Sunday, March 12, 2017

JUDGEMENTAL KA BA?

Isa sa pinaka mahirap baguhing ugali ay pagiging mapang husga..Napaka daling pumuna, mag comment, humusga, or minsan maging self righteous…Halos lahat siguro ay sasablay pag ito na ang pag uusapan at kahit Christian ka na,  most of the time we fail in this instance…
We judge by our eyes, feelings or on what we hear..halimbawa, meron isang tao na mayroong masamang nakaraan..and he wants to change,..he wants to turn away duon sa mga masasama nyang kahapon, ang problema walang gustong magbigay ng chance for him to change kasi may takot ang mga taong nakapaligid sa kanya..nobody is giving him a chance to change and live good…isipin mo nalang ang mga nakulong…minsan merong mga nakulong na wala naman kasalanan, pero dahil na nakulong siya ng makalaya na siya, wala ng gustong mag bigay sa kanya ng trabaho….minsan ang nangyayari tuloy imbes na magbago tungo sa kabutihan, nagbabago tuloy sa kasamaan..hindi po ito sa movie lang nangyayari..true to life po ito…at ito ay dahil po sa pang huhusga ng kapwa..
Minsan naman we judge by the looks or stature in life, pag may sinasabi, professional, mayaman, or may dating ang kausap natin, we treat them with respect..parang gustong gusto nating kausap, gustong gusto nating makasama..lalo na pag maganda ang buhay, maganda ang work, may sasakyan…pero pag ang kausap natin ay ordinary lang..simpleng manggagawa, simpleng mamamayan or walang maipagmamalaki sa buhay,  we often take them for granted..yes we listen, just for the sake listening but we are not hearing what they are saying…sabi nga sa salitang kanto..DEADMA….minsan naman merong nag sisikap mabuhay, or they are trying to enjoy life buying things that satisfies like gadgets..may mga taong magsasabi na “wala na ngang pera bili pa ng bili” and yet meron naman mag sasabi “porma porma pa, wala namang pera”…napaka judgemental po natin…e ano naman sa atin kung gumastos sila? Kahit kapos ka, you have to enjoy your life..wala tayong karapatang manghusga….di naman natin pera ang pinambibili nila…every body has a right to live..Jesus came to give us an abundant life..means God is concern on our earthly lives..and He is very much concern on us..tayo ba concern sa kapwa? Or concern lang tayo dun sa lang sa kayang mag return ng favor?
Minsan naman, may nabalitaan tayong hindi maganda sa isang tao..ang mangyayari ay pag uusapan na natin lagi, pag fiestahan na ang istorya nya..parang talk of the town na..parang gustong gusto nating pag usapan ang buhay ng may buhay..lalo na kung meron siyang hindi magandang background..TSISMIS na po ang nangyayari..ang masakit minsan we avoid such persons kasi nga meron siyang masamang nagawa or hindi magandang pinag dadaanan..parang may sakit na nakaka hawa…wag kang lumapit dyan, mahirap lang yan, wag mong kausapin yan malikot ang kamay nyan..wag kang lalapit dyan..hirap sa buhay yan at baka hingan ka lang ng tulong…ang sakit di po ba? Kung nakaka patay lang po siguro ang panghuhusga..baka minu minuto merong namamatay…haaayyyyy..at eto ang masakit, minsan hindi na po natin alam na tayo na pala ito..Either tayo ang hinuhusgahan o tayo ang humuhusga…
Naparami pa pong halimbawa, pero ang Panginoong Jesus po nag paalala na, Matthew 7:3 "Why do you look at the speck of sawdust in your brother's eye and pay no attention to the plank in your own eye? – Opo, minsan we can see ang puwing ng iba pero di natin nakikita ang sarili nating dumi..pangalawang utos ng Diyos is to love your neighbor as you love yourself.,..anong klaseng pagmamahal ang pang huhusga? We should live a life of unity, harmony and joy kasi utos po ng Panginoong Jesus..hindi po tayo nag papataasan ng ere or nag papalayuan ng narating dahil lahat po ng meron tayo ay galing sa Diyos..basahan lang tayo na binigyan ng pag kakataong mabuhay..and God is so gracious that He gave us the ability to produce wealth..kaya lahat ng meron tayo ay galing sa kanya..
Kung may kapatid kang kapos, hirap or nanganga ilangan ng tulong, financial, material, spiritual..let’s give it to him,…kaysa husgahan natin…we don’t know baka dumating ang time magka palit ang kalagayan natin sa buhay..
Let’s be a brethren to everybody as God commanded us to be…let’s stop being a judge and start being a friend..remember that God is not glorified when we judge,..and if God is not glorified, sino kaya natutuwa? Tayo po ay mag palakasan at hindi mag hatakan pababa..lets treat every people equally and remember that Jesus also died for Him…He died for all of us…

Always remember Luke 6:37


“Judge not, and you will not be judged; condemn not, and you will not be condemned; forgive, and you will be forgiven;

No comments:

Post a Comment