Thursday, August 24, 2017

MAY EMAIL KA BA?

Minsan akala natin wala ng pag asa.

Minsan akala natin di na tayo makaka ahon.

Minsan akala natin hindi na tayo gagaling.

Minsan akala natin hindi na natin kaya at susuko na tayo.

Minsan akala natin hindi na tayo makaka bayad.

Kasi minsan nakakalimutan natin na may Diyos na di nag papabaya sa atin.

Kapatid ano man ang pinag dadaanan mo lagi may pag asa kung sa Diyos aasa. Ang kailangan lang ay isuko natin sa kanya ang lahat lahat at magtiwala sa mga pangako nya. Tandaan natin na seryoso ang Diyos ng sinabi niyang hindi ka niya papabayaan at hindi ka niya iiwan, Kailangan lang nating magtiwala at laging umasa sa pag asang dala ng pag ibig nya. 
Kadalasan kasi akala natin na puro pangit nalang ang nangyayari sa buhay natin, pero ang hindi natin nakikita na sa likod pala nito ay may napaka gandang plano ang Diyos at maaaring hinahanda ka lamang niya sa isang bagong biyaya.
May isang kwento ng isang lalaki na pumasok bilang isang janitor. Nung mag fill up na siya ng Bio data nya at kailangang ilagay ang kanyang email address. Kaso dahil mahirap lang siya, hindi siya marunong mag computer kaya wala siyang email address. At dahil dito hindi siya natanggap sa pagiging janitor. Sa kanyang kalungkutan, siya ay nanalangin ng pwedeng niyang pag kakitaan. Sakto naman napadaan siya sa palengke at parang may nagbulong sa kanyang bumili ng kamatis. Ibinili nya lahat yung natitira nyang 200 pesos at nakabili siya ng limang kilong kamatis. Agad niyang ibinenta ito at sa kabutihan ng Diyos, naubos ang kamatis at naging 400 pesos ang kanyang pera. Dahil maaga pa, bumalik siya sa palengke at muling ibinili ang 400pesos nya ng kamatis. Muli na naman nyang naibenta ang lahat ng kamatis at ngaun ay meron na siyang 800pesos.
Araw araw ay ginawa nya ang pag buy and sell ng kamatis, dinagadagan nya na rin ito ng ibang gulay at pag lipas ng ilang buwan ay nagkaruon na siya ng vegetable store. Lumipas pa ang ilang taon, at lalong lumaki ang kanyang vegetable store, nakararuon na siya ng ilang branches at nagkaruon na din siya ng vegetarian restaurant na kung saan hindi lamang doble ang kanyang tubo.
Matuling lumipas ang taon at kailangan niyang magkaruon ng insurance para mapangalagaan ang kanyang mga ari arian, habang nag fill up siya ng contract may isang tanong duon ang pumukaw ng kanyang attention, ito ay ang email. Napatigil siya at napansin ito ng kanyang ahente. Kaya't sabi niya, wala siyang email. Nagulat ang ahente kaya't sabi ng ahente nya...sir, napakayaman nyo po tapos wala pa pala kayong email.., ano na ang mararating nyo kung may email kayo? Sumagot ang lalaki,,malamang kung may email ako...isa akong Janitor.
Kapatid, isa lang itong kwento na gaya ng lalaking ito maaring wala kang email...ang email na ito ay maaaring natapos, maaaring wala kang mga mayayamang kamag anak o kakilala o maaaring lubog ka sa utang at sa tingin mo ay wala ka ng pag asa...Kapatid..tandaan mo, sa Diyos laging may pag asa. Maaring dahil sa sitwasyon mong yan, naka linya ka pala sa isang pag papalang walang sukat kalagyan. God is not rejecting us, maybe he is just redirecting us for a greater purpose. Remember that God is the master of turning our problems into blessings. Kapit lang, God loves u. 
Tanong may email ka ba?

No comments:

Post a Comment