PAANO MA PROTEKTAHAN
ANG SARILI LABAN SA NOVEL CORONA VIRUS
Ayon sa latest news meron ng global emergency dahil sa Novel
Corona Virus o kilala sa tawag na NCov na kung saan meron ng humigit kumulang
na 8,000 detected cases at kung saan kulang kulang na 200 katao na ang namatay.
Kahapon isang confirmed case na po ng NCov sa Pilipinas ang namatay.

Bakit sa Bible?
Ako po ay naniniwala na bago pa natin kailanganin ang isang bagay
ang probisyon ng Diyos ay andyan na. Makikita po natin na bago ginawa ng Diyos
ang sangkatauhan una pong ginawa ng Diyos ang lahat ng ating kailangan. Inuna
po ng Diyos ang lahat ng “NEEDS” ng sangkatauhan gaya ng pagkain, tirahan (habitat), mga
halaman, puno, gulay, prutas, lamang dagat, mga hayop na kakailangin ng
sangkatauhan para sa pag gawa at mga hayop na pwede din kainin para pagkukunan
ng protina na kailangan ng ating katawan.
God has provided every needs of man even before he created mankind
and as the Bible says “And my God will meet all your needs according to the riches of his Glory in Christ Jesus.”
I believed the best source of knowledge is found in the Bible. Check po natin ano ba ang pwede nating matutunan para ma protektahan tayo laban sa Ncov.
Cleanliness & Hygiene – Sabi sa Deuteronomio 23:12-14 “Maglalaan kayo ng isang lugar sa labas ng kampo na gagawin ninyong palikuran. Magdala rin kayo ng kahoy bukod pa sa inyong mga sandata. Gagamitin ninyo itong panghukay at pangtabon kapag kayo'y dudumi” – God has instructed the Israelites to go outside their camp when relieving and to cover their excrement. Ano ang ibig sabihin, maging malinis tayo sa ating sarili at sa ating kapaligiran. Tandaan na tayo din ang mapeperwisyo pag patuloy nating hindi inalagaan ang ating kapaligiran.
· Maligo araw araw
· Magpalit ng malinis na damit
· Maghugas ng kamay hindi lang pag kakain. – use sanitizer or alcohol
· Ugaliing mag takip ng bibig pag uubo at babahing
· Wag dudura kung saan saan
· Wag iihi at dudumi kung saan saan
· Wag magtatapon ng basura kung saan saan
· Panatilihing malinis ang katawang at ang kapaligiran
Eating habit – Sabi sa Genesis 1:29 “And God said, “Behold, I have given you every plant yielding seed that is on the face of all the earth, and every tree with seed in its fruit. You shall have them for food”. – As much as possible eat fruits and vegetables as it is a natural source of vitamins. Fruits and veggies has high content of anti-oxidants na nakakatulong to strengthen our immune system. God has given our body immune system to protect our body and to combat sickness and disease kaya dapat alagaan natin ang ating katawan, alagaan natin ang ating health para lumakas ang ating immune system. Let’s eat healthy food wag junk foods. Let’s also take the habit of drinking atleast 8 glasses of water (hindi alcohol, coffee or milktea) as it helps the blood to properly circulate.
Naisip ko lang, pag may sakit ang isang tao ano ba ang lagi nating dala pag dumadalaw tayo? Mga mamahaling prutas gaya ng mansanas at ubas….bakit po natin iintayin magkasakit tayo, ngaun palang let’s eat apple and grapes and other fruits para lumakas an g ating immune system.
Be cautious on the air we breathed - Ncov is a virus the attacks the respiratory system meaning yung hangin na hinihinga natin ang dadaanan nya. Let’s be cautious and wear protection such as face mask. Lumayo din sa mga taong bahing ng bahing or ubo ng ubo. Layo din sa mga taong naninigarilyo dahil ang mga usok nito ay aabot sa ating baga at magpapahina nito. Layo din sa mga usok ng mga sasakyan lalo na sa mga smoke belcher. Hindi man Ncov ang makuha mo, baka magkasakit ka naman sa baga dahil sa mga usok nito.
Sabi sa Bible in Genesis 2:7 “Then the Lord God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature. “ Ang buhay natin ay nagmula ng hingahan ng Diyos ang ating ilong kaya’t ingatan natin ang buhay na ito by protecting the kind of air we breathe.
Worry less and don’t be stressed – Sabi sa Bible Matthew 11:28 “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest”- Pag naguguluhan ka na, pag pagod na pagod ka na, pag durog durog ka na….Sabi ni Lord lapit ka sa kanya…pag papahingahin ka niya…
Tunay po na nakaka stress ang buhay at yan ang isang napaka lakas mag pababa ng immune system. Kaya sabi ni Lord lapit ka sa kanya at pag papahingahin ka niya. Kapatid wag tayong mag hanap ng kapahingahan sa tao but find real rest in the presence of God alone. Bakit? Mahal na mahal ka niya kapatid at ayaw ni Lord na naistress ka. Be joyful in the presence of God at lalakas ang immune system mo para iwas Ncov. Remember, “A cheerful heart is good medicine, but a crushed spirit dries up the bones.”
At this time of Ncov scare, instead of panicking let’s follow the above Biblical principles on how to protect ourselves. Let’s check our hygiene, protect our lungs on the air we breathe, check our eating habits and our stress meter to strengthen our immune system. Naniniwala ko mas malakas ang immune system na binigay sa atin ng Diyos. Let’s just don’t abuse our body by neglecting its natural food in strengthening its immune system.Higit sa lahat, ilapit natin ang ating mga buhay at magtiwala sa Panginoon sapagkat sabi niya “Hindi kita papabayaan, hindi kita iiwan”
God bless