Kung mag i interview ka ng kaibigan, kasamahan sa work,
kakilala or kamag anak at tinanong mo kung kamusta na sila malamang wala
sasagot na pinag pala sila or masaya sila…Kadalasan yan, sasabihin puro
problema sila, puro gastusin, puro bayarin, puro hirap, maaari pang may
magsabing hirap na hirap na sila sa buhay na nila sabay buntong hininga at mag
tatanong kung kailan ba matatapos ang kanilang pag hihirap. Ang nakaka bigla
kahit mayaman or maganda ang work or nakaka angat sa buhay marami pa din nag
sasabi ng nahihirapan na sila sa buhay nila. Akala kasi natin yung mahihirap
lang nahihirapan sa buhay, akala natin na pera lang ang basehan ng kaligayahan ng
tao..akala natin, pag may pera ka ibig sabihin masaya ka na..pag may pera ka OK
na ang buhay mo..Hindi po..madami po dyan na kahit mayaman ay tadtad din ng
problema. Maaring may sakit sila or member ng pamilya nila. Maaaring kahit
mayaman, broken family naman. Maaaring merong mga may gumugulo sa kanila at
wala ding magawa ang pera nila. Sa statistics, mas malaki ang suicide rate ng
mga developed countries kesa sa developing countries. Bakit? It means di pala
pera at kayamanan ang susi sa pagiging pinagpala ng isang tao..Although
mahalaga ang pera, di pala ito ang sagot sa lahat ng bagay.
Pareho lang pala ang mahirap at mayaman, mag kaiba man ang
mundong ginagalawan pero pareho din ang maaring pinag dadaanan..parehong hirap
sa buhay…parehong problemado..
Sa buhay natin kahit ano man ang estado mo, mahirap ka man
or mayaman, I believe we are all blessed or pinagpala and it is only a matter
of perspective or panananaw sa buhay. Kahit kasi may problema ka or may pinag
dadaanan sa buhay if we look at it from a positive side…pinagpala ka pa
din…pano po nangyari yun? Life is a choice given by God at every minute of your
life, every decision na gagawin mo ask God for you to see the positive side of
the story. Halimbawa you lose your job, it means it’s an opportunity for you to
be in a better work..kasi kung di ka naman nawalan ng work di ka maghahanap ng
iba e. Halimbawa naman sabihin natin na talagang broke ka ngaun dahil lumaki
ang expenses mo versus sa income mo… I guess it’s an opportunity for you to
look for a sideline para may extra income ka or try to examine your expenses
baka talagang madami kang un necessary expenses na dapat mong bawasan.
Halimbawa naman sabihin mo pagod na pagod ka na sa buhay mo dahil puro ka work,
puro ka padala sa Pinas or puro tulong ka na lang kung kani kanino …alam mo
bang pinag pala ka talaga dahil ginawa ka ni Lord na channel of blessing…sabi
nga its better to give than to receive…nakikita ni Lord ang effort mo kapatid
and He will reward you for that.
There are a lot of situations and examples, pero kapatid
kahit ano man ang pinag dadanan mo there is always a blessing if you surrender
your life to God. At pag di mo na nakikita ang ganda ng buhay mo, ask God to
show you life’s beauty. Minsan kasi we tend to look for the things we don’t
have rather than looking for the things we have. At kahit wala ka man ng lahat ng
bagay..salat ka man sa lahat ng magagandang bagay..pinagpala ka pa din kasi
buhay ka pa…at pag buhay ka pa, laging may pag asa…Lalo na kung si Kristo ang
kasama…kasi sabi Bibliya “He will never leave you nor forsake you”- Hebrews
13:5…and by this promise, we know we are already blessed. Isa pa, sabi sa
Jeremian 29:11 – God’s plan for us it to prosper us not to harm us…yan lang
pang hawakan mo..masasabi mo na pinagpala ka talaga…

No comments:
Post a Comment