Monday, March 6, 2017

Byaheng Langit

Kapatid, pag narinig mo ang salitang “Byaheng Langit” ano ang unang pumapasok sa isip mo?

Yung totoo? Yung totoong pumapasok sa isip mo agad?

Si Joyce Jimenez ba? (dahil sa movie nya noong 2000)

O mga imahinasyon mo nung iyong kabataan?

Kung puro hindi yan makalangit na pag iisip..agad mong I cut (in Jesus name) at baka kung ano pa ang iyong magawa..Amen!

Since we are a new creation let us talk spiritually..
I always hear this word from our pastor pag nagpapakilala siya..ngitian kami at hagikgikan..pag naririnig namin yun pero ano nga ba at pano nga ba ang papunta sa langit..In short pano nga ba ang byaheng langit?

Kung susubukan mong mag tanong sa mga kakilala mo..eto ang mga makukuha mong sagot pag tinanong mo kung pano makakapunta sa langit..
*Punta ka sa church at magpakabuti
* Magdasal lagi
* Sumunod ka kay Lord
* Sakay ka ng Space Ship – pag pilosopo..
* Gawa ka ng kabutihan..
* Mag salita ka ng PO at OPO at sumunod sa magulang – pag bata
* May byahe bang ganun – wala daw bus or FX na byaheng langit..
* Wag ka gagawa ng masama..
* Sakay ka Eroplano

Marami pang iba ibang paliwanag, pero isa man sa nabanggit ay wala..kung titignan mo, man has been blinded by satan in reaching our destination. Man thought na dapat magpakabuti para makarating ka sa langit. Kaya kung titignan mo napakarami talagang gumagawa ng kabutihan because they want to earn a place in heaven..It means satan is saying that its by your works that you are save para sabihin mo sa sarili mo na ako ang may gawa ng kaligtasan ko..naging mapagbigay ako..naging matulungin ako..naging mapag kawang gawa ako..nag papahiram ako..nag pagawa ako ng kung ano ano..may plake pa nga na donated by para ma identify talaga na siya…Ito ang mga bagay na nilalagay ng kalaban sa isip natin..sabi nga sa Hosea 4:6 “my people are destroyed because lack of knowledge..
Kaawa awa talaga ang sangkatauhan pag di nabuksan ang katotohanan..
Napakaliwanag sa Ephesian 2:8 na sinabi “we have been saved by grace and not by good works so that we should not boast…” Opo sa grasya at biyaya lamang ng Panginoon kaya tayo naligtas, dahil lahat tayo ay makasalanan..at ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan..If Gods justice will be followed, patay kang bata ka..patay talaga tayo but its only by God’s grace kaya tayo naligtas, paano? Its only by the death of Jesus..by the death of Jesus on the cross of Calvary..He died for us..Opo mga kapatid Jesus died in behalf of us..at ang dapat lang nating gawin ay tanggapin ang Panginoong Jesus bilang Diyos at tagapagligas ng ating buhay..
Once we accepted Jesus in our life, God no longer sees our sin, but Jesus in our heart..kaya nga once you accepted Jesus in your life..automatically JOY is in you (Jesus On You)..Amen!
And if Jesus is in you, I’m sure kapatid byaheng langit ka na..sa ayaw mo at sa gusto…Amen..
John 3:16 “For God so loved the world that He gave His only son, and whoever believes in Him will never perish but have eternal life”
God bless us all!

No comments:

Post a Comment