Thursday, January 30, 2020

PAANO MA PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA NOVEL CORONA VIRUS


PAANO MA PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA NOVEL CORONA VIRUS

Ayon sa latest news meron ng global emergency dahil sa Novel Corona Virus o kilala sa tawag na NCov na kung saan meron ng humigit kumulang na 8,000 detected cases at kung saan kulang kulang na 200 katao na ang namatay. Kahapon isang confirmed case na po ng NCov sa Pilipinas ang namatay.
Sa mga ganitong pagkakataon ng walang kasiguraduhan, tignan natin sa Bibliya paano natin ma protektahan ang ating sarili laban sa NCov.

Bakit sa Bible?

Ako po ay naniniwala na bago pa natin kailanganin ang isang bagay ang probisyon ng Diyos ay andyan na. Makikita po natin na bago ginawa ng Diyos ang sangkatauhan una pong ginawa ng Diyos ang lahat ng ating kailangan. Inuna po ng Diyos ang lahat ng “NEEDS” ng sangkatauhan  gaya ng pagkain, tirahan (habitat), mga halaman, puno, gulay, prutas, lamang dagat, mga hayop na kakailangin ng sangkatauhan para sa pag gawa at mga hayop na pwede din kainin para pagkukunan ng protina na kailangan ng ating katawan.

God has provided every needs of man even before he created mankind and as the Bible says “And my God will meet all your needs according to the riches of his Glory in Christ Jesus.”
I believed the best source of knowledge is found in the Bible. Check po natin ano ba ang pwede nating matutunan para ma protektahan tayo laban sa Ncov.

Cleanliness & Hygiene – Sabi sa Deuteronomio 23:12-14 “Maglalaan kayo ng isang lugar sa labas ng kampo na gagawin ninyong palikuran. Magdala rin kayo ng kahoy bukod pa sa inyong mga sandata. Gagamitin ninyo itong panghukay at pangtabon kapag kayo'y dudumi” – God has instructed the Israelites to go outside their camp when relieving and to cover their excrement. Ano ang ibig sabihin, maging malinis tayo sa ating sarili at sa ating kapaligiran. Tandaan na tayo din ang mapeperwisyo pag patuloy nating hindi inalagaan ang ating kapaligiran.

·         Maligo araw araw
·         Magpalit ng malinis na damit
·         Maghugas ng kamay hindi lang pag kakain. – use sanitizer or alcohol
·         Ugaliing mag takip ng bibig pag uubo at babahing
·         Wag dudura kung saan saan
·         Wag iihi at dudumi kung saan saan
·         Wag magtatapon ng basura kung saan saan
·         Panatilihing malinis ang katawang at ang kapaligiran 

Eating habit – Sabi sa Genesis 1:29 “And God said, “Behold, I have given you every plant yielding seed that is on the face of all the earth, and every tree with seed in its fruit. You shall have them for food”. – As much as possible eat fruits and vegetables as it is a natural source of vitamins. Fruits and veggies has high content of anti-oxidants na nakakatulong to strengthen our immune system. God has given our body immune system to protect our body and to combat sickness and disease kaya dapat alagaan natin ang ating katawan, alagaan natin ang ating health para lumakas ang ating immune system. Let’s eat healthy food wag junk foods. Let’s also take the habit of drinking atleast 8 glasses of water (hindi alcohol, coffee or milktea) as it helps the blood to properly circulate.
Naisip ko lang, pag may sakit ang isang tao ano ba ang lagi nating dala pag dumadalaw tayo? Mga mamahaling prutas gaya ng mansanas at ubas….bakit po natin iintayin magkasakit tayo, ngaun palang let’s eat apple and grapes and other fruits para lumakas an g ating immune system. 

Be cautious on the air we breathed -  Ncov is a virus the attacks the respiratory system meaning yung hangin na hinihinga natin ang dadaanan nya. Let’s be cautious and wear protection such as face mask. Lumayo din sa mga taong bahing ng bahing or ubo ng ubo. Layo din sa mga taong naninigarilyo dahil ang mga usok nito ay aabot sa ating baga at magpapahina nito. Layo din sa mga usok ng mga sasakyan lalo na sa mga smoke belcher. Hindi man Ncov ang makuha mo, baka magkasakit ka naman sa baga dahil sa mga usok nito.
Sabi sa Bible in Genesis 2:7 “Then the Lord God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature. “ Ang buhay natin ay nagmula ng hingahan ng Diyos ang ating ilong kaya’t ingatan natin ang buhay na ito by protecting the kind of air we breathe.

Worry less and don’t be stressed – Sabi sa Bible Matthew 11:28 “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest”- Pag naguguluhan ka na, pag pagod na pagod ka na, pag durog durog ka na….Sabi ni Lord lapit ka sa kanya…pag papahingahin ka niya…
Tunay po na nakaka stress ang buhay at yan ang isang napaka lakas mag pababa ng immune system. Kaya sabi ni Lord lapit ka sa kanya at pag papahingahin ka niya. Kapatid wag tayong mag hanap ng kapahingahan sa tao but find real rest in the presence of God alone. Bakit? Mahal na mahal ka niya kapatid at ayaw ni Lord na naistress ka. Be joyful in the presence of God at lalakas ang immune system mo para iwas Ncov. Remember, “A cheerful heart is good medicine, but a crushed spirit dries up the bones.”
 
At this time of Ncov scare, instead of panicking let’s follow the above Biblical principles on how to protect ourselves. Let’s check our hygiene, protect our lungs on the air we breathe, check our eating habits and our stress meter to strengthen our immune system. Naniniwala ko mas malakas ang immune system na binigay sa atin ng Diyos. Let’s just don’t abuse our body by neglecting its natural food in strengthening its immune system.Higit sa lahat, ilapit natin ang ating mga buhay at magtiwala sa Panginoon sapagkat sabi niya “Hindi kita papabayaan, hindi kita iiwan” 
God bless



Tuesday, January 28, 2020

MAMAMATAY TAO KA BA? - PART 1


Mamamatay tao ka ba?
Ako? Mamamatay tao? Hello ang bait bait ko..tapos tatanungin mo kung mamamatay tao ako? Nagkakamali ka!
Pero sa totoo lang, marami sa atin ang mamamatay tao na hindi natin alam. Tara tignan natin kung tayo ito.

NAGTATAPON KA BA NG BASURA KUNG SAAN SAAN – Marami sa atin ang walang pakundangan kung magtapon ng basura kung saan saan nalang. Yes po maaaring yung basura natin sa bahay ay iniipon at itinatapon natin sa tamang tapunan pero tanong lang, paano pag nasa labas ka na at may kinain ka, halimbawa plastic ng tinapay at naubos mo na ang tinapay. Saan mo itatapon ang plastic na pinaglagay nito? Basta mo nalang ba itatapon sa kalsada?  Halimbawa nasa jeep ka at umiinom ka ng naka plastic bottle, naubos mo na ang laman..san mo itatapon ang plastic bottle? Bigla mo nalang bang ihahagis sa bintana ng jeep na parang basurahan ang kalsadang dinadaanan?
Masakit isipin pero napakaraming plastic cups, bottles at containers na makikita mo sa mga overpass at kalsada. Hindi mo naman masabi na walang pinag aralan ang mga taong nag tapon nito kasi ang mga cups na ito ay mula sa  “starbucks, coco, dunkin donut, macao, dairy queen, etc ” malamang ang mga bumili at uminom nito ay may pera dahil magkano ang mga inuming ito? Yun lang may pera nga, wala naman good manners sa tamang pag tatapon ng basura.
At dahil sa mga basurang itong na bumabara sa mga kanal at estero, maaari ding umabot pa sa mga ilog at dagat…maraming lamang tubig ang namamatay. At pag na contaminate ang mga katubigang ito, maglilikha ito ng kakulangan ng pagkain at maaari pang pag simulan ng kung ano ano pang sakit. Gayun din kung ang mga basurang ito ay kumakalat sa paligid, dumudumi ito na pinag sisimulan ng pagdami ng insekto na pag mumulan ng sakit at karamdaman  na tutungo sa kamatayan ka gaya ng “Dengue, Diarrhea at kung ano ano pa. Isa sa hindi makakalimutang salot ay nangyari nuong 1347 sa Europa na ikinamatay ng halos 1/3 ng population ang Bubonic Plague o black death. Ang salot na ito ay nagmula sa mga daga.
Kaya kapatid tandaan kahit isang plastic lang o maliit na basura lang ang tinapon mo sa hindi tamang tapunan o basurahan, parte ka pa din ng problema ng kapaligiran na pag dudulutan ng sakit at karamdaman.. Kaya kapatid WAG KANG MAGING MAMATAY  TAO dahil sa basura mo.
Tandaan: “ Ang basurang itinapon mo, babalik sa iyo”

MAHILIG KA BANG MANDAMAY – Ano naman ng kinalaman nito sa pagiging mamamatay tao? Marami kasing tao na mahilig mandamay ng walang pakundangan. Tignan natin:
Mahilig ka bang kumain ng exotic  food – Ok lang naman na  kumain ka ng kung ano ano kasi tiyan mo yan, peropag nagkasakit ka wag ka ng manghawa pa. Or kung meron ng nabalita na nagkasakit dahil sa kumain ng halimbawa “paniki” PLEASE LANG WAG KA NG KUMAIN PA NG PANIKI!-
Yung iba kasi alam ng nagkakasakit na dahil sa paniki, kakain pa ng paniki para ma I post sa social media. Wag naman ganun, sisikat ka nga..mandadamay ka naman.
Yung iba naman masama na ang pakiramdam, hindi pa nag papa checkup or alam na nila may sakit sila halimbawa may ubo na…ubo pa ng ubo kung saan saan na hindi nag tatakip ng bibig nila kaya ang bacteria o virus kumakalat sa paligid at nakaka hawa naman sa ibang tao.
Eto pa isa – mga naninigarilyo kung saan saan. Pinagbabawal na ang panini garilyo kung saan saan kaso nga mahina ang implementing body kaya wala naman nanghuhuli. Kung gusto mo mag kasakit wag ka na sanang mang damay. Meron pa nga ako nakasakay sa jeep, akalain mo siga…naninigarilyo sa loob ng jeep? Wow….parang pag aari nya ang jeep na yan.
Ang mahirap kasi, sa mga taong nakaka langhap ng usok ng sigarilyo, may posibilidad din na magkasakit sa baga. Nakakaasar man, ito ang katotohanan. Di ka nag yosi pero ikaw ang nagkasakit sa baga gaya ng lung cancer o ng emphysema ..tsk tsk tsk..kaya kapatid ingat ingat, lalayo layo din sa mga nag yoyosi kadiri kasi baka magkasakit ka pag dahil sa yosi ng iba.

Kaya kapatid, please lang WAG KA NG MANGHAWA AT MAGING MAMATAY TAO!


TO BE CONTINUED


Monday, January 27, 2020

JANUARY 2020


ANO NA BA NANGYAYARI?
  • v   Iran vs US
  • v  Australia Bushfire
  • v  Taal eruption
  • v  Corona virus
  • v  Earthquake sa Turkey at kung saan saan
  • v  Kobe paalam na “huhuhu”

Kung ano anong masasamang pangyarari at balita ang nangyayari sa paligid simula 2020. Eto ba yung sinasabi nilang year of the Rat….year of problem? Totoo nga ba na tag hirap? Totoo nga ba na puro problema ang taong ito?
May mga bagay talaga sa buhay na nangyayari na di natin gusto, may mga bagay na hindi natin kontrolado. Sabi nga may mga bagay na kahit ayaw natin nangyayari at mangyayari. Kaya ang tanong? Paano na? Ano na ang gagawin ko? May pag asa pa ba?
Sabi nga ng matatanda, “habang buhay may pag asa”, kaya isa pinakamagandang magagawa natin ay una sa lahat:
POINT YOUR LIFE TO JESUS – Tutok natin ang buong pagkatao natin sa ating Panginoong Hesus. Sabi nga “ Sa mga bagay na wala ka ng magagawa, si Kristo ang bahala”. Jesus has done it all for us. He even gave up His life para maligtas ka lang I am sure tapat siya nung sinabi nya na “ I will never leave you nor forsake you”. Kapit lang sa kanya kapatid kasi mahal na mahal ka niya.
RENEW YOUR MINDSET – Sabi nga “Garbage in garbage out”. Pag nag isip tau ng negatibo, negatibo na din ang pananaw natin sa buhay. Yes, we cannot argue the fact na may mga problema sa buhay external man o internal pero PWEDE natin baguhin ang pananaw ng ating isip. Imbes na tignan ang pangit at pait, tignan ang buti at ganda. Imbes  na tignan ang wala, tignan ang meron ka. Oo totoo nakakalungkot wala na si Kobe, pero atleast andyan ka pa, buhay ka pa, may magagawa ka pa. Friends, kahit ano pa ang mangyari sa buhay “LIFE WILL GO ON” kasama ka man o hindi. Iikot ang mundo ano man ang mangyari dito. It’s your CHOICE how do you want to live your life. Ano ba gusto mo? Maganda o pangit?
ALWAYS HOPE FOR THE BEST – After we renew our mindset let’s always hope for the best. Laging tandaan, kahit na ang pinaka malakas na bagyo huhupa din, hihinto din. Magpapakita pa din ang haring araw. Kaya kapatid, ano man ang nangyayari sa paligid laging isipin may mga magaganda pa ding mangyayari sa buhay mo. Makakatapos  ka sa pag aaral, makakatapos sa pag aaral ang anak mo, makaka bayad ka din ng mga utang, magiging healthy ka din, yayaman ka di, sisikat ka din, gaganda ka din, popogi ka din, papayat ka din, se sexy ka din, magkaka boyfriend ka din (hoy lalaki ka din..hehehe) – gaganda din ang buhay mo. Gaganda at aayos din ang lahat.
YEARN TO BE JOYFUL – Maging masayahin! If there is one good trait about us Filipinos ito ay yung masayahin tayo. San ka nakakita, binagyo na ni Ondoy, na baha na, nalindol na, “nag se selfie pa!” – at ang caption “Simply me, enjoying life”(hehehe)  tapos ang background nasa evacuation center… minsan naman may mga reporter sa evacuation site, andun sa may camera pakaway kaway pa…hehehe..masayahin talaga. Hindi naman masama yun, siguro nasanay na tayong mga Filipino na tawanan nalang ang problema dahil alam natin mababago din yan.  Huhupa din ang bagyo, baha at lindol. Titigil din ang digmaan, pero ang buhay natin magtutuloy tuloy pa din. At mas masarap na harapin ang bukas na puno ng pag asa, puno ng ngiti at saya.
So paano natin haharapin ang mga pagsubok na ito? Point to Jesus, Renew mindset, Always hope for the best and Yearn to be joyful…paano gagawin..look at the acronym. “P. R. A. Y”. Tama! Ano man ang mangyayari at mangyayari sa buhay natin, ilapit at ipagkatiwala natin sa ating Panginoon…bakit? Siya lang naman ang may magagawa…kaya sa kanya lang mag tiwala..dahil ang sabi nya “
“I WILL NEVER LEAVE YOU NOR FORSAKE YOU!” God bless