Tuesday, January 31, 2017

Bored

Sa buhay natin we tend to be bored..minsan na bored tayo pag wala tayong ginagawa, pero meron din dahil sa paulit ulit na ginagawa e na bored na din. Siguro halos lahat ng tao di nakakaligtas dito lalo na pag wala kang direction sa buhay…Teka ano ba ang boredom? Sabi sa science, boredom is due to lack of attention sa paligid or minsan lack of attention na nakukuha sa paligid. Eto yung mga taong kulang na din sa pansin..at imbes na mag papansin…nananahimik nalang at nagkukulong or nagiging invisible para walang maka pansin. Sabi pa, pwede itong clinical or karamdaman, pwede ding psychological. Bored people do things na kakaiba sa kanya para malibang..Dito pumapasok yung mag inom at mag lasing para maka tulog nalang, merong nag disco para mapagod, merong nag liliwaliw at merong na lululong sa drugs…Bored people tend to fight boredom by submerging themselves to different activities for them to forget.
Para sa akin, lahat ng tao may hinahanap…pwedeng fame, pwedeng happiness, pwedeng attention, pwedeng soul mate, pwedeng security at marami pang iba..we always look for that something that we thought we need or we be satisfied pag meron ka na at pag nakuha na natin or di natin nakuha, na bored na tayo. At ang nangyayari dahil na frustrate na tayo, nag hahanap tayo ng outlet para ma divert yung attention..kaso kung ano ano na tuloy ang ginagawa natin..inuman, hapi hapi, mag drugs, makipag one night stand at kung ano ano pa…but this thing are temporal..nakalimot ka nga ngayon mamya balik ka ulit sa dati…kaso kadalasan may consequences ang ginawa mo at ayun napapasama ka na pala or nalululong ka na at wala ka ng magawa dahil hinahanap na ng katawan mo..tsk tsk tsk

Pero alam ba natin ano talaga ang hinahanap natin? Alam ba natin bakit tayo na bored at kung ano ano na tuloy ang ginagawa natin to fight boredom? Kapatid bago ko sagutin yan, isang tanong muna….ano ba ang paniniwala mo?  sa unggoy ka galing or kay eba’t adan? Pag sa unggoy, di ito applicable sa yo…Ngaun kung kay Eba’t adan, eto ang dahilan…Sa Genesis 2:7 ang sabi “the LORD God formed the man from the dust of the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living being.” – Ibig sabihin nabuhay tayo dahil sa hininga ng Diyos..It means part of God ay nasa atin…ang hininga ng Diyos ay nasa atin…at kung tayo ay nag ka buhay dahil sa hininga ng Diyos..I’m sure only God can fill that longing, that missing thing na hinahanap mo..Only God can fill whatever you are looking for, not fame, not a person, not happiness, not a thing, not a soul mate, not security..It’s only God because you were created by God and you will be complete by God alone.
The world will deceived you on those things that you lack, making you do things that you don’t want to do and at the end will make you regret it. Kaya kapatid, if you feel alone, if you feel you needed something, if you feel you need someone, If you feel bored kung ano man ang ginagawa mo ngayon…wag ka ng gumawa ng kung ano ano..wag ka ng sumama kung kani kanino..Just kneel and pray and surrender your life to God..and believe me after seeking God, you will never be the same..You will begin to do things that what he wants you to do..Finally you will know your purpose..you will know you’re purpose in life..

“For we are God's workmanship, created in Christ Jesus to do good works, which God prepared in advance for us to do” – Ephesians 2:10

Wrong mistake

Alam mo ba maraming mali sa mga ginagawa at sinasabi natin na hindi natin alam…? Kagaya ng salitang “traffic”..lagi natin sinasabi pag na late tayo na kasi na traffic tayo..pero alam mo ba na pag tinignan mo sa dictionary, ang meaning ng traffic eto ang sinasabi “the movement of vehicles, people, etc., in a particular place or for a particular purpose”..ang sabi movement of vehicles or people…pero sa atin pag sinabing traffic..eto yung ma stuck ka or pag di dumagalaw ang mga sasakyan sa kalsada..kakatawa no..Eto pa, pag may nakita kang ginagawang gusali..ang tawag natin...”building”..pero pag gawa na..tawag pa din natin ay “building”..hehehe..sabagay sa thesaurus..sabi it is a structure with roof and walls..pero kung common term..parang hindi tama kasi we incorporate building sa ginagawa pa, pero dapat pag gawa na…build na..hehehe..isa pang parang mali.. e etong holy week..pag tinagalog..mahal na araw…parang malayo..kasi yung holy week ang tagalog nun “banal na linggo”..bakit ang tawag natin “mahal na araw”…tsk tsk tsk..na dagdag bawas pa…
Marami pang mali gaya ng commute…sige I check mo dictionary ang meaning nyan..sa atin kasi pag commute..we incorporate it sa public transport..pero ang definition pala ay… “to travel some distance regularly between one's home and one's place of work” ..or simply to travel..pero di sinabi na public transport ang gamit…
Kakatuwa ano..mali pala pero ginagamit natin..maaaring alam natin, maaaring di natin alam..parang sabi sa Bible “my people is destroyed for lack of knowledge – Hosea 4:6”…tama nga talaga ang Bible..
Gaya pag holy week..madami ang nag pipinitensya..nag papako sa krus at kung ano ano pa..hindi ako against them..honestly bilib ako sa guts nila gawin yun dahil sa pananampalataya..pero sa Bibliya wala kasing sinabi dun na gawin natin yuon para sa kaligtasan or para mabawasan ang kasalanan natin..nuong ang Panginoong Jesus ang nakapako sa Krus ang sabi nya “it is finished – John 19:30”..hindi nya sinabi na kayo naman or gawin nyo din ito..”God loves us so much that He sent His Son, Lord Jesus that whosoever believe in Him shall not perish but have eternal life..-John 3:16”..He never said that we have to hurt our self to gain access to his Kingdom..Ikaw man bilang magulang gusto mo ba makita ang anak mo na nasaksaktan physically.. to the point of bleeding? Oo we discipline our child but we never hurt them na sinusugatan na natin at nilalatigo or pina pako pa kaya..and I know our heavenly Father doesn’t want to see us doing it also..
Man, ever since time wants to connect and wants to please God, bakit? Kasi there is that space in our being that God can only fill..kasi He created us..at hininga ng Diyos ang nasa atin kaya tayo nabuhay (Genesis 2:7)..pansinin mo, pag masaya ka or malungkot ka, we often pray or talk to God..we felt that connection ever since..pero yun nga lang dahil sa tradition, we do things na hindi naman niya sinabing gawin natin..like hurting our selves…at kung ano ano pa..sometimes we even live sa simbahan dahil alam natin nagiging banal tayo pag lagi tayo nagsisimba..bakit pag pumasok ka ba sa Mc Donalds araw araw burger ka na pag labas? I never said that it is bad to go church frequently,,,it is good but as I said, if you want to please God..isa lang ang dapat mong gawin…Opo isa lang…at yan ay tanggapin mo ang Panginoong Jesus bilang Diyos at tagapag ligtas ng buhay mo..yun lang po.. sasabihin mo matagal ko na ginawa yan..kailan? naalala mo pa ba? Dapat alam mo kasi isa yan sa pinaka mahalagang ginawa mo sa buhay mo..ang hayaan si Jesus na patakbuhin ang buhay mo..ang maging siya ang Diyos at Paginoon mo…Kung di mo na naalala kung kalian di pa huli kaibigan..habang binabasa mo ito, sambitin mo ang panalanging ito..tama..sambitin..wag sa isip lang..kasi kay sarap na marinig sa bibig natin ang salitang mahal kita kesa naisip ko lang…kaya kung handa ka ng isuko sa Panginoong Jesus ang buhay mo, sambitin mo ang panalanging ito.
“Ama namin, salamat po sa buhay na ipinagkaloob mo sa akin..salamat din po sa buhay ng Paginoong Jesus na ipinangtubos para sa aking kaligtasan..Heavenly Father, patawarin mo po ako sa lahat ng nagawa kong kasalan mula nuon hanggang ngaun..at pina tatawad ko na din po ang lahat ng nag kasala sa akin..Panginoong Jesus, binubuksan ko po ang aking puso, buhay at pag katao at inaanyayahan kitang maging Diyos at tagpagligtas ng buhay ko mula ngaun. Paginoong Jesus, gawin nyo po akong nilalang na lumalakad ayun sa inyong kalooban at inaasahan ko pong sinulat mo na ang aking pangalan sa aklat ng buhay..Amen..
Kapatid, kung sinambit mo ang panalanging yan ng bukal sa iyong puso..anak ka na ng Diyos at nakakasiguro ka na sa buhay ng walang hanggan..patuloy ka lang mag basa ng kanyang mga salita at malalaman mo ang kanyang mga pangako para sa buhay mo..mga planong pagpalain ka at hindi saktan…(Jer 29:11) God bless kapatid..


Tradisyon, pamahiin atbp

Bilang Filipino, isa na atang parte ng ating kultura ay ang mga tradisyon at  pamahiin …at lalo sa mga matatanda, isa itong gabay sa pamumuhay at ang pag suway or di pag sunod o maging di pakiki ayon ay marahil maaring magdulot sayo ng kapahamakan…pero gaano nga ba katotoo ito?

Pilipinas, nagsimulang makilala sa mundo nuong ma discover ni Magellan nuong 1521 at mula nuon, iba’t ibang bansa na ang umangkin…kastila, amerikano, hapon…..at bawat bansang sumasakop, tradisyon, pamahiin at kultura kanilang naipapamana..na nagiging parte na ng kulturang Pinoy…san ba natin nakuha sina santa claus? (lalaking santa) Si Rudolf? (may reindeer ba sa Pinas)…, San Juan day (basaan ng tubig), Friday the 13th,   Todos Lo santos,? Mga pamahiin gaya ng wag mag walis sa gabi, mag suot ng bilog bilog habang nag tatalon sa bagong taon, mag sabit ng medyas pag pasko dahil dadaan daw si santa, mag papako sa krus pag mahal na araw,mag tabi tabi po pag nasa dilim dahil baka may maapakan ka …at kung ano ano pa..lahat halos ito ay pamana ng nakalipas…at sa paniniwala ko, karamihan ng Filipino ay sumusunod dito..pero sa pagsunod sa mga ito, may nabago na ba sa buhay natin? Gumanda na ba? Bumuti ba? Tumaas na ba ang ekonomiya natin? Tanong lang po…

Ito po ay paalala lamang na maging mapag masid tayo at mapag saliksik.. I believed God has given us the Bible para icheck kung Biblical nga ba ang isang pangyayari, pamahiin or tradisyon para ating sundin or gawin at lalo na na maging basehan ng ating pamumuhay. Sabi nga pag wala sa Bible, I believe sa iba po nanggaling ito…nabasa nyo na po ba si santa claus sa bible? Si Rudolf? Nasulat po ba na mag papako tayo ng krus?   Sabi nga, Philippines is a Christian nation and being a Christian nation, we should read the Bible at ito dapat ang maging basis ng pamumuhay natin at hindi astrology, palmistry, feng shui at kung ano ano pa…at hindi ibig sabihin na sumusunod ka sa tradisyon, pamahiin at kaugalian ay tama na ang ginagawa mo? I believed following God’s command gives us the best direction in life rather than traditions and having the Lord Jesus as our Lord and savior gives us the best and only way to salvation..hindi ang kung ano anong kasabihan at pamahiin…

I want to end this by a story..
Pag New year, napapansin ng batang si marie na binabali ng nanay nya ang buto ng nilulutong hamon bago ilagay sa oven…tinanong nya ito sa kanyang ina..at sabi nito, natutunan lang daw nya ito sa kanyang nakatatandang kapatid…pag sapit ng new year habang kumakain, lakas loob nagtanong si marie sa kanyang Tita..sabi nya..Tita, bakit po dapat baliin ang paa ng hamon pag niluluto…para po ba mas masarap? Sabi ng kanyang Tita..marie sa totoo lang natutunan ko lang yan sa lola mo pag nagluluto siya nung bata pa kami ng nanay mo…hindi ko din alam kung bakit…Lalo naman nag taka ang batang si marie  kayat wala siyang inintay kundi ang pag sapit ng susunod na pasko sapagkat uuwi sila sa probinsya at duon madadalaw na nila ang kanyang lola at maitatanong na nya kung bakit kailangan baliin ang buto ng hamon pag niluluto..
Dec. 24,…disperas ng pasko…Masaya silang lahat sa probinsya dahil reunion na din..dito kasama na nya sa wakas ang kanyang lola na kay tagal na niyang di nakita…at syempre sabik na ang batang si marie na masagot ang kanyang tanong…habang nasa hapag kainan…habang lahat ay masayang kumakain …biglang nagtanong ang batang si marie sa kanyang lola..” Lola, bakit po ba dapat baliin ang buto ng hamon pag nagluluto? Para po ba mas masarap? Nagkatinginan ang tita at nanay nya..sabay nagtanong na din..Nanay,,bakit nga po ba? Nun kasing bata kami kada nagluluto ka ng hamon binabali mo ang buto nito..kami din ginaya namin ito..bakit nga ba inay? Napatingin sa kanila ang matanda ng may pag tataka? Ha? Binabali? Opo inay..sabi ng dalawang anak…natatandaan po namin..binabali nyo po..at dito na napatawa ang matanda..sabay sabi..”KAYA KO BINABALI ANG BUTO KASI MALIIT ANG OVEN NATIN NOON”….hahahaha

Ganito po minsan ang tradisyon & pamahiin, may pinag ugatan…pero dapat alam natin kung dapat nga bang sundan…sabi sa bible ”Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman – Hosea 4:6”


Godbless po!

Pagpili

Araw araw pag gising pa lang sa umaga ay nahaharap na tayo sa pag pili or choices …Pano? We have the option to choose what do we want to do once we wake up. We can start the day with the prayer or we can start the day saying “ umaga na naman, papasok na naman”…sounds familiar? Opo, madalas ganito tayo…instead of thanking God na nagising tayo…we tend to be sad kasi nga papasok na naman tayo… we forget that merong mga taong hindi na nagigising kasi binangungot or may nangyaring hindi maganda nung gabi kaya ayun…sinawing palad at hindi na nagising…It’s all about the choices we make that will dictate anong mangyayari sa susunod…It all start sa pagpili…Nandyan ka sa kinalalagyan mo kasi pinili mo yan before. Nakatapos ka sa pag aaral kasi pinili mong mag aral at hindi mag bulakbol..malusog ka ngaun kasi hindi mo inabuso ang sarili mo sa bisyo nuon..May mag sasabi..puro bisyo nga ako nuon e..bakit healthy ako..akala lang nila yun…darating ang araw bigla nalang silang manghihina at magkakasakit (wag naman sana)…I believe mostly if not all starts with a choice….at kahit napilit ka pa nuon, nag agree ka pa din kaya ayan ka ngaun…we cannot blame others for the choices we make…kasi kung ayaw mo..ayaw mo talaga…minsan nga lang we blame others for those not so good things sa buhay natin..kasi si mama, or si papa..or si ate or si kuya kasi, kaya ako nandito at nagdudusa..hindi po siguro…andyan ka kasi bumigay ka…kasi pumayag ka din…kasi pinili mo na yan…
We can choose to be happy not sad. We can think of those nice things instead of thinking the bad things. We can think of the positive things rather than thinking the negative. We can choose to be blessed and be a blessing rather than feeling the stress..Lets us not forget that we are blessed kasi buhay tayo. Kasi andyan si Lord sa buhay sa natin.Laging gumagabay. Laging nagmamahal.
Mga kapatid, God gave us this freedom of choice kasi pwede naman nya tayo gawing robot kung gusto nya …pero He values us and He loves us kaya binigyan nya tayo ng will mamili..pero hindi lang yun binigyan nya rin tayo ng kakayanang mag isip sa mga bagay bagay para malaman natin ang tama at mali bago natin gawin..Ganun tayo ka special sa Diyos, he gave this FREEWILL ang mind to think. And let us not forget that He gave His word to guide us on choosing those choices before we make them. Ganun kabuti si Lord..Ganun nya tayo kamahal..Yes He gave us FREEWILL, but He gave us also the ability to think and know what’s right and wrong. He gave us the BIBLE to check if that choice that we are making ay ayun ba sa kalooban nya… And above all, He allowed us to pray to seek His will sa buhay natin..Ganun kabuti si Lord..He always thinks ano ba ang mabuti sa atin..ano bang gabay ang kailangan natin..Kaya before doing anything, before choosing the choices we have..Let’s ask God. Let’s pray and Obey..I’m sure di tayo magakakamali pag inuna natin si Lord..Sabi nga, pag gumawa ka ng tama…hindi ka magkakamali…

Bakit ka I un friend ng friend mo?

Sa mundong ginagalawan natin ngayon na napakalaking factor ng social media sa ating buhay (naalala ko nuon, ang pagkain pina pagpray muna bago kainin ngaun picture muna tapos upload..hehehe), ang  ma unfriend ay isang makasakit na pangyayari. Pero bakit nga ba tayo na unfriend?

Social media, isang komunidad sa loob ng cyberspace. Dito pwede kang makilala, pwede kang sumikat, pwede kang maging maganda, pwede ka ding kumita at marami pang iba. Marami ding relasyon ang nabubuo sa mga social media sites gaya ng facebook at twitter. Dito nag liligawan, dito nasusungkit ang matamis na OO, dito din nalalaman ng buong mundo na sila na… yun lang pati pag aaway at pati pag hihiwalay dito din naka broadcast….Meron din nagiging magka ibigan dito (friends lang) at meron ding nakakakita ng kaaway dito..Sabi nga “para kang artista sa facebook” kasi halos lahat makikita ka, makikilala ka…kahit sabihin pa na di mo naman sila kilala..sa social media, pwede kang sumikat talaga…
Being famous in cyberspace is nearly same in the real world, dito naka base sa dami ng friends, nag likes at followers and popularity mo kaya’t pag may nag un friend or nag un follow sau or nag unlike sau masakit talaga..lalo na pag halos umiikot na ang buhay mo sa social media. (pag kagising facebook muna at bago matulog facebook pa din…yung iba sa napapanaginipan pa nga ang facebook e.hehehe)

Pero pano nga pag na unfriend ka? Pero bago ka malungkot kasi na unfriend ka,  try to evaluate yourself bakit nga ba? Below are some points bakit:
1.       They get annoyed sa mga post mo – minsan puro selfie pictures mo ang nakikita nila : Kuko, buhok, pilik mata at kung ano anong parte pa nga katawan mo na ayaw nilang makita pa. Minsan naman puro hatred mo, galit mo, tsismis mo, inis mo at kung ano ano pang negative na nakakabigat sa kanila…isipin mo naman minsan nalulungkot na nga yung friend mo tapos ang post mo mas malungkot,,ayun lalong na depress tuloy . Minsan naman hindi wholesome ang post mo..some people will like it but majority will not. Lalo na pag R18 ang content.
You will say, this is my wall and I will post what I want to post kasi it’s my choice…yes your right pero remember that it’s their choice also to un friend you..
When you post something think of this verse ” Finally, brothers, whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is commendable, if there is any excellence, if there is anything worthy of praise, think about these things.” –(Philippians 4:8) Make this your standard when you post something.
2.       They don’t want to see or hear about you – nangyayari ito pag magkakilala talaga ang dalawa at somewhere along the way may nangyaring hindi maganda..Sabi nga pag may sugat, at pag sugat ayaw binubulatlat..hayaan nalang matuyo muna at mag peklat…ito ang masakit but this is a sad reality of life. Tutoong friends nga naghihiwalay, facebook friends pa kaya..?
3.       They want to have a fresh start of friends – yung iba kasi madami ngang friends sa facebook pero din naman sila magkakakilala talaga, kaya ang ginagawa nila they un friend yung  di nila kilala or di close at tinitira nila yung mga close…kaya pag na unfriend ka..ask yourself..close ba kami?
There may be more reasons why friends un friend you, yes masakit pag na unfriend pero din naman siguro hihinto ang buhay mo kahit lahat ng friend mo sa facebook I unfriend ka…sabi nga it is better to hold on to one true friend rather than having 1 million unreal friends….
Life will still go on, you will still eat, you will still lived, you still have to work, you still have to earn, you still have to take care of yourself with or without those friends and even with or without facebook. LIFE WILL STILL GO ON….Now if you want to have a friend that will not un friend you and who will not leave you nor forsake you…in fact He died for you….Turn to JESUS..He is your ONE AND TRUE FRIEND. Kaya mga kapatid pag na unfriend ka….be glad as you have Jesus as your One True Friend…andyan lang siya..di ka nya I unfriend…
“All those the Father gives me will come to me, and whoever comes to me I will never drive away.” – John 6:37

Problema very

Hay naku, sa araw araw nalang ata puro problema ang maririnig mo sa kung sino sinong tao..Problema kasi merong matatapos na ang visa at walang pang trabaho, meron namang may trabaho at gusto ng matapos ang visa nya at ng makalipat na ng bagong company..meron namang may problema sa pera, mayroong walang pera, at mayroon namang di na alam ang gagawin sa pera nila.  Mayroon namang may problema sa pamilya, yung iba naman naghahanap na ng pamilya or gusto na bumuo ng pamilya..Ang iba naman may karamdaman, habang meron naman gusto magkasakit para di pumasok sa work or sa school…meron naman relationship ang problema..kailan ba cya magkakaroon ng kasintahan (boyfriend or girlfriend)..yung iba naman, wala na sa kalendaryo at gusto na mag asawa..ang nakakatawa meron naman gusto ma aprubahan na ang divorce para pwede ng makipag hiwalay sa asawa…Hay naku mauubos ang oras natin kung iisa isahin natin ang iba’t ibang anyo ng problema..kaya kalas na..hehehe
Para sa akin part na ng buhay ang problema, trials, pag subok at kung ano ano pang balakid sa ating pang araw araw na pamumuhay…Problems are part of life sa ayaw mo man at sa gusto andyan na yan..sabi nga kung wala yan boring ang buhay..
Pero sa maniwala kayo at sa hindi..Problems can make or break us..Problems can be a blessing also…Amen po ba? Ay wala nag amen..bweno ganito yan..
Minsan kasi, problems in life teaches us a lot of things na hindi natin malalaman kung wala tayong problem…Halimbawa, kung nagkasakit ka it means there is something wrong in your body system or sa pamumuhay mo na dapat mong I correct ito..pag nalaman mo na ang sakit…magagamot mo na..at higit sa lahat hindi mo na aabusihin ang sarili mo..halimbawa, mahilig ka sa maalat, ayan nagkasakit ka tuloy sa bato..pag gumaling ka, hindi ka na masyado kakain ng maalat..at cyempre dadamihan mo ang pag inom ng tubig..
Kung wala kang pera or kapos ka, it means that your current income is not enough or your current expenses is more than your income…gagawin mo its either maghanap ka ng ibang work or mag sideline ka or liliitan mo ang iyong expenses to match your income..kung wala ka naman income, mag hahanap ka ng work or mag negosyo ka para mag ka income ka..
Sa relationship naman, halimbawa wala ka pang boyfriend or girl friend..try mo to examine yourself bakit wala ka pa partner,..may problem ba sa aking personality? Sa looks ko? Sa ugali ko? Or baka naman meron pa si Lord na gusto mong gawin para sa family mo or cyempre para kay Lord..Minsan kasi ayaw pa ni Lord, kasi meron ka pa dapat gawin para sa kanya kaya pag wala pa talaga try to pray and ask God bakit.
Problems also can make us stronger and develop our character, sabi nga ng kasabihan pag maikli ang kumot matuto ka mamaluktot..pag lagi ka  nasasaktan sa pagsubok ng buhay nagiging matatag ka kaya yung malilit na problema hindi mo na pina pansin kasi sanay ka na at alam mo na i-handle..pansinin mo yung mga taong di pa sanay sa pagsubok, mas yado sensitive..kasi nga di pa sila nakaka ranas ng pagsubok…
Napakarami pang dahilan pero ito muna ang iiwan ko, pero if you ever experience problem try to read James 1:2-4 “Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds,  because you know that the testing of your faith produces perseverance.  Let perseverance finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything.”
Sabi dyan, be joyful kung dumadanas ng problems kasi it produce perseverance and Faith in God…at ito ang maganda..sabi, so that you will be complete not lacking anything…Ibig sabihin pag di ka dumanas ng pag subok..kulang kulang ka daw..di po ako nag sabi nyan kundi ang Bible..hehehe
You see God loves us so much that He wants us to be complete in everything and that sometimes He uses problem, trials and persecution to fill those weakness in us..at ito ang mas nakaka touch, sabi nya sa Matthew 11:28-30 Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. 29 Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. 30For my yoke is easy and my burden is light.”
Pag may problem ka daw at pagod na,..at sa tingin mo ay di mo na kaya..come to Him and He will give you rest…Amen..

God bless!

Pinagpala Ka

Kung mag i interview ka ng kaibigan, kasamahan sa work, kakilala or kamag anak at tinanong mo kung kamusta na sila malamang wala sasagot na pinag pala sila or masaya sila…Kadalasan yan, sasabihin puro problema sila, puro gastusin, puro bayarin, puro hirap, maaari pang may magsabing hirap na hirap na sila sa buhay na nila sabay buntong hininga at mag tatanong kung kailan ba matatapos ang kanilang pag hihirap. Ang nakaka bigla kahit mayaman or maganda ang work or nakaka angat sa buhay marami pa din nag sasabi ng nahihirapan na sila sa buhay nila. Akala kasi natin yung mahihirap lang nahihirapan sa buhay, akala natin na pera lang ang basehan ng kaligayahan ng tao..akala natin, pag may pera ka ibig sabihin masaya ka na..pag may pera ka OK na ang buhay mo..Hindi po..madami po dyan na kahit mayaman ay tadtad din ng problema. Maaring may sakit sila or member ng pamilya nila. Maaaring kahit mayaman, broken family naman. Maaaring merong mga may gumugulo sa kanila at wala ding magawa ang pera nila. Sa statistics, mas malaki ang suicide rate ng mga developed countries kesa sa developing countries. Bakit? It means di pala pera at kayamanan ang susi sa pagiging pinagpala ng isang tao..Although mahalaga ang pera, di pala ito ang sagot sa lahat ng bagay.
Pareho lang pala ang mahirap at mayaman, mag kaiba man ang mundong ginagalawan pero pareho din ang maaring pinag dadaanan..parehong hirap sa buhay…parehong  problemado..

Sa buhay natin kahit ano man ang estado mo, mahirap ka man or mayaman, I believe we are all blessed or pinagpala and it is only a matter of perspective or panananaw sa buhay. Kahit kasi may problema ka or may pinag dadaanan sa buhay if we look at it from a positive side…pinagpala ka pa din…pano po nangyari yun? Life is a choice given by God at every minute of your life, every decision na gagawin mo ask God for you to see the positive side of the story. Halimbawa you lose your job, it means it’s an opportunity for you to be in a better work..kasi kung di ka naman nawalan ng work di ka maghahanap ng iba e. Halimbawa naman sabihin natin na talagang broke ka ngaun dahil lumaki ang expenses mo versus sa income mo… I guess it’s an opportunity for you to look for a sideline para may extra income ka or try to examine your expenses baka talagang madami kang un necessary expenses na dapat mong bawasan. Halimbawa naman sabihin mo pagod na pagod ka na sa buhay mo dahil puro ka work, puro ka padala sa Pinas or puro tulong ka na lang kung kani kanino …alam mo bang pinag pala ka talaga dahil ginawa ka ni Lord na channel of blessing…sabi nga its better to give than to receive…nakikita ni Lord ang effort mo kapatid and He will reward you for that.


There are a lot of situations and examples, pero kapatid kahit ano man ang pinag dadanan mo there is always a blessing if you surrender your life to God. At pag di mo na nakikita ang ganda ng buhay mo, ask God to show you life’s beauty. Minsan kasi we tend to look for the things we don’t have rather than looking for the things we have. At kahit wala ka man ng lahat ng bagay..salat ka man sa lahat ng magagandang bagay..pinagpala ka pa din kasi buhay ka pa…at pag buhay ka pa, laging may pag asa…Lalo na kung si Kristo ang kasama…kasi sabi Bibliya “He will never leave you nor forsake you”- Hebrews 13:5…and by this promise, we know we are already blessed. Isa pa, sabi sa Jeremian 29:11 – God’s plan for us it to prosper us not to harm us…yan lang pang hawakan mo..masasabi mo na pinagpala ka talaga…