ANO NA BA NANGYAYARI?
- v Iran vs
US
- v
Australia
Bushfire
- v
Taal
eruption
- v
Corona virus
- v
Earthquake
sa Turkey at kung saan saan
- v
Kobe
paalam na “huhuhu”
Kung ano anong masasamang pangyarari at balita ang
nangyayari sa paligid simula 2020. Eto ba yung sinasabi nilang year of the Rat….year
of problem? Totoo nga ba na tag hirap? Totoo nga ba na puro problema ang taong
ito?
May mga bagay talaga sa buhay na nangyayari na di natin
gusto, may mga bagay na hindi natin kontrolado. Sabi nga may mga bagay na kahit
ayaw natin nangyayari at mangyayari. Kaya ang tanong? Paano na? Ano na ang gagawin
ko? May pag asa pa ba?
Sabi nga ng matatanda,
“habang buhay may pag asa”, kaya isa pinakamagandang magagawa natin ay una sa
lahat:
POINT
YOUR LIFE TO JESUS – Tutok natin ang buong pagkatao natin sa ating
Panginoong Hesus. Sabi nga “ Sa mga bagay na wala ka ng magagawa, si Kristo ang
bahala”. Jesus has done it all for us. He even gave up His life para maligtas
ka lang I am sure tapat siya nung sinabi nya na “ I will never leave you nor
forsake you”. Kapit lang sa kanya kapatid kasi mahal na mahal ka niya.
RENEW
YOUR MINDSET – Sabi nga “Garbage in garbage out”. Pag nag isip tau ng
negatibo, negatibo na din ang pananaw natin sa buhay. Yes, we cannot argue the
fact na may mga problema sa buhay external man o internal pero PWEDE natin
baguhin ang pananaw ng ating isip. Imbes na tignan ang pangit at pait, tignan
ang buti at ganda. Imbes na tignan ang
wala, tignan ang meron ka. Oo totoo nakakalungkot wala na si Kobe, pero atleast
andyan ka pa, buhay ka pa, may magagawa ka pa. Friends, kahit ano pa ang
mangyari sa buhay “LIFE WILL GO ON” kasama ka man o hindi. Iikot ang mundo ano
man ang mangyari dito. It’s your CHOICE how do you want to live your life. Ano
ba gusto mo? Maganda o pangit?
ALWAYS
HOPE FOR THE BEST – After we renew our mindset let’s always hope for the
best. Laging tandaan, kahit na ang pinaka malakas na bagyo huhupa din, hihinto
din. Magpapakita pa din ang haring araw. Kaya kapatid, ano man ang nangyayari
sa paligid laging isipin may mga magaganda pa ding mangyayari sa buhay mo.
Makakatapos ka sa pag aaral, makakatapos
sa pag aaral ang anak mo, makaka bayad ka din ng mga utang, magiging healthy ka
din, yayaman ka di, sisikat ka din, gaganda ka din, popogi ka din, papayat ka
din, se sexy ka din, magkaka boyfriend ka din (hoy lalaki ka din..hehehe) –
gaganda din ang buhay mo. Gaganda at aayos din ang lahat.
YEARN
TO BE JOYFUL – Maging masayahin! If there is one good trait about us
Filipinos ito ay yung masayahin tayo. San ka nakakita, binagyo na ni Ondoy, na baha
na, nalindol na, “nag se selfie pa!” – at ang caption “Simply me, enjoying life”(hehehe)
tapos ang background nasa evacuation
center… minsan naman may mga reporter sa evacuation site, andun sa may camera
pakaway kaway pa…hehehe..masayahin talaga. Hindi naman masama yun, siguro
nasanay na tayong mga Filipino na tawanan nalang ang problema dahil alam natin
mababago din yan. Huhupa din ang bagyo, baha
at lindol. Titigil din ang digmaan, pero ang buhay natin magtutuloy tuloy pa
din. At mas masarap na harapin ang bukas na puno ng pag asa, puno ng ngiti at
saya.
So paano natin haharapin ang mga pagsubok na ito? Point to Jesus, Renew mindset, Always hope
for the best and Yearn to be joyful…paano
gagawin..look at the acronym. “P. R. A.
Y”. Tama! Ano man ang mangyayari at mangyayari sa buhay natin, ilapit at
ipagkatiwala natin sa ating Panginoon…bakit? Siya lang naman ang may magagawa…kaya
sa kanya lang mag tiwala..dahil ang sabi nya “
“I WILL NEVER LEAVE
YOU NOR FORSAKE YOU!” God bless
No comments:
Post a Comment