Tuesday, January 31, 2017

Tradisyon, pamahiin atbp

Bilang Filipino, isa na atang parte ng ating kultura ay ang mga tradisyon at  pamahiin …at lalo sa mga matatanda, isa itong gabay sa pamumuhay at ang pag suway or di pag sunod o maging di pakiki ayon ay marahil maaring magdulot sayo ng kapahamakan…pero gaano nga ba katotoo ito?

Pilipinas, nagsimulang makilala sa mundo nuong ma discover ni Magellan nuong 1521 at mula nuon, iba’t ibang bansa na ang umangkin…kastila, amerikano, hapon…..at bawat bansang sumasakop, tradisyon, pamahiin at kultura kanilang naipapamana..na nagiging parte na ng kulturang Pinoy…san ba natin nakuha sina santa claus? (lalaking santa) Si Rudolf? (may reindeer ba sa Pinas)…, San Juan day (basaan ng tubig), Friday the 13th,   Todos Lo santos,? Mga pamahiin gaya ng wag mag walis sa gabi, mag suot ng bilog bilog habang nag tatalon sa bagong taon, mag sabit ng medyas pag pasko dahil dadaan daw si santa, mag papako sa krus pag mahal na araw,mag tabi tabi po pag nasa dilim dahil baka may maapakan ka …at kung ano ano pa..lahat halos ito ay pamana ng nakalipas…at sa paniniwala ko, karamihan ng Filipino ay sumusunod dito..pero sa pagsunod sa mga ito, may nabago na ba sa buhay natin? Gumanda na ba? Bumuti ba? Tumaas na ba ang ekonomiya natin? Tanong lang po…

Ito po ay paalala lamang na maging mapag masid tayo at mapag saliksik.. I believed God has given us the Bible para icheck kung Biblical nga ba ang isang pangyayari, pamahiin or tradisyon para ating sundin or gawin at lalo na na maging basehan ng ating pamumuhay. Sabi nga pag wala sa Bible, I believe sa iba po nanggaling ito…nabasa nyo na po ba si santa claus sa bible? Si Rudolf? Nasulat po ba na mag papako tayo ng krus?   Sabi nga, Philippines is a Christian nation and being a Christian nation, we should read the Bible at ito dapat ang maging basis ng pamumuhay natin at hindi astrology, palmistry, feng shui at kung ano ano pa…at hindi ibig sabihin na sumusunod ka sa tradisyon, pamahiin at kaugalian ay tama na ang ginagawa mo? I believed following God’s command gives us the best direction in life rather than traditions and having the Lord Jesus as our Lord and savior gives us the best and only way to salvation..hindi ang kung ano anong kasabihan at pamahiin…

I want to end this by a story..
Pag New year, napapansin ng batang si marie na binabali ng nanay nya ang buto ng nilulutong hamon bago ilagay sa oven…tinanong nya ito sa kanyang ina..at sabi nito, natutunan lang daw nya ito sa kanyang nakatatandang kapatid…pag sapit ng new year habang kumakain, lakas loob nagtanong si marie sa kanyang Tita..sabi nya..Tita, bakit po dapat baliin ang paa ng hamon pag niluluto…para po ba mas masarap? Sabi ng kanyang Tita..marie sa totoo lang natutunan ko lang yan sa lola mo pag nagluluto siya nung bata pa kami ng nanay mo…hindi ko din alam kung bakit…Lalo naman nag taka ang batang si marie  kayat wala siyang inintay kundi ang pag sapit ng susunod na pasko sapagkat uuwi sila sa probinsya at duon madadalaw na nila ang kanyang lola at maitatanong na nya kung bakit kailangan baliin ang buto ng hamon pag niluluto..
Dec. 24,…disperas ng pasko…Masaya silang lahat sa probinsya dahil reunion na din..dito kasama na nya sa wakas ang kanyang lola na kay tagal na niyang di nakita…at syempre sabik na ang batang si marie na masagot ang kanyang tanong…habang nasa hapag kainan…habang lahat ay masayang kumakain …biglang nagtanong ang batang si marie sa kanyang lola..” Lola, bakit po ba dapat baliin ang buto ng hamon pag nagluluto? Para po ba mas masarap? Nagkatinginan ang tita at nanay nya..sabay nagtanong na din..Nanay,,bakit nga po ba? Nun kasing bata kami kada nagluluto ka ng hamon binabali mo ang buto nito..kami din ginaya namin ito..bakit nga ba inay? Napatingin sa kanila ang matanda ng may pag tataka? Ha? Binabali? Opo inay..sabi ng dalawang anak…natatandaan po namin..binabali nyo po..at dito na napatawa ang matanda..sabay sabi..”KAYA KO BINABALI ANG BUTO KASI MALIIT ANG OVEN NATIN NOON”….hahahaha

Ganito po minsan ang tradisyon & pamahiin, may pinag ugatan…pero dapat alam natin kung dapat nga bang sundan…sabi sa bible ”Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman – Hosea 4:6”


Godbless po!

No comments:

Post a Comment