Tuesday, October 8, 2024

ARE YOU PRAYING?

 John 16:24 - ‘Until now you have asked nothing in my name. Ask, and you will receive, that your joy may be full.”




Paalala - Minsan nagtatampo tayo kay  Lord sa mga bagay na wala tayo. Sometimes we ask ourselves bakit nangyayari sa akin ito, bakit ako nahihirapan sa buhay, bakit meron may sakit sa family, bakit hindi ako ma promote, bakit mailap ang pangarap ko, bakit parang maling tao ata ang naging asawa ko, bakit parang sinisingit ko nalang ang sarili ko sa mga kaibigan ko para isama nila ako, bakit parang wala akong asenso, bakit hindi matutuloy ang pag abroad ko, bakit parang lagi kaming kapos, at marami pang bakit. Ang tanong lang naman, pina pag pray mo ba? Pinag pray mo ba ang buhay mo at ng family mo? Pinapag pray mo ba ang good health? Pinapag pray mo ba ang career mo? Pina pag pray mo ba ang magiging friends at magiging partner mo or pag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito? Pinapray mo ba ang pag aabroad? Pinag pray mo ba ang business na papasukin? Are you praying ba? Ang sabi sa verse, hanggang ngayon hindi mo pa pinapag pray sa Name ni Jesus kaya wala ka? At ang sabi ni Jesus, ask in His Name then you will receive and your joy will be complete. Gusto ni Lord masaya ka sa mga answered prayer mo, gusto ni Lord sagutin ang prayer mo as long as it is His Will kasi gusto Niya ang best sa iyo? Ngayon ang tanong? Are you praying ba? Kasi if you pray, then you will receive. Nag pe pray ka nga ba? Good morning