Monday, September 23, 2024

LOVE YOUR WORK

 WORD FOR THE DAY - LOVE YOUR WORK

Proverbs 3:3-4  - “Let love and faithfulness never leave you;  bind them around your neck,  write them on the tablet of your heart. Then you will win favor and a good name in the sight of God and man.”


Paalala - Si Jose ay isang barista sa isang coffee shop at napapansin nya ang isang customer na matapos mag order ng kape ay hindi man lang ito ginagalaw o tinitikman man lang. Dala ng pagtataka at pag aalala, nilapitan niya ang customer at tinanong niya ito kung may request pa ba ito o may kailangan sapagkat napapansin niya na hindi nagagalaw ang kape. Sabi ng customer na may halong pagkabigla, “hijo, ok lang itong coffee, masakit lang ang aking ulo.” Sa nadinig ni Jose, kaagad itong pumasok sa locker at pag balik ay dala dala na itong dalawang biogesic at ibinigay sa matandang customer na lalong nagdala na pagkabigla sa customer. Sabi ni Jose, “sir, inumin nyo po itong gamot para po mawala na ang inyong sakit ng ulo at para mainom nyo na din po itong order nyo na kape, sayang po kasi at lumalamig na.” Medyo, nahihiya man tinanggap at ininom ito ng customer at nagpasalamat at nagsabing, “kanina ko pa gustong uminom ng gamot kaso naubusan ako, mabuti at meron ka. Salamat sa iyo hijo. Bakit mo nga pala ginagawa ito?” Tanong ng customer. “Mahal ko po kasi itong trabaho ko at personally gusto ko din po masaya ang mga customer namin. Gusto ko din maganda ang aming customer service. Isa pa po, sayang po kasi ung order ninyong coffee kung lalamig lang. Sige po sir maiwan ko na po kayo.” May halong pagkamangha ang customer habang pinagmamasdan niya si Jose pabalik sa pantry area. Makalipas ang isang taon, nakatanggap ng tawag si Jose sa HR ng kanilang company. Kinabahan si Jose, dahil ang mga pinapatawag ng kanilang HR ay kadalasan may mga violation na nagawa. Kabadong kabado si Jose habang naghihintay siya, at samu't saring alalahanin ang tumatakbo sa kaniyang isip. “Ano ba nagawa ko? Paano na kung matanggal ako? San na ako magwork?” Habang patuloy siyang nag iisip biglang isang babae ang nakatayo na pala sa kanyang harapan na nagsabing, “Mr. Jose Cruz, pwede ka na po umakyat sa penthouse, duon ka po kakausapin ni HR manager.” Habang paakyat si Jose, lalo siyang kinabahan dahil nalaman niya na mismong HR manager ang kakausap sa kanya, kaya sabi nya, “Lord ikaw na po ang bahala sa akin.”  May sumalubong sa kanya pag pasok sa penthouse at nagsabing iniintay ka na nila  sa conference room. Lalong kinabahan si Jose, dahil sa sinabing “hinihintay na siya “NILA” Ang tanong ni Jose, sinong sila? Pagpasok ng conference room andun ang HR manager, operation manager at isang lalaking nakatalikod pa. “Good morning po Sir \ Mam sabi ni Jose…sabi ng HR manager, please take your seat Mr. Cruz.” Sa puntong ito lalong kinabahan si Jose dahil pati operation manager ay andito, kaya nasabi nya…”nakupo, tanggal na ata ako.” Pag harap ng lalaking nakatalikod ay nagulat siya dahil ito yung lalaking binigyan niya ng biogesic many months ago, kaya napa isip na naman siya..”eto ba ang nag reklamo sa akin?” Pero laking gulat ng pinakilala ng HR manager kay Jose si Mr. Nolasco. Sabi ni Jose, “Mr. Nolasco?” Si Mr Nolasco ang CEO at president ng company na kanyang pinapasukan, eto ang may ari ng kumpanya na bihira ang nakakakilala. “Mr. Jose Dela Cruz, I heard so much about you, at hindi ko lang naririnig, nasaksihan ko pa with my own eyes kung paano mo pinapahalagahan ang mga customers at ang iyong trabaho. You don't know me, nung masama ang pakiramdam ko, yet you go an extra mile to help an old man. And with that dedication and courtesy to your job, I am promoting you as the new store manager sa ating bagong tindahan. Congratulations!” Ikaw? Faithful ka ba sa work mo? Do you go to an extramile ba? Good morning.


No comments:

Post a Comment