Saturday, May 13, 2017

MOTHER'S DAY

As we celebrate mother's day lets pause for a while, close our eyes and think, reminisce the good and bad times with our moms.  
Your first memory of her, yung farthest memory mo sa kanya....we have different levels of memory but I'm sure somewhere in your past..anduon siya ginabayan ka ng una kang lumakad, binihisan, pinaliguan, sinubuan ng gulay para kainin mo ito kasi mas gusto mo ang hotdog...sinuklayan ang buhok mo pag bagong ligo ka..nagagalit pag amoy araw ka dahil sa kalalaro sa kalsada...nag papapa alala sayo na tama na ang games at mag aral muna...tinuruan kang magbilang at ng ABAKADA. Lagi mong sumbungan pag may kaaway ka, kakaampi pag may kasalanan ka at andyan na ang tatay mo para pagalitan ka. 
Si Nanay na laging nilalapitan pag may gustong kang bilin lalo na at laruan. Si nanay na nasa tabi mo pag may sakit ka at taga gawa ng excuse letter kasi mas takot ka pa ata sa teacher mo kesa sa kanya. Si nanay na number one fan mo, pero unang nagagalit pag mababa ang grades mo pero siya din ang unang magsasabi sayo na kaya mo yan anak. Si nanay ang unang nasaktan ng nabigo ka, pero siya din ang unang nagpa lakas ng loob mo pag nanghihina ka na. Si nanay na kahit sa lamok ayaw kang padampian kaya ganun nalang ang galit pag napalo ka ng teacher mo pag nangongopya ka...Si nanay na laging nagsasabing magtapos ka anak..Si nanay na handang ibigay ang lahat, mag sakripisyo, maging OFW, maging katulong, mag lnis ng bahay ng may bahay para masiguradong darating ang isang araw na meron kang masasabing sariling bahay,,Si nanay yung handang mag alaga ng ibang anak, kahit minsan matanda pa nga para masiguradong may pantustos ka sa pag aaral mo lamang. Di inalintana ang lungkot, hindi para masabing bagong bayani...kundi para balang araw makikita ka niyang tapos ka sa iyong pag aaral at para di mo danasin yung kalungkutan na dinanas niya nung siya ay lumayo para mangibang bansa.
Si nanay na laging nagsasabing maganda ka..pogi ka...magaling ka..kaya mo yan...mana ka sa akin kasi...
Para sa atin yan ang mga ala ala natin sa ating mga ina but we often forget that before all of these, yung siyam na buwan na dinala ka nya sa kanyang sinapupunan..kinalimutan ang ka sexihan nila..bagkus hinayaang masira ng figure  at lumaki ang waistline at tumaba pero andun ang pag iingat sa sarili niya para masigurado na lalabas kang malusog at masigla. Siya ung taong hindi inalintana yung takot nung lalabas ka na sa mundong ito. Ke normal delivery pa yan or cesarian basta ang mahalaga alam nya na sa wakas makikita ka na. 
Ganun ka kamahal ng iyong ina, they might not be perfect but they surely they give their best because..you are God's greatest gift for her.
Today, call  your mom and tell her how thankful you are for her life. Ok ang post sa FB  pero mas OK kung makaka usap mo siya because you never know what will happen tomorrow.
To all biological moms, spiritual moms or emotional moms..salamat po sa buhay nyo..wala po kami sa kinalalagyan namin kung hindi dahil sa inyo. Salamat po sa walang sawang suporta, tiwala, pagpapakahirap at higit sa lahat sa panalangin po na niyo para sa amin. Tunay po na hindi kayo humihinto para masigurado lamang ang aming tagumpay at kahit wala na  po tayo sa iisang bahay..hindi pa din po tumigil ang  inyong  pagiging nanay. Malayo o malapit man...andiyan kayo at gumagabay. 
Purihin po ang Panginoon sa buhay nyo..Truly you are God's special gift wrap in a beautiful and lovely face. Love you po! God bless

No comments:

Post a Comment