Tuesday, March 28, 2017

SA MATA NG ISANG OFW

Bilang isang OFW na nasanay na sa kalakaran na ng ating bansa sa maraming taon, di makaka ligtas sa aking mga mata ang mga pagbabagong nakita ko sa pamumuno ng ating Pangulong Duterte.  Talagang masasabi ko na hindi ako nagkamali sa pagboto sa kanya.
Mula ng maluklok siya sa pwesto,  makikita mo ang mga nagawa na nya sa social media lamang, ewan ko ba kung bakit sadyang mas maraming na pangyayari ang lumalabas sa balita na pawing pangit. Sabagay sabi nga, mas pinag uusapan daw ang mga pangit na balita gaya ng patayan, hold up, nakawanan, rape, korapsyon at kung ano ano pa. Buti na nga lang at may social media na kakikitaan natin ng update sa mga magagandang nangyayari sa ating bansa. Bweno, eto ang mga nakita ko at nasaksihan nung ako ay nagbakasyon.
1.       Police visibility – mas madalas mo na makita ang kapulisan ngayon. Sa mga kalsada, sa mga outpost at nag roronda. Kaya mas feeling safe ka sa mga snatcher at mga holduper. Sabi nga dumalang daw ang mga masasamang element sa mga pam publikong sasakyan. Nagulat nga ako nung sumakay ako ng FX, yung isang pasahero nakalabas ba naman ang kanyang Iphone 6s plus at isang Samsung S7 na mobile. Hehehe..ako nga naiilang pa ako mag labas ng Iphone ko pero siya walang pakundangan na nakalabas ito,,,sadyang di lang siguro siya natatakot or mas may tiwala na siya ngayon sa kapulisan.
Eto ang matindi, nung Dec. 31, ilang oras bago mag New year, nag roronda ang mga pulis at nagpapa alala na wag magputok…makikita mo silang nagroronda hanggang mga ala una ng madaling umaga..nakakatuwa dahil sa ilang new year sa Pinas na nasaksihan ko…ngayon ko lang na experience ito…Kaya PNP under General Dela Rosa, saludo po ako sa inyo.

2.       No fire cracker New year – Opo, tama po..wala po masyadong nagpaputok this year at dahil dyan, di po mausok at di po maitim na usok ang bumalot sa paligid nuong new year. Puro turotot lang, kaldero at mga Videoke ang maririnig mo nag iingay. Kaya wala ng  maitim na usok, konti lang din ang naputukan. Salamat DOH sa inyong kampanya na iwas paputok.

3.       Malinis na paligid – January 1, papunta kami ng simabahan ng napansin ko ang kalinisan ng paligid lalong lalo na ang mga kalsada. Wala kang makikitang mga kalat galing sa paputok at kung ano anong basura dahil kakatapos lang ng bagong taon. Akalain mo meron palang naka duty na metro aide na matiyagang naglilinis ng mga kalsada. Kahit na bagong taon at holiday, may mga naka assign na mag linis ng kapaligiran. Aleng metro aide..salamat po!


4.       10mins document processing sa OWWA – Pumunta kami sa OWWA para kumuha ng membership record at medyo tinanghali kami ng dating, pasado alas Diyes na..kaya’t sabi ko sa Misis ko, mga alas dose pa namin ito makukuha,…pero laking gulat ko ng makalipas ang sampung minuto, lumabas agad ang aking membership request. Wow! Ang bilis. Ngayon ko lang naranasan ito sa isang sangay ng gobyerno. Idagdag mo pa na ang one stop shop center for OFW..andun ang OWWA, POEA, PAG IBIG, PHIL HEALTH, DFA at ilan pang sangay ng gobyerno na malimit na pinupuntahan ng mga OFW. Salamat po sa napakagandang initiative na ito.

5.       Roar repair – Dati, inaabot na ilang weeks or buwan ang pag gawa ng kalsada. Ika nga, pag naghukay sila, asahan mo matagal bago ito matatabunan or magagawa. Laking gulat ko ng ang isang hukay ngayon, bukas may semento na at isang parte na naman ng kalsada ang ginagawa. Makikita mo talaga ang bilis ng pag gawa. DPWH at Maynilad. Salamat po!

6.       FREE College tuition – Ngayong taon na ito naman magsisimula ang free college education, napakagandang programa na magbibigay ng pagkakataon sa mga maralita na makapag aral sa Kolehiyo na hindi iniisip kung saan kukuha ng pang tuition. CHED, Salamat po!

7.       NO Hospital deposit – Ngayon, under the directive of President Duterte, Bawal na po humingi ng deposito ang mga hospital bago I admit ang pasyente. Kaya’t pag may emergency case,  sa emergency room na ang tuloy hindi na sa cashier muna para magbayad.

8.       911 Hotline – Opo, meron na po tayong 911 emergency hotline na pwedeng tawagan in case of emergency na katulad sa America at Canada. Ang pinagkaiba lamang po, ito ay libre sa atin at may bayad naman sa kanila. Galing!

9.       CCTV – Karamihan ng mga barangay ngayun at mga pampublikong lugar ay meron ng mga CCTV na nag momonitor sa paligid kayat mas nagiging safe. Nagiging asiwa ang mga masasamang elemento at napapadali naman ang pag aksyon at pag resolba ng mag krimen.

10.   Salary increase – Na apprubahan na din po ang pagtataaas ng sahod ng mga kapulisan at mga guro na magbibigay ng mas mataas na morale sa ating mga kapulisan at mga guro upang lalong gumanda ang kanilang pamumuhay at syempre ang kanilang serbisyo sa bayan.

-          Sa ngayon po ay eto muna ang aking ibabahagi, pero napaka rami pa pong magagandang pagbabago sa administration ni President Duterte gaya ng pag increase ng validity ng passport at drivers license, pagtaas ng pension sa SSS, pamamahagi ng mga gamit pang sakahan ng libre, pag papagawa ng mga bahay sa mga nasalanta ng Yolanda, pag hihinto ng kontraktuwalisasyon, pag sugpo sa salot ng droga at kung ano ano pa. Di po ako isang fans, wag nyo po sana itong ipagkamali..isa lamang po akong Pinoy na nakakakita ng pagbabago sa aking bansang sinilangan.
Salamat sa Diyos at mabuhay at sambayanang Pilipino.


Mayroon ka bang nakikita pa na di ko naisulat? Feel free to comment below. Salamat po!

No comments:

Post a Comment