa rin makatulog..so hindi basis ang pera sa pagtulog kasi kahit meron or wala pareho lang..pareho ding takot..sa Bible “Fear not for I am with you” Isaiah 41:10 – sabi ni God whatever situation you has, do not fear for God is with you always..

Ilan po ang mga dahilang nabanggit for not getting a good night sleep but I guess the best thing to get a good night sleep is found in Psalms 4:8 sabi - “I will lie down and sleep in peace, for you alone, O LORD, make me dwell in safety.” –napakasarap po pag nasa Panginoon ka..masarap na ang tulog mo, safe ka pa…basta isuko mo lang lahat sa kanya..Ikaw kapatid, sinuko mo na ba sa kanya ang buhay mo? Baka naman hindi pa..kung hindi pa, kailan pa? kaya mo pa ba? Gusto mo ba ng kapayapaan? Just surrender it all to Jesus.. sabi nya “Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled and do not be afraid. (John 14:27)

Friday, February 10, 2017

Slumbook

Naalala nyo pa ba yung SLUMBOOK? Opo..slumbook..hindi FACEBOOK..hehehe
Siguro hindi na lahat naka aalam nito lalo na yung ang inabutan na ay instagram, facebook at twitter...sa mga hindi nakakaalam ang slum book ay nauso nuong dekasa otsenta hanggang nobenta...ewan ko lang kung meron  pa nito ngaun...ang slumbook ay kadalasang gawa lamang mula sa mga lumang pahina ng notebook na wala pang sulat at pinagsama sama at tinahi sa pamamagitan ng pisi na pang gantsilyo...para maganda..babalutan ito ng gift wrapper at gagamitan ng ballpen na iba iba ang kulay, minsan scented pa...usually ang mga tanong dito ay yuong naka lagay sa bio data mo at mga tanong tungkol sa iyong lovelife at pangarap mo sa buhay...kagaya ng goal mo...what is your motto in life? What do you want to achieve after 10 years...etc...ang nakaka kilig dito yuong mga tanong tungkol sa love life..gaya ng who is your crush at yung first kiss...dito kadalasan di buong pangalan ang nakalagay kundi initial lang pero sapat na yuon para ka kiligin...marami pang malalaman sa slumbook pati penmanship mo...pirma at kung ano ano pa...dito din malalaman kung ano ang ambition mo.kadalasan yung gusto nyang maging propesyon ang nakalagay gaya ng gusto maging doktor, engineer at kung ano ano pa...ika nga salamin ito ng buo mong pagkatao..yan ang slumbook....
Kung ngaun ka kaya papasulatin sa slumbook...ano kaya ang isusulat mo? kagaya pa din kaya ng dati? Ano na kaya ang goal in life natin? Ano na kaya ang motto natin? What do we want to be after 10 years? Sino na kaya ang love natin? We’ll, kung ikaw ay Kristiyanong Pinoy na..(plugging pa ng T shirt)..malamang eto na po ang sagot natin.

Goal in life – I guess the best goal in life is to be a channel of blessing, sabi nga sa 1st Cor 10:31 “So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God.” – ayan po napakalinaw, sa lahat ng gagawin natin dapat para sa Glory ng Panginoon..at ang maganda pag ginawa mo yan..daluyan ka na ng pag papala..channel of blessing ka na…Amen! But tell you what, this is one character of God that I really love…He instructs us to do something for Him like following Him, Glorifying Him, serving Him or giving Him..pero alam nyo ba na sa pag sunod natin sa kanya tayo ang talagang na be-bless..let’s say in following God..na glorify na natin Siya, nasunod na natin siya..in return He bless us..(Psalms 37:4 Delight yourself in the LORD and he will give you the desires of your heart.)…di ba ang buti ni Lord..ano pa….In giving God..naka sunod na tayo..na bless natin si God at syempre ayaw ni God ng siya lang ang na bless..ang gagawin nya He will bless you back..(Luke 6:38 “Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you.") ..kitam..God loves us so much that when we follow Him..in return we ourselves become blessed ..kaya the best goal in life is to follow God..

Motto in Life – para sa akin the best motto is “To live is Christ and to die is gain” (Phil 1:21) – si apostle Paul po ang nagsabi po nito..pero we can follow him..napakaganda naman po kasi na  motto ang mabuhay para kay Christ..Apostle Paul knows that the best thing we can do in this life is to follow Christ's example kung pano mabuhay..pano..maging sinless…opo mag pakabanal…naku mahirap ata yan…opo mahirap po yan kung sa ating kakayanan pero you and I know that we are nothing apart from God.. pero di po ba..we accepted Jesus as our Lord and savior..meaning we allow Him to take control of our life…and If Jesus is in us..I know we can be sinless..I know we can be holy.. I know we can be like Jesus because the Holy spirit is in as…let’s just allow Him to mold us..allow Him to take control of our life..so let’s make this our motto..To live for Christ…

What I want to be after 10 years? – kung tayo po ay nasa kingdom business na…How do we envision ourselves after 10 years? Di po dapat mas mataas na sa kina kalagyan natin ngaun..kasi I know if we allow the Holy spirit to take control of our life, He always placed us to the next level..pataas na pataas..ngaun palang sinasanay na nya tayo sa TAAS..bakit? e kasi san ba tayo pupunta? E di ba sa TAAS naman talaga..sabi nga ng pastor namin sa church.,Byaheng langit tayong lahat..kaya dapat kung back up ka ngaun..dapat after 10 years worship leader ka na…kung ngayon ikaw ang tinuturuan mas maganda after 10 years ikaw na ang nagtuturo…Let’s us always put excellence in everything we do..remember we are doing this for the kingdom of God..sa secular ngang Job natin we aspire for promotion and we strive for excellence dapat mas lalo tayo mag sikap para sa kingdom business kasi we are serving the King of Kings and the Lord of Lords…Amen…

Who is our Love? – Eto palagay ko alam nyo na ang sagot..sabi sa Matthew 22:37 ““‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.”…buong buo, lahat lahat, unang una..dapat si God..bakit..kasi pag tao ang nilagay mong una sa buhay mo..may tendency yang taong yan na masaktan ka sinasadya or di sinasadya…Yang taong yan kaya kang iwan..sa gusto man nya or hindi..pero pag si God ang una…Hindi ka nya iiwan..at di ka nya papabayaan…God wants Him to be the number one in our lives kasi pag tao..nagbabago..pero si GOD hindi…and He loves us so much the He gave His life for us yet we are sinners…ano pa ba ang mahihiling natin..ano pa ba ang mahahanap natin..I guess God has given everything to us to show how He loves us…kaya pag tinanong..who is you love? Siguro alam na natin an gating isasagot…

Kapatid, sa slumbook mo? Sino ba ang makikita kung papasulatin ka? Tanong lang po…Si God ba? Or may iba pang makikita? Paalala lang po…

Thursday, February 9, 2017

Fellowship

Bilang isang Kristiyano alam mo ba na naparaming pribileyo nito? Opo napakabuti ng Panginoon ng sinabi nyang Follow me, hindi nya sinabi ito para sa kanyang kapakanan kundi para sa atin. Loving & following God is one of the greatest thing we can do habang nabubuhay…kasi following Him means you will not die spiritually..Following Him means you will be living with Him eternally..
Pero di yan ang pag uusapan natin ngaun, ang pag uusapan natin ay ang mga benepisyo ng pagiging isang Kristiyano..napakarami po pero isa lang ang itatampok natin at yan ang Fellowship..Fellowship with your brothers and sisters.
Sabi sa Hebrews 10:25 ay “Let us not give up meeting together…”..Paul says this kasi being together with the brethren makes you stronger, peaceful, united & joyful..napakasarap po mga kapatid na nasa gawain kasi sa gawain we got energize and rejuvenated. Paano? Pansinin mo, pag nasa gawain ka di mo naiisip ang mga loans & credit cards mo, di mo naiisip ang kung may tampuhan kau ng partner mo, di mo naiisip kung saan ka kukuha ng ipapadala sa Pinas, di mo naiisip ang lungkot ng pag iisa, di mo naiisip ang sitwasyon mo..kasi sabi nga sa bible Matthew 18:20 –“ If there are two or three gathers in my name I am there “– sabi po yan ng Panginoong Jesus…kaya pag nasa gawain ka..pansinin mo ang saya mo..kasi the Joy from Jesus Christ is imparted to us…
Ngaun sasabihin mo naman, masaya ako pag nag iisa..OO tama yan..pag may problema ka..subukan mong magkulong sa kwarto at makinig ng mga sad songs..mag emote emote or mag magwala ka..naku kung ano ano na ang isasaksak ng kalaban sa ulo..gaya ng mag inom ka na, makipag chat ka kung kani kanino, andyan yung mag hahanap ka ng masasandalan…na kahit di mo naman sandalan gusto mong sandalan..ayun nakakalimot na tuloy..tapos sasabihin mo..problemado kasi ako at lasing nung mga araw na yun kaya nangyari yun…
Ganyan ang kalaban, he will deceived you kasi ayaw nyang makipag fellowship ka..Minsan naman nasa gawain ka na..pero sunod sunod ang pagsubok mo..sasabihin mo ayaw mo na kasi lalong dumami ang pagsubok mo..pero sabi sa James 1:2..magalak pag dumadanas ng pagsubok ..kaya kung kristiyano ka at dumadanak ka ng pagsubok dapat daw mas magalak dahil may pagpapalang kasunod yan…
Always be thankful to God kasi He gave us brethrens na nagiging extension ng kamay, yakap at pagmamahal nya..kaya’t pag may nagtext or tumatawag sau na kapatiran para sa gawain, magpasalamat dahil it means God loves you so much and He is reminding you that you should be there with Him in the fellowship..we are one in unity sabi nga ng kanta..kayat talagang napakasaya kung sama sama sa gawain..
Kaya nga magpasalamat tayo pag may gawain..it means it is another opportunity to be bless..another opportunity to be with the brethren..another opportunity to be with Jesus..
-Ubusin natin ang time natin sa pag gawa ng mabuti para wala na tayong gumawa ng masama..-


God bless us all!

Wednesday, February 8, 2017

Pano kung last day mo na ngayon?

Kung sakaling alam mo na bukas ay huling araw mo na sa earth…ano yung gagawin mo ngayung gabi at bakit? Kakagulat na tanong noh.hehehe, maraming ayaw pag usapan ang topic na ito pero kailangan e..kasi lahat tayo dyan ang punta…pero kung sakali lang…ano yung gusto mong gawin ngaun? Malamang iba iba ang sagot..kasi iba iba ang sitwasyon natin…at malamang eto yung mga sagot nila.
 
1.       Makikipag bati sa lahat ng kagalit mo or yung naka samaan mo ng loob – may katotohan kasi napaka hirap kaya ng may kagalit, isipin mo nalang, iniisip mo siya ng di mo alam kung iniisip ka din…kasi gusto mo ilabas yung galit mo or yung sama ng loob mo…ang lakas kaya mag patanda nyan..lakas mag pa wrinkles..lakas mag pa panget… kasi mahirap may kagalit..kasi alam mo ba pag may galit ka, para kang may asido sa puso na gusto mo isaboy sa kagalit mo..kaso isipin mo ito..ang problema sa asidong yan, bago mo maisaboy sa kagalit mo..ikaw muna ang sisirain nyan…tama po ba? Di ba pag galit ka dami mo nagagawa na di naman dapat gawin..kapatid kaw din ang masisira…kaya nga sabi ni Lord “forgive those who hate you”  (Mark 11:25), sabi pa nga nya..”Love your enemies”. (Luke 6:27)..ayaw ni Lord ng may kagalit ka or kasamaan ng loob..kasi alam nya ikaw din ang masisira,,,biro mo last day on earth mo na..yung kagalit mo pa naiisip mo..it’s either you want to reconcile or you want to get even..the problem nga lang with getting even is…you get the same as him…kaya mga kapatid if ever may kagalit ka or kasamaan ng loob..better get reconcile..pray to God and ask forgiveness..para kung last day mo sa earth wala kang iniisip na may kagalit ka na dapat balikan…

2.       You will tell sa mga mahal mo sa buhay na mahal na mahal mo sila – most people malamang ito ang gagawin kung alam nilang last day mo na ngaun, mag papa alam ka sa mga love ones mo..you will tell them good memories at you will try na iaayos ang kinabukasan nila especially kung parents ka or head of the family ka..you will make a long list of bilins and habilins..para ma assure mo na magiging OK sila pag wala ka na..parang eksena pag nag aabroad noh..ang pinag ka iba nga lang..this time alam mo di ka na makakabalik pa… you will try to tell them to be strong at dito papasok yung term na.. “wag mo papabayaan ang sarili mo at lagi ka mag dadasal” --- in times like this, yun bang tough times, sad times..we always turn to God..bakit ganun? Sa bad times lang natin naaalala si God? Sana lang po wag na po natin intayin yung bad times to remember God..bagkus lets make it a habit to pray..(1st Thes 5:17)..at wag din natin intayin na mawawala na tayo sa mundong ibabaw bago natin ipakilala sa mga mahal natin sa buhay si Lord..lalo na sa mga anak natin or sa younger generation..Lets introduce Jesus sa kanila habang bata pa..alam mo ba na isa ito sa pinaka magandang bagay na maituturo mo sa kanila….ang makilala si Jesus…Amen..
 
3.       Magsasaya all night long (party party, magwawala, maglalasing) – eto tingin ko may gagawa pa din kasi yung iba katwiran nila bago man lang sila mawala sa mundo, maranasan man lang nya lahat ng sarap na kayang ibigay ng mundo…alak, babae, sugal, drugs, at kung ano ano pang bawal…yun ang gagawin…- nakaka awa ang mga taong ganito, kasi sila yung mga taong ito di na nag iisip kung ano mangyayari sa kanila bukas..di na nila iniisip kung may langit or impyerno basta mahalaga masarapan sila ngaun at bahala na bukas,..tsk tsk tsk…lets pray walang ganito ang gagawin.
 
Ilan lang po yan sa mga sagot, lam ko  madami pa..ang tanong lang naman e kung handa ka na? Buti kung alam mo kung kalian ka kukunin atleast pwede mo pag handaan..ang kaso hindi natin alam e..maaring matagal pa, maaring sa isang taon, maaring bukas…ang mahalaga lang siguro dapat alam natin kung san tayo pupunta…sa bible..dalawa lang naman yan e..sa langit or sa hell…at alam ko ayaw natin sa mainit..gusto natin sa langit..ngaun kung gusto mo duon mapunta..alam mo na ba dapat mong gawin? Meron mag sasabi, gagawa ng mabuti, magiging mapag bigay, lalakad ng paluhod, mag lilimos, tutulong sa mga nangangailangan…mag sisimba lagi…mag papaka bait…mag papako sa krus…at kung ano ano pa…ang mahirap nga lang lahat yan, hindi yan ang daan..sa bible kasi sabi si Jesus lang ang daan.. (John 3:16 \ John 14:7) kasi sabi pa sa Acts 4:12 “Salvation is found in no one else, for there is no other name under heaven given to men by which we must be saved." – Opo si Jesus lang ang daan sa langit..at ang kailangan mo lang gawin ay gawin siyang Diyos at tagapaglitas ng buhay mo..at pag siya na ang nasa puso mo..mag e-emulate yan sa kilos mo at mag kakaroon ka na ng Love, Joy at Peace… at even death po ay di natin kakatakutan..kasi alam mo you are save with Him…sa buhay na ito at sa susunod pa…at alam mo ba na pag kay Jesus mo sinuko ang buhay  mo - sabi sa bibliya “Believe in the Lord Jesus, and you will be saved--you and your household." (Acts 16:31) – Opo di lang po ikaw kundi ang buo mong pamilya ay maliligtas…kaya kapatid kung di mo pa sinusuko sa kanya ang buhay mo..isip isip ka na..wag mo na intayin na maging huli ang lahat…..kung handa ka naman na isuko sa kanya..dasalin mo lang ang dasal na nasa ibaba at buong puso mo usalin at ang kaligtasan ay sasa iyo…
 
“Ama namin, salamat po sa buhay na ipinagkaloob mo sa akin..salamat din po sa buhay ng Paginoong Jesus na ipinangtubos para sa aking kaligtasan..Heavenly Father, patawarin mo po ako sa lahat ng nagawa kong kasalan mula nuon hanggang ngaun..at pina tatawad ko na din po ang lahat ng nag kasala sa akin..Panginoong Jesus, binubuksan ko po ang aking puso, buhay at pag katao at inaanyayahan kitang maging Diyos at tagpagligtas ng buhay ko mula ngaun. Paginoong Jesus, gawin nyo po akong nilalang na lumalakad ayun sa inyong kalooban at inaasahan ko pong sinulat mo na ang aking pangalan sa aklat ng buhay..Amen..

Sunday, February 5, 2017

Technology

Kagabi,  napag usapan namin ang buhay nuon...nakakatuwang alalahanin..isipin mo nalang paano mag sigang nuon e wala pang instant sinigang mix...wala pang instant gata at kada mag gata ka kailangan mo pa mag pa kudkud at mag piga ng niyog..ngaun napakadali magluto...puro instant na..minsan nga ayaw mo na din magluto kaya instant na din pagkain mo gaya ng cup soup kaya mainit na tubig nalang ay ayos na..meron na din rice in a box na may ulam na may kanin pa...ano pat napakadali na talaga...
Hindi lang sa pagluluto napadali halos lahat ata ng bagay dahil sa technology..nuon pag may research kayo kailangan mo talaga pumunta sa library at mag pa xerox ng book tapos i type mo pa ulit gamit ang typewriter...pano kung nagkamali ka tapos 3 copies pala na may carbon paper....hehehe isa isa mo itong lalagyan ng liquid paper para mabura at tapos hihipan para matuyo..ngaun napaka dali na kasi meron na wiki pedia sa internet...copy paste nalang then konting format para sa header tapos print...Presto meron ka ng term paper or research work....galing di po ba....
Ano pa ba, nuon wala pang cellphone kaya nag tyatyaga tayo pumila sa tindahan para makatawag or duon tayo sa pay phone na kulay pula at kailangan lang natin ng tatlong beinte singko para makatawag...pwede  pa nga telebabad e...hehehe...pero ngaun napakadali na dahil may  cellphone na...wala kang load pang tawag pwede namang text lang at ok na..ngaun meron pang mga email, skype, yahoo at kung ano ano pa kaya lalong madali ang communication
sabi nga...malayo man malapit din dahil sa communication...
sa transportation naman, napakadali na mag travel kasi meron ng metro, ferry at mga eroplano na di tulad nuon na napakahirap mag byahe...napakaraming bagay na naimbento para dumali ang pamumuhay...
Lahat ng ito ay galing sa ating Diyos para mapadali ang ating pamumuhay..ang tanong nga lang...are we using this technology para Glory ng ating Panginoon?
San ba natin  ginagamit ang technology na ito? para sa ating kapakinabangan lang ba? I guess God has allowed technological advancement is first to make our lives easier and secondly to use it as a medium of propagating His word....pag nag facebook, nag chat ka or nag text ka..na i share mo na ba ang word nya or puro wordly lang ang pinagagamitan mo? Have you forwarded God`s Word dahil sabi sa email may sumpa or blessing or you forwarded it kasi gusto mo i bless si Lord?  Kapatid this is just a reminder that whatever God had given us..technology man yan..let`s use it for God`s glory...kasi this blessing are not only given to us para lang sa atin but to be a blessing also...Amen...Kapatid..let`s be a blessing today by sharing Gods word...

“So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God.” – 1st Cor 10:31

Friday, February 3, 2017

TAPIK



Bakit tinatapik ang baby para makatulog samantalang pag grown up na..tinatapik naman para magising?

Nung isang araw may isang kapatiran na nagpa alaga ng kanilang baby sa amin..at habang pinapatulog ito  sabi ko sa anak ko tapik tapikin mo para makatulog…sabay tanong ng anak ko, bakit daw kailangan pa yun at pano siya makakatulog dun e tinatapik nga? Samantalang pag grown up ka na..tinatapik mo naman para magising…bigla na naman ako napa isip…sabay napa tanong kay God…Lord bakit nga po ba tinatapik ang baby para makatulog?

Sabi ko sa anak ko, para anak malaman nung baby na may kasama siya..para wag siyang mag worry kasi nandito lang tayo sa tabi nya at babantayan natin siya kaya sleep lang siya at wag matakot…

Sa buhay natin nung tayo ay mga bata pa, takot tayong mag isa…lagi tayong nasa tabi ng ating magulang at lagi nila tayong inaakay, ginagabayan, inaalagaan…I remember nuon di ako  makatulog pag madilim kasi takot ako sa mumo…pero pag alam ko na may kasama ako, lalo na andyan ang aking lolo, nakakatulog na ako…I can sleep at peace, knowing that there is somebody beside me that I could trust, somebody that could protect me..somebody beside me that I know who love me….
Parang sa buhay natin ngaun, sometimes merong mga tapik sa buhay na nakaka gising naman…minsan masakit na tapik…pag may problema…pag may sakit…pag may alalahanin…pero kagaya ng ating magulang na nagpapatulog sa atin before..minsan tapik ni Lord yan…bakit? Para malaman natin na andyan siya…andyan siya nagbabantay sa atin, andyan siya na kasama natin, andyan siya na nagmamahal sa atin…minsan kasi nakakalimot na tayo e…dahil masyado tayong busy sa buhay..para mag payaman..para maabot ang pangarap natin..para maka tulong..para maging somebody,,… kaso we end up forgetting Him…We forget our God who loves us…we forget our God who created us…we forget our God who die for us…kaya minsan may tapik…may tapik na nagpapa alala…may tapik na nagsasabi na mahal kita anak..andito lang ako…be in peace…I will never leave you nor forsake you…
Kaya mga kapatid..kung nakakaranas ka ng tapik sa buhay…Just pray…baka baka namimiss ka na ni Lord…kalian mo ba siya huling kinausap?…