Kilala mo ba kung sino ka? OO naman…sagot ng marami…syempre
naman alam ko kung sino ako..ako pa? Kung meron makakakilala sa akin syempre
ako yun..I know who I am?
Talaga? Kapatid kilala mo nga ba ang sarili mo? O baka naman
alam mo lang ang isusulat sa Bio data mo? Syempre alam mo ang pangalan
mo..kilala mo magulang mo…birthday mo…alam mo mobile number mo..san ka
nakatira..san ka nag aral…kilala mo ang mga kaibigan mo at mga paborito mo….Baka
naman pang facebook profile lang ang pag
kakakilala mo sa sarili mo?
Marami sa atin pag tinanong tayo kung kilala ba natin ang
sarili natin sigurado ang isagot natin ay OO kilala nga nila ang sarili nila pero
ang pagkakakilala lang nila ay yung mga negatibo o pangit na aspeto ng buhay
nila gaya ng…Pangit ako, mahina ang loob ko, puro ako problema, puno ako utang,
di ako nakatapos ng pag aaral, bumagsak ako sa NSAT, nabasted ako, wala akong
kayang gawin, matanda na ko, di ako matanggap sa trabaho at kung ano ano pang
mga negatibong bagay tungkol sa buhay nya. Tapos pag tinanong mo bakit puro
negatibo naman ata yan…sasabihin nya, I’m just being honest..Hindi ako ipokrito
at mapag kunwari… oo tama naman yun at hinahangaan ko kita for being honest
pero sigurado ako na ilang porsyento lang ng buhay mo ang mga kabulukan na yan
at hindi yan ang kabuuang ikaw..ika nga, parte lang ng buhay mo yan pero…hindi
yan ang buhay mo…hindi yan ang buong ikaw.
Ang masakit kasi we are so much attached to the negative
side of our life and we focus only on this things and eventually eats all our
time and effort and sad to say our future. Opo, pag nakatutok tayo sa isang
pangit na parte ng buhay natin hinahayaan natin na manakawan tayo ng ibang
magagandang bagay sa buhay natin at dahil dito pati ang magandang bukas na nag
iintay sa atin ay napapalitan ng isang bulok na umaga. Bakit? Kasi pangit na
panananaw, pangit na pagkakakilala sa sarili ang ibubunga, bulok na bukas…
Kapatid, gaya nung isang tula na narinig ko “tama na ang seldang
nagkukulong sa iyo, tama na ang mga rehas na nagpapalungkot sa puso mo” at
higit sa lahat tama na ang pangit na panananaw sa buhay mo dahil sabi sa
Bibliya sa Psalms 139:14 “I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well.” Tama kapatid, you are fearfully and wonderfully made…dahil ginawa ka sa wangis
ng Diyos..you are created in the image and likeness of God..
Nagulat ka? Kapatid, maaaring mahirap tanggapin pero yan ang
totoo..you are wonderfully made..at di gumagawa ng bulok, talunan or pangit si
Lord…at kung wonderfully made ka…makaka asa ka na kahit anong lalim at anong
dilim ng sitwasyon mo ngayon…may nag iintay na liwanag, may nag iintay na pag
babago, may nag iintay na tagumpay dahil pinagpala ka sa ayaw at sa gusto mo…
Kapatid, kung gusto mo na ng pagbabago, dapat mo munang baguhin
ang mindset mo…dapat mo muna tanggapin sa sarili mo na panalo ka, pinagpala ka
at tagumpay ka..nasa iyo ang susi ng tagumpay kapatid..ikaw lang ang pwede
magbukas ng mga pagpapalang ito…ikaw muna ang dapat maniwala sa sarili mo na
tagumpay ka nga…Paano? Una sa lahat Pray and thank God then accept that you are
fearfully and wonderfully made…tapos ask yourself and enumerate ano ano ba ang
mga blessings ko sa buhay then isulat mo ano ano ba ang mga positive qualities
mo. Dapat ikaw mismo kung kilala mo sarili mo talaga ang sarili mo, dapat alam mo ang mga strength mo, imposible na wala kang magagandang kakayanan at katangian dahil likha ka ni Lord..Duon mo malalaman sino nga ba talaga ako…
Pag naisulat mo yan kapatid, malalaman mo..pinagpala ka nga..God
bless