Wednesday, May 3, 2017

DON'T WORRY...BE HAPPY...

“Here's a little song I wrote 
You might want to sing it note for note 
Don't worry be happy 
In every life we have some trouble 
When you worry you make it double 
Don't worry, be happy...... “

Kung mahilig kang makinig ng Radyo nuong dekada nubenta..malamang alam mo ang kantang yan…Don’t worry be happy…kanta na…
Minsan mahirap gawin yung wag mag worry pag may suliranin ka, pag may pinag dadaanan ka, pag may problema ka, pag may utang ka at ayan na maniningil, pag may bagyo, pag andyan na ang baha..pag andyan na ang habagat…pag wala ka makain..pag wala kang pera…aba’y mahirap talaga..tapos sasabihin sa yo, Don’t worry be happy….ano ka bale?? 
Dami mo ng problema..tapos wag pa mag wo-worry… pwede ba naman yun? Ano sa tingin mo? Ikaw na nag babasa nito? Pwede kaya yun?

Pero sa totoo lang wala naman talagang nangyayaring maganda pag nag worry ka..sa tingin mo ba ma solve ang problem mo pag nag worry ka?, mag kaka pera ka ba pag nag worry ka? Mawawala ba ang kulog, baha at habagat pag nag worry ka? Mababayaran mo ba ang mga utang mo pag nag worry ka? Mag kaka boyfriend ka ba pag nag worry ka dahil lampas na sa kalendaryo ang edad mo? Sa tingin ko lalo ka lang matataranta at matatakot pag nag worry ka..Kaya sa Bible sabi wag mag worry dahil wala naman daw mangyayaring maganda pag nag worry ka, tatanda ka lang daw…sabi sa Matthew 6:27 “Can all your worries add a single moment to your life?”…ayan maliwanag, di daw hahaba ang buhay mo pag nag worry ka..kaya wag ka na worry at baka mag ka wrinkles ka lang..ano pa? Worrying makes you focus on the problem and not on God’s love and power…
It means nawawala ang Faith mo pag nag worry ka..nawawala ang Faith mo sa kanyang mga salita at pangako..sabi sa Matthew 6:25 “That is why I tell you not to worry about everyday life-whether you have enough food and drink, or enough clothes to wear. Isn't life more than food, and your body more than clothing?”..ayan sabi don’t worry kasi mas importante daw ang buhay mo..it means God will take care of you kahit ano pa ang pinag dadaanan mo kasi God loves you and has a wonderful plan for you..(Jeremiah 29:11)…Kapatid, kahit ano man ang pinag dadaanan mo, tingin mo man ay mahirap, nakaka takot at parang wala ng pag asa, don’t worry kasi lalo ka lang manghihina..mawawalan ka lang ng focus sa tama mong gagawin at lalo ka lang mapapahamak..isipin mo nalang kung sakaling may malaking alon ang padating at nag worry ka..imbes makakatakbo ka ayun madadala ka nalang ng alon…kaya kapatid DON’T WORRY…ano man ang situation mo ngayon..give it all to God..kasi sabi nya sa 1st Peter 5:7 “Give all your worries and cares to God, for he cares about you”…ano man yan, Just trust God and have faith..wala pong impossible sa kanya…Amen!.....Dahil kahit ano pa ang pa ang pinagdadaanan mo, nasa baha at unos ka man ng buhay..blessings  pa din yan dahil buhay ka pa at may pag asa…dahil sabi ni God..” I will never leave you nor forsake you…Hebrews 13:5…Kaya kapatid, what ever happens..Don’t Worry and be Joyful because Jesus loves you and already die for you..tawag ka lang sa kanya..siya ang bahala sau..

No comments:

Post a Comment