Tuesday, November 14, 2017

TRAPIK NG BUHAY

Naranasan mo na bang ma trapik? 
Kung ikaw ay nakatira sa Metro Manila sigurado ako na trapik ka na. Ang hirap ng trapik, pag may pupuntahan ka kailangan mong umalis ng maaga para makarating ka ng maaga sa pupuntahan mo. Andyan yung wala ka pa sa pupuntahan mo pero ramdam mo na yung pagod kahit na aircon bus or FX pa yung nasakyan mo. Kaya maraming naiinis pag trapik, pano ba naman nalilimitahan ang pwede mong gawin dahil nauubos na ang oras mo sa byahe. Siguro kung merong masaya pag trapik ito yung mga oil companies kasi mas maraming gasolina o diesel ang nakukunsumo ng sasakyan pag trapik. Hay naku nakaka inis talaga.
Maraming dahilan bakit ma trapik, pwedeng may nasiraan, may road repairs, may aksidente, rush hour, or sadyang masikip na talaga ang kalsada at napakarami ng sasakyan. Dumadami ang mamamayang Pilipino at sa pag dami nito dumadami din ang panganga ilangan ng sasakyan. Sa nakalipas ng sampung taon, halos na doble ang bilang ng sasakyan subalit hindi naman lumaki ang kalsadang dinadaanan.
Pag may trapik bumabagal ang pag asenso ng isang bayan dahil nga sa oras na nauubos sa kalsada palang. Naalala ko tuloy nung minsang nag byahe kami papuntang Bulacan, nung papunta kami kay aga aga trapik agad yun pala may ginagawang kalsada  buti nalang at hindi kami na late sa pupuntahan namin kaya nung pauwi na sabi ko maghanap kami ng ibang dadaanan dahil sigurado pag yung way ulit na yun ang dinaanan namin sigurado gabi na kami makaka uwi.
Sa aming pag hahanap may nasuutan kaming mga iskinita at napadaan kami sa mga palayan, babuyan at manukan..medyo nakakatakot lang kasi kokonti ang dumadaan pero sa awa ng Diyos tuloy tuloy naman ang byahe at nagulat nalang kami kasi short cut pala ung kalsadang yon. Biro mo for years dumadaan kami sa kalsadang yuon na akala namin ay pinaka mainam yun pala meron pang ibang kalsada na mas madali. We save around 40 minutes of travel time dahil sa short cut na ito at hindi naman ito matutuklasan kung hindi nagkaruon ng matinding trapik nung umaga!
Mga kapatid, minsan ang buhay natin ay ganyan. Akala natin problema nalang lagi ang buhay natin. Akala natin lagi nalang hirap pero minsan pala yung problemang yun ang nagbibigay sa atin na panibagong daan sa buhay. Parang kami, hindi na kami sana maghahanap ng ibang daan pero dahil sa trapik natuto kaming maghanap ng ibang alternatibong daanan. Ganun din ang problema ng buhay, sometimes it teaches us something na hindi natin natutunan pag magaan ang  buhay kasi nasanay na tayo na palaging ganuon nalang. Pero the moment na humirap pa lalo ang buhay instict na ata talaga ang mag hanap ng paraan na mas madali. 
Kapatid nabibigatan ka na ba sa pinag dadaanan mo ngayon? PRAY! Ask God; Lord meron po bang short cut ito? Ano po ba yung tinuturo mo? Malay mo kapatid blessings na pala na yung naghihintay sa iyo. Kayat kapit lang, may blessing na nag iintay sa trapik ng buhay.
Naalala ko yung isang nanay na nagkaruon ng malubhang sakit ang kanyang anak. Ang sabi ng doktor ang makaka gamot lang daw sa anak nya ay pagkain ng mga organic foods at unprocessed foods. Nung una problema ang tingin ng nanay sa nangyari kasi ang hirap mag hanap ng mga organic foods. Kaya ang ginawa nya nagtanim siya ng mga gulay at prutas sa kanilang bakuran. Tapos gulay at fruits lang pinapa kain nya sa anak nya. Ok na sana kaso dumating ung time na nagsawa yung bata sa prutas at gulay lang at na mi mis nito ang mga pagkain gaya ng hamburgers, tocino, hotdog at iba pang junk food. Ang ginawa ng nanay, gumawa siya ng mga pagkaing ito using vegetables. Halimbawa, hamburgers using mushroom and potato, french fries using organic potato. Nag alaga din siya ng manok at organic din ang kinakain nito kaya naka kain na ulit ang anak nya ng chicken joy. Dahil hindi sumuko si nanay, naging malusog at tuluyang gumaling ang kanyang anak. Eto ang nakaka tuwa, dahil sa mga organic foods nya nagkaruon sila ng restaurant serving organic foods na tinangkilik naman ng masa dahil masustansya na masarap pa.
It goes to say that sometimes problems are only blessings in disguise. Ikaw kapatid, may problems ka ba? Ask God malay mo blessings pala yan. God bless 

No comments:

Post a Comment