Tuesday, January 31, 2017

Problema very

Hay naku, sa araw araw nalang ata puro problema ang maririnig mo sa kung sino sinong tao..Problema kasi merong matatapos na ang visa at walang pang trabaho, meron namang may trabaho at gusto ng matapos ang visa nya at ng makalipat na ng bagong company..meron namang may problema sa pera, mayroong walang pera, at mayroon namang di na alam ang gagawin sa pera nila.  Mayroon namang may problema sa pamilya, yung iba naman naghahanap na ng pamilya or gusto na bumuo ng pamilya..Ang iba naman may karamdaman, habang meron naman gusto magkasakit para di pumasok sa work or sa school…meron naman relationship ang problema..kailan ba cya magkakaroon ng kasintahan (boyfriend or girlfriend)..yung iba naman, wala na sa kalendaryo at gusto na mag asawa..ang nakakatawa meron naman gusto ma aprubahan na ang divorce para pwede ng makipag hiwalay sa asawa…Hay naku mauubos ang oras natin kung iisa isahin natin ang iba’t ibang anyo ng problema..kaya kalas na..hehehe
Para sa akin part na ng buhay ang problema, trials, pag subok at kung ano ano pang balakid sa ating pang araw araw na pamumuhay…Problems are part of life sa ayaw mo man at sa gusto andyan na yan..sabi nga kung wala yan boring ang buhay..
Pero sa maniwala kayo at sa hindi..Problems can make or break us..Problems can be a blessing also…Amen po ba? Ay wala nag amen..bweno ganito yan..
Minsan kasi, problems in life teaches us a lot of things na hindi natin malalaman kung wala tayong problem…Halimbawa, kung nagkasakit ka it means there is something wrong in your body system or sa pamumuhay mo na dapat mong I correct ito..pag nalaman mo na ang sakit…magagamot mo na..at higit sa lahat hindi mo na aabusihin ang sarili mo..halimbawa, mahilig ka sa maalat, ayan nagkasakit ka tuloy sa bato..pag gumaling ka, hindi ka na masyado kakain ng maalat..at cyempre dadamihan mo ang pag inom ng tubig..
Kung wala kang pera or kapos ka, it means that your current income is not enough or your current expenses is more than your income…gagawin mo its either maghanap ka ng ibang work or mag sideline ka or liliitan mo ang iyong expenses to match your income..kung wala ka naman income, mag hahanap ka ng work or mag negosyo ka para mag ka income ka..
Sa relationship naman, halimbawa wala ka pang boyfriend or girl friend..try mo to examine yourself bakit wala ka pa partner,..may problem ba sa aking personality? Sa looks ko? Sa ugali ko? Or baka naman meron pa si Lord na gusto mong gawin para sa family mo or cyempre para kay Lord..Minsan kasi ayaw pa ni Lord, kasi meron ka pa dapat gawin para sa kanya kaya pag wala pa talaga try to pray and ask God bakit.
Problems also can make us stronger and develop our character, sabi nga ng kasabihan pag maikli ang kumot matuto ka mamaluktot..pag lagi ka  nasasaktan sa pagsubok ng buhay nagiging matatag ka kaya yung malilit na problema hindi mo na pina pansin kasi sanay ka na at alam mo na i-handle..pansinin mo yung mga taong di pa sanay sa pagsubok, mas yado sensitive..kasi nga di pa sila nakaka ranas ng pagsubok…
Napakarami pang dahilan pero ito muna ang iiwan ko, pero if you ever experience problem try to read James 1:2-4 “Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds,  because you know that the testing of your faith produces perseverance.  Let perseverance finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything.”
Sabi dyan, be joyful kung dumadanas ng problems kasi it produce perseverance and Faith in God…at ito ang maganda..sabi, so that you will be complete not lacking anything…Ibig sabihin pag di ka dumanas ng pag subok..kulang kulang ka daw..di po ako nag sabi nyan kundi ang Bible..hehehe
You see God loves us so much that He wants us to be complete in everything and that sometimes He uses problem, trials and persecution to fill those weakness in us..at ito ang mas nakaka touch, sabi nya sa Matthew 11:28-30 Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. 29 Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. 30For my yoke is easy and my burden is light.”
Pag may problem ka daw at pagod na,..at sa tingin mo ay di mo na kaya..come to Him and He will give you rest…Amen..

God bless!

No comments:

Post a Comment