Tuesday, November 14, 2017

EXTRA INCOME PARA SA MGA OFW

Isa na yata sa pinaka mahirap gawin ay ang iwan ang pamilya para mag trabaho sa ibang bansa. Yun bang wala ka pag may okasyon. Birthday ng anak, birthday ni tatay, birthday ni nanay or may award si anak at sasabitan ng medal pero wala ka kasi nasa ibang bansa ka. Pag pasko at bagong taon asan ka? Andun sa abroad at maaring nag iisa...pero sabi nga what to do? Ang hirap ng buhay sa Pilipinas, maliit ang sahod. May age limit sa pag pasok sa trabaho. Ang dami walang work at konti ang job requirement. Kaya ang siste, abroad ang takbo ng mamayan Pilipino. Buti kung lahat ng nag aabroad maganda ang trabaho. Buti kung lahat sa opisina, buti kung lahat malaki ang sahod, buti kung lahat mabait ang amo. Pero pano na kung kabaliktaran? Paano na? Hirap talaga.

Kung OFW ka at gusto mo ng makauwi agad at naghahahanap ng extrang kita para maka ipon agad or simpleng nag hahanap ka lang ng exta income, I hope this blog can help you.
Meron lang naman ilang ways para kumita ng extra; ito ay through investments, online or digital at talent based incomes. Ano ano sila?

Investments - Eto yung pag bili ng mga assets na na tumataas ang value overtime gaya ng stocks, mutual bonds, real estate, golds or business. Pag bumili ka ng mga ito, habang tumatagal tumaas ang value. Gaya ng pagpasok sa stock market, pwede natin sabihin na every year tumataas ng 8 to 10 percent ang halaga nito. If my calculation are correct, sa tulong ng yearly price increase at compound interest sa loob ng 15 years na nag invest ka ng 2000 pesos, maari itong maging 1 Million whereas kung tinago mo lamang ito ay aabot lamang ito ng 360 thousand. Imagine the power of compounding interest at yearly price increase.
Sa lupa naman ganun din, naaalala ko ung isang house and lot na nabili nung 1989 na may value na 150 thousand pesos pero after 25 years dahil naging commercial na yung lugar sa tulong mga malls na tinatayo ang naging value nito ay almost 1.5Million na.
This are just some examples of investments na pwede kang matulungan para kumita kahit nasa abroad ka pa. Make investment on thing na tumataas ang value at hindi bumababa gaya ng gadgets.

Online and Digital - Halos lahat ngayon may facebook account bakit natin hindi gamitin ito para kumita. Paano? You can buy and sell items sa internet. You can create online stores sa shopee, lazada, amazon, ebay at kung ano ano pang platform na libre naman. Ang maganda wala kang physical store na binabayaran ng upa at kahit nasaaan ka pwede mong patakbuhin ang online store mo. Kung ayaw mo naman mag tayo ng sarili mong online store pwede mo namang  i post sa facebook, twitter at instagram and mga paninda mo. Kung ayaw mo naman magtinda, pwede ka naman mag apply na affiliate partner sa amazon, souq.com etc. Eto yung i share mo sa facebook mo yung mga link ng store nila at pag may bumili galing sa link mo may certain commission ka.
Isa pang pwede mong gawin ngayon ay ang pag invest sa mga digital currency gaya ng bitcoin na ngayon ay may value ng 6800USD. Imagine 10 years ago walang pumapansin sa mga digital currency na ito samantalang ngayon ito na ang ginagamit kaya tumataas ang value.

Talent based - Sabi nga ng tatay ko hanapin mo yung trabaho na gusto dahil pag nakita mo ito para ka na lang nag lalaro. Ganun din sa pag sideline, may mga galing tayo na pwede pag kakakitaan. Halimbawa, we can teach how to play instruments, mag bake, mag cook, mag sulat, mag blog at kung ano ano pa na pwede nating ituro. We can advertise via facebook or pwedeng via word of mouth. Ang tawag dito ay coaching. You can search sa google at magugulat ka na napak daming business about coaching.. alam mo ba na pati panliligaw at pag evangelize ay meron ng mga personal coach. Kaya kung may talent ka na gusto mo i share, ngayon pwede mo na din itong pag ka kitaan.

These are just some highlights kung paano ka kikita while you are an OFW. If you have some questions kindly shoot me an email at danyael21@gmail.com and I will be glad to help.
God bless

TRAPIK NG BUHAY

Naranasan mo na bang ma trapik? 
Kung ikaw ay nakatira sa Metro Manila sigurado ako na trapik ka na. Ang hirap ng trapik, pag may pupuntahan ka kailangan mong umalis ng maaga para makarating ka ng maaga sa pupuntahan mo. Andyan yung wala ka pa sa pupuntahan mo pero ramdam mo na yung pagod kahit na aircon bus or FX pa yung nasakyan mo. Kaya maraming naiinis pag trapik, pano ba naman nalilimitahan ang pwede mong gawin dahil nauubos na ang oras mo sa byahe. Siguro kung merong masaya pag trapik ito yung mga oil companies kasi mas maraming gasolina o diesel ang nakukunsumo ng sasakyan pag trapik. Hay naku nakaka inis talaga.
Maraming dahilan bakit ma trapik, pwedeng may nasiraan, may road repairs, may aksidente, rush hour, or sadyang masikip na talaga ang kalsada at napakarami ng sasakyan. Dumadami ang mamamayang Pilipino at sa pag dami nito dumadami din ang panganga ilangan ng sasakyan. Sa nakalipas ng sampung taon, halos na doble ang bilang ng sasakyan subalit hindi naman lumaki ang kalsadang dinadaanan.
Pag may trapik bumabagal ang pag asenso ng isang bayan dahil nga sa oras na nauubos sa kalsada palang. Naalala ko tuloy nung minsang nag byahe kami papuntang Bulacan, nung papunta kami kay aga aga trapik agad yun pala may ginagawang kalsada  buti nalang at hindi kami na late sa pupuntahan namin kaya nung pauwi na sabi ko maghanap kami ng ibang dadaanan dahil sigurado pag yung way ulit na yun ang dinaanan namin sigurado gabi na kami makaka uwi.
Sa aming pag hahanap may nasuutan kaming mga iskinita at napadaan kami sa mga palayan, babuyan at manukan..medyo nakakatakot lang kasi kokonti ang dumadaan pero sa awa ng Diyos tuloy tuloy naman ang byahe at nagulat nalang kami kasi short cut pala ung kalsadang yon. Biro mo for years dumadaan kami sa kalsadang yuon na akala namin ay pinaka mainam yun pala meron pang ibang kalsada na mas madali. We save around 40 minutes of travel time dahil sa short cut na ito at hindi naman ito matutuklasan kung hindi nagkaruon ng matinding trapik nung umaga!
Mga kapatid, minsan ang buhay natin ay ganyan. Akala natin problema nalang lagi ang buhay natin. Akala natin lagi nalang hirap pero minsan pala yung problemang yun ang nagbibigay sa atin na panibagong daan sa buhay. Parang kami, hindi na kami sana maghahanap ng ibang daan pero dahil sa trapik natuto kaming maghanap ng ibang alternatibong daanan. Ganun din ang problema ng buhay, sometimes it teaches us something na hindi natin natutunan pag magaan ang  buhay kasi nasanay na tayo na palaging ganuon nalang. Pero the moment na humirap pa lalo ang buhay instict na ata talaga ang mag hanap ng paraan na mas madali. 
Kapatid nabibigatan ka na ba sa pinag dadaanan mo ngayon? PRAY! Ask God; Lord meron po bang short cut ito? Ano po ba yung tinuturo mo? Malay mo kapatid blessings na pala na yung naghihintay sa iyo. Kayat kapit lang, may blessing na nag iintay sa trapik ng buhay.
Naalala ko yung isang nanay na nagkaruon ng malubhang sakit ang kanyang anak. Ang sabi ng doktor ang makaka gamot lang daw sa anak nya ay pagkain ng mga organic foods at unprocessed foods. Nung una problema ang tingin ng nanay sa nangyari kasi ang hirap mag hanap ng mga organic foods. Kaya ang ginawa nya nagtanim siya ng mga gulay at prutas sa kanilang bakuran. Tapos gulay at fruits lang pinapa kain nya sa anak nya. Ok na sana kaso dumating ung time na nagsawa yung bata sa prutas at gulay lang at na mi mis nito ang mga pagkain gaya ng hamburgers, tocino, hotdog at iba pang junk food. Ang ginawa ng nanay, gumawa siya ng mga pagkaing ito using vegetables. Halimbawa, hamburgers using mushroom and potato, french fries using organic potato. Nag alaga din siya ng manok at organic din ang kinakain nito kaya naka kain na ulit ang anak nya ng chicken joy. Dahil hindi sumuko si nanay, naging malusog at tuluyang gumaling ang kanyang anak. Eto ang nakaka tuwa, dahil sa mga organic foods nya nagkaruon sila ng restaurant serving organic foods na tinangkilik naman ng masa dahil masustansya na masarap pa.
It goes to say that sometimes problems are only blessings in disguise. Ikaw kapatid, may problems ka ba? Ask God malay mo blessings pala yan. God bless