Wednesday, April 26, 2017

DO YOU WANT TO BE A BLESSING FINANCIALLY? LEARN TO HAVE A PASSIVE INCOME

Everybody wants to be successful and rich for different reasons, but as a Christian, we want to be rich to be a channel of blessing. 
Mahirap naman talaga magbigay kung wala kang maibibigay. Imagine, meron kang kapatiran na nag pa pray dahil nanga-ngailangan ng pambili ng pagkain tapos ikaw mismo wala din mai abot man lang or wala din palang makain. Let's accept it, mahirap mag mission pag walang pera.
Yes we are commanded to work, but sometimes the same job we have is the same hindrance kung bakit di tayo makapag serve sa kanyang kingdom. Bakit? kasi may overtime, marami work...traffic..pagod ka na at kung ano ano pang dahilan. So at this point, I want to suggest something...kailangan meron tayong "PASSIVE INCOME"
E ano ba ang passive income?
According to Robert Kiyosaki, author of Rich Dad Poor Dad,meron siyang tinatawag na 4 income quadrants.
Yung nasa left side na E at S or employee at self employed ay tinatawag na ACTIVE INCOME, ibig sabihin our income comes in exchange of our time. Pag Empleyado ka, kahit gaano pa kataas ang posisyon mo or kahit gaano pa kalaki ang sahod mo....the moment you stop working...hinto ang income mo...ganun din sa mga Self employed or small business owners. OO tama na mas malaki ang potential ng pag yaman pero the moment you stop doing your business..wala na ding income...yan ang ACTIVE INCOME. You exchange your time and talent for a fee. E paano kung magkasakit ka or tumanda ka na? Paano na?
Ang PASSIVE INCOME naman or yung mga nasa right side ng quadrant gaya ng Business owner or Investor, ito yung kahit hindi sila mag work, kahit tulog sila, kahit absent sila, kahit nag vacation sila or kahit matanda na sila....INCOME IS FLOWING..Yes there is hard work involve pero minsang hirap lang..ang maganda sa PASSIVE INCOME, once you set up the system, may time freedom ka na...may financial freedom ka pa...Isang definition sa PASSIVE INCOME is letting your time & money work for you unlike sa ACTIVE INCOME, we work for money...
Bilang servant of Jesus Christ, mas maganda na makapag setup tayo ng mga PASSIVE INCOME streams habang maaga para dumating ang time we can work full time sa ministry. Hindi lang yun, pag may mga passive income ka, mas mag kaka time ka pa sa family mo.
Maaring itanong mo sa akin baka malaking kapital ang kailangan para magkaruon ng passive income? HINDI PO! Maniniwala po ba kayo na in as much as Dhs5 per day (limang dirhams or 67.5php) PWEDE KANG MAGING MILYONARYO? AT MAGKARUON NG PASSIVE INCOME? OPO pwede po....yan po ang susunod kung ibabahagi sa inyo....Handa ka na bang maging MILYONARYO?

LIFE'S LESSON IN PAIN

Bilang isang tao, normal sa atin ang ayaw masaktan. Sabagay sino ba naman ang gustong dumanas ng hapdi, kirot or sakit? Pisikal man yan o emosyonal. Kahit pa sabihin mo na may matutunan ka, tatatag ka, titibay ka...o kahit ano pang benepisyo ng sakit....walang tao ang gustong masaktan period...bakit? E masakit nga kasi.. Kaya nga nauso painless sa panganganak kasi mahirap manganak..ang hirap kayang mag labor? Nine months na ngang nasa tiyan si baby tapos pag due date mo na, sakit na naman..aba'y tama na...sobra na..mag painless na...hehehe
Pero alam nyo ba na it's through pain that we change? And mostly for our betterment. Paano? Let's continue reading:
Pain whether we accept it our not is one of the best teachers in life. Would you believe that most or maybe all successful people went through pain? Most of us knows Steve Jobs as a successful innovator (the man behind Apple) but little did we know that one point of his life, he was kick out from the company that he established and went bankrupt. But this pain and rejection never stop him, in fact he uses this pain to fight back in life. At ngayon may iphone, ipod at ipad.
Colonel Harland Sanders, the man behind KFC went to a lot of pain and struggles in his life. Puro problema ang buhay nya at nung nasa edad 60 na siya...nag tangka siyang mag pakamatay dahil tumanda na siya na walang papatunguhan at puro sakit nalang ang nang yayari sa buhay nya. Pero kesa sumuko, naisip nya na meron pa pala siyang pwedeng gawin...ano ito? ang itinda ang kanyang chicken recipe...akala nyo ba naging madali ito? Hindi! Umabot sa mahigit isang libo ang nag reject sa kanyang recipe..pero hindi siya tumigil dahil alam nya, masarap yung recipe nya..pain after pain..rejection after rejection and finally may bumili din ng kanyang recipe..fast forward...after 20 years...Milyonaryo na siya at ang KFC Fried Chicken ay makikita mo sa buong mundo...
Ilan lang yan sa mga taong dumanas ng sakit, naghirap at inabot ng katakot takot na problema pero di ito naging handlang upang mag tagumpay. Pain teaches us a lot of things in life that is very beneficial if you want to be successful. 
I knew somebody who accumulated a lot of debt for what so ever reason at dahil nalubog siya sa utang, he began to get closer to God. At this lowest point in his life he learn a lot things. I guess God has taught Him things that he cannot learn during his days of prosperity but only it times of poverty. He began to know who are his friends are, he began to learn new crafts and skills, things that he doesn't know na kaya pala niyang gawin. He learn how to save, budget and invest. And most of all, he learn to give on the few money he has. He learn all of this during his painful times at ngayon, he is twice richer than what he has previously! And take note...wala pa siyang UTANG na! All this he learn during pain....Amen!
Lastly, you would know how much you love somebody in pain. Paano? If a person hurts you, and in-spite of the pain, mahal mo pa din...Love mo nga talaga..If you are willing to give up everything or work hard or give everything kahit mahirapan or masaktan ka..True love nga yan...
Ganon tayo kamahal ng ating Panginoong Hesus...tiniis nya lahat ng hapdi, kirot, sakit, latay, kahihiyan...para mapatunayan lang niya kung gano nya tayo kamahal. Kahit buhay pa niya inalay nya..bakit? para pag dating ng panahon...makikita ka nya sa langit..kung tatangapin mo siya bilang Diyos at taga pagligtas. Gusto mo ba? Pray this prayer:
"Panginoong Hesus, salamat po sa pagtubos mo ng aking kasalanan sa krus ng kalbaryo. Patawarin mo po ako sa lahat ng aking kasalanan gaya ng pagpapatawad kopo sa lahat ng nagkasala sa akin. Ikaw na po ang maging Diyos at taga pagligtas ng buhay ko at gawin nyo po akong isang nilalang lamang na lumalakad ayun sa inyong kalooban..Amen"

Monday, April 17, 2017

THE DIFFERENCE BETWEEN THE RICH AND POOR (FUNNY COMPARISON)

Kung mayaman ka, meron kang "allergy";
Kung mahirap ka,ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress".
Sa mahirap, "sira ang ulo";

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac";
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"

Pag mayaman ka, you're "eccentric";
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad".

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom";

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba";

Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi".
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga";

Kung nasa high society ka, you are called "slender" o balingkinitan";
Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o  "ting-ting".

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay  "petite";
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar".

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump";  Kapag mahirap ka at ika'y "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba", pag minamalas  ka, "baboy".

Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "game";
Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala".

Kung mayamang alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated";
Pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo "malandi".

Kung maypera ka ang tawag sa iyo "single parent";  Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada".

Health conscious or vegetarian ang tawag sa mayayamang puro gulay ang
kinakain;  Habang kakaawa ang mahirap na kumakain ng ganito.

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang
tawag sa  kanila ay "walang hiya".

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood";
Ang mga mahihirap ay "gumugurang".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner";
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gunggong".

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
"masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking";

Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house,
your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba".

Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo, "okay lang";
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol"
 kaya forward mo na agad ito dahil nasa likod mo ang boss mo..hehehe 

Wednesday, April 5, 2017

PAGOD KA NA BA? SUKO KA NA BA?

Bilang isang Kristiyano, naranasan mo na bang mabigo at malungkot sa mga panalangin mo na hindi nasagot ayun sa gusto mo? Yun bang mga panalangin mo na talagang buong pananampalataya mong inangkin na at tinangap na… Yung feeling mo na abot na abot mo na pero wala nangyayari at ang masakit imbes na umayos ang sitwasyon mo ay lalong gumulo. Akala mo eto na ayan na ang sagot pero lalo palang lumabo at lalo kang nasaklak sa problema? Tapos sasabihin mo Lord bakit ganun? Bakit di ko na received gayong sabi mo “ask and it will be given to you”….Na experience mo na ba ito? Minsan naman pray ka ng pray sa isang bagay, maayos naman ang motibo sa prayer na ito pero minsan bigo ka pa din. Minsan naman prayer for healing ang pinapanalangin mo tapos imbes gumaling e lalong lumala ang sakit..At ang mas masakit, lalo pang lumala at wala na kayong pambili ng gamot.
Minsan naman you are praying for a partner in life, tapos ayan may dumating…akala mo siya na..akala mo siya na yung hulog ng langit na mag bubuo sayo at sa mga pangarap mo,…yun pala manloloko lang..di pala siya ang bubuo sa yo,,lalo lang pala na mawawasak ang sa buhay mo.
Minsan naman lubog na lubog ka sa utang, wala ka ng malapitan tapos biglang may lalapit at magpapautang ulit. Akala mo eto na ang simula ng pag ahon mo yun pala, lalo ka lang pala malulubog pa dahil wagas pala ito magpatubo. Imbes na lumiit ang utang mo, lalo pang lumaki ito.
Ilang mga halimbawa lang ito ng nanalangin ka na nabigo dahil yung panalangin mo na paglaya sa problema…mas lalo ka lang palang nalubog..lalo ka lang nag hirap. Lalo ka lang nawalan ng pag asa. Dito mag tatanong ka na…Lord andyan ka ba talaga? Lord akala ko ba mahal mo ko? Akala ko ba sabi mo you will never leave me nor forsake me? Lord asan ka nung kailangan kita?
Hay medyo madrama po talaga dahil minsan nararanasan natin ito at pinag dadaanan or pinag daanan. Minsan we tend to give up, we tend to lose hope, we tend stop praying anymore. Sometimes, we turn our back to our God kasi sasabihin natin, bakit di mo sinasagot ang panalangin ko..Di mo inaayos ang problema ko…..
Tanong: ganun ba talaga yun?
Para sa akin, lubhang mahirap ipaliwanag ang mga bagay na di maganda na nangyayari sa atin. Yun bang imbes umayos ay lalong gumulo. Yun bang parang inagawan ka nalang, nag isa, nabigo, nalubog at nabigo. Hay..bakit nga kaya?
Sabi sa Bibliya, kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa ating Diyos. We are separated because of our sin. Pero sa pagdating ng ating Panginoon ay tinubos nya tayo at pinalaya sa kasalanan at kung sino ang nanampalataya sa kanya ay magkakaruon ng buhay na walang hanggan. Manunumbalik ang relasyon natin sa ating Diyos na buhay.
Pero bakit ganun? Meron pa din akong un answered prayer?
Sa aking pag kaka alam, sumasagot ang Diyos. Maaaring OO, ibibigay agad nya sayo ang panalangin mo. Maaaring hinde dahil ito ay makakasama sayo. Maaari ding sandali anak at may inaayos pa ko sa buhay mo. Mahirap talaga malaman ang dahilan sa mga bagay na nangyayari sa atin na di  natin gusto. Pero isa lang ang alam ko, seryoso ang Diyos na di tayo pabayaan at di iwanan. Pag dumadanas tayo ng pagsubok, Let’s pray na ipaliwanag sa atin at maintindihan ang mga bagay na nangyayari sa atin at syempre lakas para harapin ito. Alam ko sa bawat bagay, may itinuturo ang Diyos at yun ang dapat nating malaman. The Bible says “everything works together for good for those who love God and called according to His purpose”
Maaring hindi man natin maintindihan ngayon, pero balang araw God will reveal it at sigurado sasabihin natin “Lord kaya pala ganun, salamat po”.
Sabi nga “His ways are higher than our ways and His thoughts are higher than our thoughts”.  If we surrender our life to Jesus I’m sure that God is very serious when He said “I will never leave you nor forsake you”
Lastly let us not forget that Jesus is the Alpha and the Omega or the beginning and the end. Ibig sabihin, God saw what will happen to us in the future at kung alam na niya ang bukas at kinabukasan mo, makakasiguro ka na panalo ka na sa buhay mo dahil kahit anong mangyari sa buhay mong ito, pag si Kristo ang nasa puso mo…tayo din ang magkikita kita sa finals…kahit ano pang pagsubok yan…sure ako pinagpala ka na. God bless.


Friday, March 31, 2017

WHO AM I?

Kilala mo ba kung sino ka? OO naman…sagot ng marami…syempre naman alam ko kung sino ako..ako pa? Kung meron makakakilala sa akin syempre ako yun..I know who I am?
Talaga? Kapatid kilala mo nga ba ang sarili mo? O baka naman alam mo lang ang isusulat sa Bio data mo? Syempre alam mo ang pangalan mo..kilala mo magulang mo…birthday mo…alam mo mobile number mo..san ka nakatira..san ka nag aral…kilala mo ang mga kaibigan mo at mga paborito mo….Baka naman pang  facebook profile lang ang pag kakakilala mo sa sarili mo?
Marami sa atin pag tinanong tayo kung kilala ba natin ang sarili natin sigurado ang isagot natin ay OO kilala nga nila ang sarili nila pero ang pagkakakilala lang nila ay yung mga negatibo o pangit na aspeto ng buhay nila gaya ng…Pangit ako, mahina ang loob ko, puro ako problema, puno ako utang, di ako nakatapos ng pag aaral, bumagsak ako sa NSAT, nabasted ako, wala akong kayang gawin, matanda na ko, di ako matanggap sa trabaho at kung ano ano pang mga negatibong bagay tungkol sa buhay nya. Tapos pag tinanong mo bakit puro negatibo naman ata yan…sasabihin nya, I’m just being honest..Hindi ako ipokrito at mapag kunwari… oo tama naman yun at hinahangaan ko kita for being honest pero sigurado ako na ilang porsyento lang ng buhay mo ang mga kabulukan na yan at hindi yan ang kabuuang ikaw..ika nga, parte lang ng buhay mo yan pero…hindi yan ang buhay mo…hindi yan ang buong ikaw.
Ang masakit kasi we are so much attached to the negative side of our life and we focus only on this things and eventually eats all our time and effort and sad to say our future. Opo, pag nakatutok tayo sa isang pangit na parte ng buhay natin hinahayaan natin na manakawan tayo ng ibang magagandang bagay sa buhay natin at dahil dito pati ang magandang bukas na nag iintay sa atin ay napapalitan ng isang bulok na umaga. Bakit? Kasi pangit na panananaw, pangit na pagkakakilala sa sarili ang ibubunga, bulok na bukas…
Kapatid, gaya nung isang tula na narinig ko “tama na ang seldang nagkukulong sa iyo, tama na ang mga rehas na nagpapalungkot sa puso mo” at higit sa lahat tama na ang pangit na panananaw sa buhay mo dahil sabi sa Bibliya sa Psalms 139:14 “I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well.” Tama kapatid, you are fearfully and wonderfully made…dahil ginawa ka sa wangis ng Diyos..you are created in the image and likeness of God..
Nagulat ka? Kapatid, maaaring mahirap tanggapin pero yan ang totoo..you are wonderfully made..at di gumagawa ng bulok, talunan or pangit si Lord…at kung wonderfully made ka…makaka asa ka na kahit anong lalim at anong dilim ng sitwasyon mo ngayon…may nag iintay na liwanag, may nag iintay na pag babago, may nag iintay na tagumpay dahil pinagpala ka sa ayaw at sa gusto mo…
Kapatid, kung gusto mo na ng pagbabago, dapat mo munang baguhin ang mindset mo…dapat mo muna tanggapin sa sarili mo na panalo ka, pinagpala ka at tagumpay ka..nasa iyo ang susi ng tagumpay kapatid..ikaw lang ang pwede magbukas ng mga pagpapalang ito…ikaw muna ang dapat maniwala sa sarili mo na tagumpay ka nga…Paano? Una sa lahat Pray and thank God then accept that you are fearfully and wonderfully made…tapos ask yourself and enumerate ano ano ba ang mga blessings ko sa buhay then isulat mo ano ano ba ang mga positive qualities mo. Dapat ikaw mismo kung kilala mo sarili mo talaga ang sarili mo, dapat alam mo ang mga strength mo, imposible na wala kang magagandang kakayanan at katangian dahil likha ka ni Lord..Duon mo malalaman sino nga ba talaga ako…

Pag naisulat mo yan kapatid, malalaman mo..pinagpala ka nga..God bless

Tuesday, March 28, 2017

SA MATA NG ISANG OFW

Bilang isang OFW na nasanay na sa kalakaran na ng ating bansa sa maraming taon, di makaka ligtas sa aking mga mata ang mga pagbabagong nakita ko sa pamumuno ng ating Pangulong Duterte.  Talagang masasabi ko na hindi ako nagkamali sa pagboto sa kanya.
Mula ng maluklok siya sa pwesto,  makikita mo ang mga nagawa na nya sa social media lamang, ewan ko ba kung bakit sadyang mas maraming na pangyayari ang lumalabas sa balita na pawing pangit. Sabagay sabi nga, mas pinag uusapan daw ang mga pangit na balita gaya ng patayan, hold up, nakawanan, rape, korapsyon at kung ano ano pa. Buti na nga lang at may social media na kakikitaan natin ng update sa mga magagandang nangyayari sa ating bansa. Bweno, eto ang mga nakita ko at nasaksihan nung ako ay nagbakasyon.
1.       Police visibility – mas madalas mo na makita ang kapulisan ngayon. Sa mga kalsada, sa mga outpost at nag roronda. Kaya mas feeling safe ka sa mga snatcher at mga holduper. Sabi nga dumalang daw ang mga masasamang element sa mga pam publikong sasakyan. Nagulat nga ako nung sumakay ako ng FX, yung isang pasahero nakalabas ba naman ang kanyang Iphone 6s plus at isang Samsung S7 na mobile. Hehehe..ako nga naiilang pa ako mag labas ng Iphone ko pero siya walang pakundangan na nakalabas ito,,,sadyang di lang siguro siya natatakot or mas may tiwala na siya ngayon sa kapulisan.
Eto ang matindi, nung Dec. 31, ilang oras bago mag New year, nag roronda ang mga pulis at nagpapa alala na wag magputok…makikita mo silang nagroronda hanggang mga ala una ng madaling umaga..nakakatuwa dahil sa ilang new year sa Pinas na nasaksihan ko…ngayon ko lang na experience ito…Kaya PNP under General Dela Rosa, saludo po ako sa inyo.

2.       No fire cracker New year – Opo, tama po..wala po masyadong nagpaputok this year at dahil dyan, di po mausok at di po maitim na usok ang bumalot sa paligid nuong new year. Puro turotot lang, kaldero at mga Videoke ang maririnig mo nag iingay. Kaya wala ng  maitim na usok, konti lang din ang naputukan. Salamat DOH sa inyong kampanya na iwas paputok.

3.       Malinis na paligid – January 1, papunta kami ng simabahan ng napansin ko ang kalinisan ng paligid lalong lalo na ang mga kalsada. Wala kang makikitang mga kalat galing sa paputok at kung ano anong basura dahil kakatapos lang ng bagong taon. Akalain mo meron palang naka duty na metro aide na matiyagang naglilinis ng mga kalsada. Kahit na bagong taon at holiday, may mga naka assign na mag linis ng kapaligiran. Aleng metro aide..salamat po!


4.       10mins document processing sa OWWA – Pumunta kami sa OWWA para kumuha ng membership record at medyo tinanghali kami ng dating, pasado alas Diyes na..kaya’t sabi ko sa Misis ko, mga alas dose pa namin ito makukuha,…pero laking gulat ko ng makalipas ang sampung minuto, lumabas agad ang aking membership request. Wow! Ang bilis. Ngayon ko lang naranasan ito sa isang sangay ng gobyerno. Idagdag mo pa na ang one stop shop center for OFW..andun ang OWWA, POEA, PAG IBIG, PHIL HEALTH, DFA at ilan pang sangay ng gobyerno na malimit na pinupuntahan ng mga OFW. Salamat po sa napakagandang initiative na ito.

5.       Roar repair – Dati, inaabot na ilang weeks or buwan ang pag gawa ng kalsada. Ika nga, pag naghukay sila, asahan mo matagal bago ito matatabunan or magagawa. Laking gulat ko ng ang isang hukay ngayon, bukas may semento na at isang parte na naman ng kalsada ang ginagawa. Makikita mo talaga ang bilis ng pag gawa. DPWH at Maynilad. Salamat po!

6.       FREE College tuition – Ngayong taon na ito naman magsisimula ang free college education, napakagandang programa na magbibigay ng pagkakataon sa mga maralita na makapag aral sa Kolehiyo na hindi iniisip kung saan kukuha ng pang tuition. CHED, Salamat po!

7.       NO Hospital deposit – Ngayon, under the directive of President Duterte, Bawal na po humingi ng deposito ang mga hospital bago I admit ang pasyente. Kaya’t pag may emergency case,  sa emergency room na ang tuloy hindi na sa cashier muna para magbayad.

8.       911 Hotline – Opo, meron na po tayong 911 emergency hotline na pwedeng tawagan in case of emergency na katulad sa America at Canada. Ang pinagkaiba lamang po, ito ay libre sa atin at may bayad naman sa kanila. Galing!

9.       CCTV – Karamihan ng mga barangay ngayun at mga pampublikong lugar ay meron ng mga CCTV na nag momonitor sa paligid kayat mas nagiging safe. Nagiging asiwa ang mga masasamang elemento at napapadali naman ang pag aksyon at pag resolba ng mag krimen.

10.   Salary increase – Na apprubahan na din po ang pagtataaas ng sahod ng mga kapulisan at mga guro na magbibigay ng mas mataas na morale sa ating mga kapulisan at mga guro upang lalong gumanda ang kanilang pamumuhay at syempre ang kanilang serbisyo sa bayan.

-          Sa ngayon po ay eto muna ang aking ibabahagi, pero napaka rami pa pong magagandang pagbabago sa administration ni President Duterte gaya ng pag increase ng validity ng passport at drivers license, pagtaas ng pension sa SSS, pamamahagi ng mga gamit pang sakahan ng libre, pag papagawa ng mga bahay sa mga nasalanta ng Yolanda, pag hihinto ng kontraktuwalisasyon, pag sugpo sa salot ng droga at kung ano ano pa. Di po ako isang fans, wag nyo po sana itong ipagkamali..isa lamang po akong Pinoy na nakakakita ng pagbabago sa aking bansang sinilangan.
Salamat sa Diyos at mabuhay at sambayanang Pilipino.


Mayroon ka bang nakikita pa na di ko naisulat? Feel free to comment below. Salamat po!

Sunday, March 12, 2017

JUDGEMENTAL KA BA?

Isa sa pinaka mahirap baguhing ugali ay pagiging mapang husga..Napaka daling pumuna, mag comment, humusga, or minsan maging self righteous…Halos lahat siguro ay sasablay pag ito na ang pag uusapan at kahit Christian ka na,  most of the time we fail in this instance…
We judge by our eyes, feelings or on what we hear..halimbawa, meron isang tao na mayroong masamang nakaraan..and he wants to change,..he wants to turn away duon sa mga masasama nyang kahapon, ang problema walang gustong magbigay ng chance for him to change kasi may takot ang mga taong nakapaligid sa kanya..nobody is giving him a chance to change and live good…isipin mo nalang ang mga nakulong…minsan merong mga nakulong na wala naman kasalanan, pero dahil na nakulong siya ng makalaya na siya, wala ng gustong mag bigay sa kanya ng trabaho….minsan ang nangyayari tuloy imbes na magbago tungo sa kabutihan, nagbabago tuloy sa kasamaan..hindi po ito sa movie lang nangyayari..true to life po ito…at ito ay dahil po sa pang huhusga ng kapwa..
Minsan naman we judge by the looks or stature in life, pag may sinasabi, professional, mayaman, or may dating ang kausap natin, we treat them with respect..parang gustong gusto nating kausap, gustong gusto nating makasama..lalo na pag maganda ang buhay, maganda ang work, may sasakyan…pero pag ang kausap natin ay ordinary lang..simpleng manggagawa, simpleng mamamayan or walang maipagmamalaki sa buhay,  we often take them for granted..yes we listen, just for the sake listening but we are not hearing what they are saying…sabi nga sa salitang kanto..DEADMA….minsan naman merong nag sisikap mabuhay, or they are trying to enjoy life buying things that satisfies like gadgets..may mga taong magsasabi na “wala na ngang pera bili pa ng bili” and yet meron naman mag sasabi “porma porma pa, wala namang pera”…napaka judgemental po natin…e ano naman sa atin kung gumastos sila? Kahit kapos ka, you have to enjoy your life..wala tayong karapatang manghusga….di naman natin pera ang pinambibili nila…every body has a right to live..Jesus came to give us an abundant life..means God is concern on our earthly lives..and He is very much concern on us..tayo ba concern sa kapwa? Or concern lang tayo dun sa lang sa kayang mag return ng favor?
Minsan naman, may nabalitaan tayong hindi maganda sa isang tao..ang mangyayari ay pag uusapan na natin lagi, pag fiestahan na ang istorya nya..parang talk of the town na..parang gustong gusto nating pag usapan ang buhay ng may buhay..lalo na kung meron siyang hindi magandang background..TSISMIS na po ang nangyayari..ang masakit minsan we avoid such persons kasi nga meron siyang masamang nagawa or hindi magandang pinag dadaanan..parang may sakit na nakaka hawa…wag kang lumapit dyan, mahirap lang yan, wag mong kausapin yan malikot ang kamay nyan..wag kang lalapit dyan..hirap sa buhay yan at baka hingan ka lang ng tulong…ang sakit di po ba? Kung nakaka patay lang po siguro ang panghuhusga..baka minu minuto merong namamatay…haaayyyyy..at eto ang masakit, minsan hindi na po natin alam na tayo na pala ito..Either tayo ang hinuhusgahan o tayo ang humuhusga…
Naparami pa pong halimbawa, pero ang Panginoong Jesus po nag paalala na, Matthew 7:3 "Why do you look at the speck of sawdust in your brother's eye and pay no attention to the plank in your own eye? – Opo, minsan we can see ang puwing ng iba pero di natin nakikita ang sarili nating dumi..pangalawang utos ng Diyos is to love your neighbor as you love yourself.,..anong klaseng pagmamahal ang pang huhusga? We should live a life of unity, harmony and joy kasi utos po ng Panginoong Jesus..hindi po tayo nag papataasan ng ere or nag papalayuan ng narating dahil lahat po ng meron tayo ay galing sa Diyos..basahan lang tayo na binigyan ng pag kakataong mabuhay..and God is so gracious that He gave us the ability to produce wealth..kaya lahat ng meron tayo ay galing sa kanya..
Kung may kapatid kang kapos, hirap or nanganga ilangan ng tulong, financial, material, spiritual..let’s give it to him,…kaysa husgahan natin…we don’t know baka dumating ang time magka palit ang kalagayan natin sa buhay..
Let’s be a brethren to everybody as God commanded us to be…let’s stop being a judge and start being a friend..remember that God is not glorified when we judge,..and if God is not glorified, sino kaya natutuwa? Tayo po ay mag palakasan at hindi mag hatakan pababa..lets treat every people equally and remember that Jesus also died for Him…He died for all of us…

Always remember Luke 6:37


“Judge not, and you will not be judged; condemn not, and you will not be condemned; forgive, and you will be forgiven;