Kung mayaman ka, meron kang "allergy";
Kung mahirap ka,ang tawag dyan ay
"galis" o "bakokang".
Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil
sa "tension and stress".
Sa mahirap, "sira ang ulo";
Sa mayamang "malikot ang kamay" ang
tawag ay "kleptomaniac";
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw"
o "kawatan"
Pag mayaman ka, you're "eccentric";
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo"
o "may topak" o "may sayad".
Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo,
ikaw ay "nalipasan ng gutom";
Kung mayaman ka, you are referred to as someone
who is "scoliotic".
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba";
Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay
"morena" o "kayumanggi".
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay
"ita" o "negrita" o "baluga";
Kung nasa high society ka, you are called
"slender" o balingkinitan";
Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o "ting-ting".
Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay
maliit, ang tawag sa iyo ay "petite";
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak"
o "bansot" o "unano" o "jabbar".
Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly
plump"; Kapag mahirap ka at ika'y "mataba",
"tabatsoy" o "lumba-lumba", pag minamalas ka, "baboy".
Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon,
ang tawag sa iyo ay "game";
Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala".
Kung mayamang alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated";
Pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo
"malandi".
Kung maypera ka ang tawag sa iyo "single
parent"; Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada".
Health conscious or vegetarian ang tawag sa mayayamang puro gulay ang
kinakain; Habang kakaawa ang mahirap na kumakain ng
ganito.
Sa exclusive school, "assertive" ang
mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot
sa mga guro, ang
tawag sa kanila ay "walang hiya".
Ang mayamang tumatanda, "are graduating
gracefully into senior citizenhood";
Ang mga mahihirap ay "gumugurang".
Ang anak ng mayaman ay "slow learner";
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o
"gunggong".
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you
flatter your host who says,
"masarap kang kumain and I like you, you do
justice to my cooking";
Kung ghastly peasant ka eating the same amount
in the same house,
your host will say to himself na ikaw ay
"patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba".
Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo,
"okay lang";
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang,
ikaw ay "nagbubulakbol"
kaya forward mo na agad ito dahil nasa likod mo
ang boss mo..hehehe
No comments:
Post a Comment