Tuesday, January 28, 2020

MAMAMATAY TAO KA BA? - PART 1


Mamamatay tao ka ba?
Ako? Mamamatay tao? Hello ang bait bait ko..tapos tatanungin mo kung mamamatay tao ako? Nagkakamali ka!
Pero sa totoo lang, marami sa atin ang mamamatay tao na hindi natin alam. Tara tignan natin kung tayo ito.

NAGTATAPON KA BA NG BASURA KUNG SAAN SAAN – Marami sa atin ang walang pakundangan kung magtapon ng basura kung saan saan nalang. Yes po maaaring yung basura natin sa bahay ay iniipon at itinatapon natin sa tamang tapunan pero tanong lang, paano pag nasa labas ka na at may kinain ka, halimbawa plastic ng tinapay at naubos mo na ang tinapay. Saan mo itatapon ang plastic na pinaglagay nito? Basta mo nalang ba itatapon sa kalsada?  Halimbawa nasa jeep ka at umiinom ka ng naka plastic bottle, naubos mo na ang laman..san mo itatapon ang plastic bottle? Bigla mo nalang bang ihahagis sa bintana ng jeep na parang basurahan ang kalsadang dinadaanan?
Masakit isipin pero napakaraming plastic cups, bottles at containers na makikita mo sa mga overpass at kalsada. Hindi mo naman masabi na walang pinag aralan ang mga taong nag tapon nito kasi ang mga cups na ito ay mula sa  “starbucks, coco, dunkin donut, macao, dairy queen, etc ” malamang ang mga bumili at uminom nito ay may pera dahil magkano ang mga inuming ito? Yun lang may pera nga, wala naman good manners sa tamang pag tatapon ng basura.
At dahil sa mga basurang itong na bumabara sa mga kanal at estero, maaari ding umabot pa sa mga ilog at dagat…maraming lamang tubig ang namamatay. At pag na contaminate ang mga katubigang ito, maglilikha ito ng kakulangan ng pagkain at maaari pang pag simulan ng kung ano ano pang sakit. Gayun din kung ang mga basurang ito ay kumakalat sa paligid, dumudumi ito na pinag sisimulan ng pagdami ng insekto na pag mumulan ng sakit at karamdaman  na tutungo sa kamatayan ka gaya ng “Dengue, Diarrhea at kung ano ano pa. Isa sa hindi makakalimutang salot ay nangyari nuong 1347 sa Europa na ikinamatay ng halos 1/3 ng population ang Bubonic Plague o black death. Ang salot na ito ay nagmula sa mga daga.
Kaya kapatid tandaan kahit isang plastic lang o maliit na basura lang ang tinapon mo sa hindi tamang tapunan o basurahan, parte ka pa din ng problema ng kapaligiran na pag dudulutan ng sakit at karamdaman.. Kaya kapatid WAG KANG MAGING MAMATAY  TAO dahil sa basura mo.
Tandaan: “ Ang basurang itinapon mo, babalik sa iyo”

MAHILIG KA BANG MANDAMAY – Ano naman ng kinalaman nito sa pagiging mamamatay tao? Marami kasing tao na mahilig mandamay ng walang pakundangan. Tignan natin:
Mahilig ka bang kumain ng exotic  food – Ok lang naman na  kumain ka ng kung ano ano kasi tiyan mo yan, peropag nagkasakit ka wag ka ng manghawa pa. Or kung meron ng nabalita na nagkasakit dahil sa kumain ng halimbawa “paniki” PLEASE LANG WAG KA NG KUMAIN PA NG PANIKI!-
Yung iba kasi alam ng nagkakasakit na dahil sa paniki, kakain pa ng paniki para ma I post sa social media. Wag naman ganun, sisikat ka nga..mandadamay ka naman.
Yung iba naman masama na ang pakiramdam, hindi pa nag papa checkup or alam na nila may sakit sila halimbawa may ubo na…ubo pa ng ubo kung saan saan na hindi nag tatakip ng bibig nila kaya ang bacteria o virus kumakalat sa paligid at nakaka hawa naman sa ibang tao.
Eto pa isa – mga naninigarilyo kung saan saan. Pinagbabawal na ang panini garilyo kung saan saan kaso nga mahina ang implementing body kaya wala naman nanghuhuli. Kung gusto mo mag kasakit wag ka na sanang mang damay. Meron pa nga ako nakasakay sa jeep, akalain mo siga…naninigarilyo sa loob ng jeep? Wow….parang pag aari nya ang jeep na yan.
Ang mahirap kasi, sa mga taong nakaka langhap ng usok ng sigarilyo, may posibilidad din na magkasakit sa baga. Nakakaasar man, ito ang katotohanan. Di ka nag yosi pero ikaw ang nagkasakit sa baga gaya ng lung cancer o ng emphysema ..tsk tsk tsk..kaya kapatid ingat ingat, lalayo layo din sa mga nag yoyosi kadiri kasi baka magkasakit ka pag dahil sa yosi ng iba.

Kaya kapatid, please lang WAG KA NG MANGHAWA AT MAGING MAMATAY TAO!


TO BE CONTINUED


No comments:

Post a Comment