Bilang isang Kristiyano, naranasan mo na bang mabigo at
malungkot sa mga panalangin mo na hindi nasagot ayun sa gusto mo? Yun bang mga
panalangin mo na talagang buong pananampalataya mong inangkin na at tinangap
na… Yung feeling mo na abot na abot mo na pero wala nangyayari at ang masakit
imbes na umayos ang sitwasyon mo ay lalong gumulo. Akala mo eto na ayan na ang
sagot pero lalo palang lumabo at lalo kang nasaklak sa problema? Tapos
sasabihin mo Lord bakit ganun? Bakit di ko na received gayong sabi mo “ask and
it will be given to you”….Na experience mo na ba ito? Minsan naman pray ka ng
pray sa isang bagay, maayos naman ang motibo sa prayer na ito pero minsan bigo
ka pa din. Minsan naman prayer for healing ang pinapanalangin mo tapos imbes
gumaling e lalong lumala ang sakit..At ang mas masakit, lalo pang lumala at
wala na kayong pambili ng gamot.
Minsan naman you are praying for a partner in life, tapos
ayan may dumating…akala mo siya na..akala mo siya na yung hulog ng langit na
mag bubuo sayo at sa mga pangarap mo,…yun pala manloloko lang..di pala siya ang
bubuo sa yo,,lalo lang pala na mawawasak ang sa buhay mo.
Minsan naman lubog na lubog ka sa utang, wala ka ng
malapitan tapos biglang may lalapit at magpapautang ulit. Akala mo eto na ang
simula ng pag ahon mo yun pala, lalo ka lang pala malulubog pa dahil wagas pala
ito magpatubo. Imbes na lumiit ang utang mo, lalo pang lumaki ito.
Ilang mga halimbawa lang ito ng nanalangin ka na nabigo
dahil yung panalangin mo na paglaya sa problema…mas lalo ka lang palang
nalubog..lalo ka lang nag hirap. Lalo ka lang nawalan ng pag asa. Dito mag
tatanong ka na…Lord andyan ka ba talaga? Lord akala ko ba mahal mo ko? Akala ko
ba sabi mo you will never leave me nor forsake me? Lord asan ka nung kailangan
kita?
Hay medyo madrama po talaga dahil minsan nararanasan natin
ito at pinag dadaanan or pinag daanan. Minsan we tend to give up, we tend to
lose hope, we tend stop praying anymore. Sometimes, we turn our back to our God
kasi sasabihin natin, bakit di mo sinasagot ang panalangin ko..Di mo inaayos
ang problema ko…..
Tanong: ganun ba talaga yun?
Para sa akin, lubhang mahirap ipaliwanag ang mga bagay na di
maganda na nangyayari sa atin. Yun bang imbes umayos ay lalong gumulo. Yun bang
parang inagawan ka nalang, nag isa, nabigo, nalubog at nabigo. Hay..bakit nga
kaya?
Sabi sa Bibliya, kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa ating
Diyos. We are separated because of our sin. Pero sa pagdating ng ating
Panginoon ay tinubos nya tayo at pinalaya sa kasalanan at kung sino ang nanampalataya
sa kanya ay magkakaruon ng buhay na walang hanggan. Manunumbalik ang relasyon
natin sa ating Diyos na buhay.
Pero bakit ganun? Meron pa din akong un answered prayer?
Sa aking pag kaka alam, sumasagot ang Diyos. Maaaring OO,
ibibigay agad nya sayo ang panalangin mo. Maaaring hinde dahil ito ay
makakasama sayo. Maaari ding sandali anak at may inaayos pa ko sa
buhay mo. Mahirap talaga malaman ang dahilan sa mga bagay na nangyayari sa atin
na di natin gusto. Pero isa lang ang
alam ko, seryoso ang Diyos na di tayo pabayaan at di iwanan. Pag dumadanas tayo
ng pagsubok, Let’s pray na ipaliwanag sa atin at maintindihan ang mga bagay na
nangyayari sa atin at syempre lakas para harapin ito. Alam ko sa bawat bagay,
may itinuturo ang Diyos at yun ang dapat nating malaman. The Bible says “everything
works together for good for those who love God and called according to His
purpose”
Maaring hindi man natin maintindihan ngayon, pero balang
araw God will reveal it at sigurado sasabihin natin “Lord kaya pala ganun, salamat
po”.
Sabi nga “His ways are higher than our ways and His
thoughts are higher than our thoughts”.
If we surrender our life to Jesus I’m sure that God is very serious when
He said “I will never leave you nor forsake you”
Lastly let us not forget that Jesus is the Alpha and the Omega
or the beginning and the end. Ibig sabihin, God saw what will happen to us in
the future at kung alam na niya ang bukas at kinabukasan mo, makakasiguro ka na
panalo ka na sa buhay mo dahil kahit anong mangyari sa buhay mong ito, pag si
Kristo ang nasa puso mo…tayo din ang magkikita kita sa finals…kahit ano pang
pagsubok yan…sure ako pinagpala ka na. God bless.
No comments:
Post a Comment