Friday, March 31, 2017

WHO AM I?

Kilala mo ba kung sino ka? OO naman…sagot ng marami…syempre naman alam ko kung sino ako..ako pa? Kung meron makakakilala sa akin syempre ako yun..I know who I am?
Talaga? Kapatid kilala mo nga ba ang sarili mo? O baka naman alam mo lang ang isusulat sa Bio data mo? Syempre alam mo ang pangalan mo..kilala mo magulang mo…birthday mo…alam mo mobile number mo..san ka nakatira..san ka nag aral…kilala mo ang mga kaibigan mo at mga paborito mo….Baka naman pang  facebook profile lang ang pag kakakilala mo sa sarili mo?
Marami sa atin pag tinanong tayo kung kilala ba natin ang sarili natin sigurado ang isagot natin ay OO kilala nga nila ang sarili nila pero ang pagkakakilala lang nila ay yung mga negatibo o pangit na aspeto ng buhay nila gaya ng…Pangit ako, mahina ang loob ko, puro ako problema, puno ako utang, di ako nakatapos ng pag aaral, bumagsak ako sa NSAT, nabasted ako, wala akong kayang gawin, matanda na ko, di ako matanggap sa trabaho at kung ano ano pang mga negatibong bagay tungkol sa buhay nya. Tapos pag tinanong mo bakit puro negatibo naman ata yan…sasabihin nya, I’m just being honest..Hindi ako ipokrito at mapag kunwari… oo tama naman yun at hinahangaan ko kita for being honest pero sigurado ako na ilang porsyento lang ng buhay mo ang mga kabulukan na yan at hindi yan ang kabuuang ikaw..ika nga, parte lang ng buhay mo yan pero…hindi yan ang buhay mo…hindi yan ang buong ikaw.
Ang masakit kasi we are so much attached to the negative side of our life and we focus only on this things and eventually eats all our time and effort and sad to say our future. Opo, pag nakatutok tayo sa isang pangit na parte ng buhay natin hinahayaan natin na manakawan tayo ng ibang magagandang bagay sa buhay natin at dahil dito pati ang magandang bukas na nag iintay sa atin ay napapalitan ng isang bulok na umaga. Bakit? Kasi pangit na panananaw, pangit na pagkakakilala sa sarili ang ibubunga, bulok na bukas…
Kapatid, gaya nung isang tula na narinig ko “tama na ang seldang nagkukulong sa iyo, tama na ang mga rehas na nagpapalungkot sa puso mo” at higit sa lahat tama na ang pangit na panananaw sa buhay mo dahil sabi sa Bibliya sa Psalms 139:14 “I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well.” Tama kapatid, you are fearfully and wonderfully made…dahil ginawa ka sa wangis ng Diyos..you are created in the image and likeness of God..
Nagulat ka? Kapatid, maaaring mahirap tanggapin pero yan ang totoo..you are wonderfully made..at di gumagawa ng bulok, talunan or pangit si Lord…at kung wonderfully made ka…makaka asa ka na kahit anong lalim at anong dilim ng sitwasyon mo ngayon…may nag iintay na liwanag, may nag iintay na pag babago, may nag iintay na tagumpay dahil pinagpala ka sa ayaw at sa gusto mo…
Kapatid, kung gusto mo na ng pagbabago, dapat mo munang baguhin ang mindset mo…dapat mo muna tanggapin sa sarili mo na panalo ka, pinagpala ka at tagumpay ka..nasa iyo ang susi ng tagumpay kapatid..ikaw lang ang pwede magbukas ng mga pagpapalang ito…ikaw muna ang dapat maniwala sa sarili mo na tagumpay ka nga…Paano? Una sa lahat Pray and thank God then accept that you are fearfully and wonderfully made…tapos ask yourself and enumerate ano ano ba ang mga blessings ko sa buhay then isulat mo ano ano ba ang mga positive qualities mo. Dapat ikaw mismo kung kilala mo sarili mo talaga ang sarili mo, dapat alam mo ang mga strength mo, imposible na wala kang magagandang kakayanan at katangian dahil likha ka ni Lord..Duon mo malalaman sino nga ba talaga ako…

Pag naisulat mo yan kapatid, malalaman mo..pinagpala ka nga..God bless

No comments:

Post a Comment