Sunday, September 22, 2024

GOD IS IN CONTROL

WORD FOR THE DAY - God is in Control


Revelation 22:13 - “I am the Alpha and the Omega, the Beginning and the End, the First and the Last.”



Isang napakagandang paalala na kung tayo ay nasa Panginoong Hesus na kahit ano pa ang mangyari sa ating buhay alam natin na nauna na Siya at pinangako na ni Lord na Hindi Niya tayo papabayaan at hindi iiwan.

Naalala ko ang istorya istorya ng isang basketball player na nawala sa kagubatan during isang camping. Sa takot niya dahil pagabi na, siya ay nagtatakbo hanggang natapilok dahil sa isang malaking sanga ng puno. Dahil dito siya ay napilay at hindi na muling nakapag basketball pa. Nagtanim siya ng galit sa Diyos at hindi na muling nagsimba pa o nanalangin. Napasin ito ng kanilang pastor at kinausap siya. Na kwento naman ng basketbolista ang pangyayari itong sa pastor.

Nasabi niya nagtatampo siya Kay Lord dahil bakit hinayaan ni Lord na merong sanga sa gubat kaya siya ay natisod at napilay at hindi na muling nakapag basketball pa. Sabi pa niya, bakit ganun… binigyan siya ni Lord ng galing sa pagbasketball pero kukunin din lang. Bakit daw hinayaan ni Lord mangyari ito sa kanya gayong siya daw ay isang Christian na. Dahil dito, nag pray ang pastor dahil dama niya ang lungkot at tampo ng basketbolista pero alam niya din na may dahilan si Lord sa pangyayaring ito. Kaya’t isang umaga tinawag ng pastor ang basketbolista sa gubat kung saan siya natapilok. Atubili ang basketbolista ngunit sumunod pa din siya sa pastor. Nang anduon na sila sa gubat, muli na namang nanariwa ang lungkot at tampo ng basketbolista ng makita ang sanga. Sabi ng pastor “alam mo ba ng mahal na mahal ka ni Lord.” “Paano po ninyo masasabing mahal ako ng Diyos kung hinayaan niya akong matapilok, mapilay at masira ang career sa basketball.” Sabi nga basketbolista. Kaya’t sabing muli ng pastor, “maniwala ka anak, ang nangyari sa iyong pagkatapilok ay paraan ng Diyos para maligtas ka.” Nagulat ang basketbolista sa tinuran ng pastor at nagalit.” Paano po ninyo masasabi na mahal ako ng Diyos kung hinayaan niya akong mapilayan at masira ang career. Nawala tuloy ang aking scholarship dahil dito. Anong klaseng pagmamahal yan.” Sabi niya. Kaya’t sabi ng pastor, “hindi mo ba alam kaya ni Lord nilagay ang sanga na yan ay para madapa ka at mahinto sa pagtakbo dahil hindi mo ba alam may bangin na naghihintay sa iyo kung nagpatuloy ka sa pagtakbo at maaaring patay ka na ngayon” - Minsan sa buhay natin meron mga sanga at balakid para pigilan tayo sa kapahamakan. Good morning


No comments:

Post a Comment